Could Not Ask for More

405 9 2
                                    

Stella's POV

"Ahm tita please promise last na tong favor ko sa yo.  Wag mo sasabihin Kay Mama na sasama ako kina Riva at Nicole sa Surigao" pagmamakaawa ko sa tita Ko habang NASA kabilang linya.

"Haay naku Stella ha sinasabi ko sa yo naku talagang malilintikan ako niyan sa Mama mo eh. " naiinis na sabi niya.

"Saglit lang ako dun promise uuwe din agad ako. Kasama naman namin yung kuya ni Riva eh pulis yun so safe kami. "Dagdag ko pa para di siya mag-alala.

"Haay naku talaga kang bata ka.  Pakausap mo nga sa akin yang kuya ni Riva na yan nang mabilinan. " asar na sabi niya.  Ano ano pa at iniabot ko ang phone ko sa kuya ni Riva na NASA bandang unahan namin katabi ni Riva.

"Kuya pasensya na po gusto ka daw makausap ng tita ko okay lang ba? " pahayag ko at siya namang niyang kinuha ang phone ko at nagsalita.

"Ahem ah hi ako pala si Joseph kuya ni Riva and who am I speaking with? " sabi niya na napakamaginoo ng boses.

"Aba talaga naman oo pangingles ingles pa.  Hoy kung sino ka mang Mama ka siguraduhin mong aalagaan mo ang pamangkin ko ah at siguraduhin mo din na makakauwe yan ng buhay ay buong buo.  Understand? tooooot" galit na sigaw ni tita na siya ko namang narinig sa lakas ng boses niya.

"Ah wa---" naputol na sagot ni kuya Joseph nang bagsakan siya ng phone ni tita.

"Grabe sungit ng tita mo ah" natatawang sabi niya nang maibalik sa akin ang phone ko.

"Ah hehe.  Pasensya na po. " ako na nahihiya sa ginawa ng tita ko.  Minsan talaga may sapi yun eh.

Kasalukuyan kaming NASA eroplano ngayon.  Mag-aalas singko na nang madaling araw.  Di na rin naman kalayuan ang byahe namin Maya Maya ay bababa na kami.  Siguro mga bandang alas sais y media ay nakalapag na kami sa Surigao. Makaidlip nga muna medyo nainggit ako Kay Nicole na kanina pa natutulog sa byahe.

====================================

"Oh brow where are you? " tanong ni Dominic nang magising at marinig ang phone niya.

"Brow pababa na kami malapit na Maya Maya lang siguro mga quarter to six andiyan na kami. "Sagot naman ni John na kasama si Darryl sakay ng eroplano.

"Dom magluto ka diyan ah nagugutom na kameeeh" sabi ni Darryl na napasigaw habang nakikipag-usap si John Kay Dominic sa phone.

Napalingon naman ang dalawang babae sa harapan nila na kanina ay natutulog.

"Ssshhhh".. Sabi ng isang babae na nakaharang pa ang hintuturo sa kaniyang labi bilang pagpapatahimik sa dalawa.

Maya Maya pa ay nag-announce na ang stewardess na malapit nang bumaba ang mga pasahero.

"Sa wakas andito na tayo wohoo! " sigaw ng dalawang lalaki sa likod (John and Darryl).

"Ay grabe ang ingay talaga" naiinis na sabi nang babae sa harapan nila.

"Haay Nicole gumising ka na diyan bababa na tayo grabe kanina ka pa tulog" sabi naman ni Riva nang lumingon sa dalawa niyang kaibigan.

"Stella okay ka lang ba ano ready ka na? " tanong ni Riva nang makita ang kaibigan na nakatulala sa bintana ng eroplano.

"All the passengers get ready for getting off the plane.  Please check all your things and be careful while walking out of the plane.  Thank you for choosing Philippine Airlines.  We hope you enjoyed the trip.  God Bless everyone! ". Wika ng Piloto at kanya kanya ng baba ng mga pasahero sa eroplano.

"Nicole brow yung name kung isa" sabi ni Darryl na bahagyang nakatingin sa babaeng NASA unahan nila ni John.

"Tumahimik ka Brow pambihira hanggang dito ba naman dala mo pa din yang pagka-chick boy mo" bulong ni John habang naglalakad sila palabas ng eroplano.

Two Less Lonely StrangersWhere stories live. Discover now