Kabanata 1

128K 3.7K 1.7K
                                    

We could not contact Loris anymore

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

We could not contact Loris anymore. Magmula noong makausap ko siya sa telepono ay hindi na siya tumawag pa at hindi na rin namin matawagan pa. Mag-iilang linggo na nang mangyari iyon at hanggang ngayon ay wala pa rin kaming makalap na impormasyon tungkol sa kaniya. It had also been weeks of sleepless nights for Daddy that it was already affecting his health.

Speaking of him, natagpuan ko siya sa dining table na tambak ang gawain sa opisina isang umaga. Nakahanda ang almusal ngunit mukhang lumamig na lang ang mga pagkain at lahat ay hindi pa niya nagagalaw ang mga ito.

“Good morning, Dad,” I greeted warmly. “You should take some rest, and you haven’t eaten anything yet.”

Nilulukot ang puso ko habang minamasdan siya na hindi malaman ang uunahing intindihin, kung ‘yon bang binabasa niya o ‘yong tumatawag sa telepono niya. Sobrang nag-aalala na talaga ako. Alam naman niyang bawal siyang ma-stress. According to his recent checkup, his health was at a critical juncture. If only I could help him, but I knew nothing at all when it came to business.

“I’m fine, hija. Kumain ka na. You won’t want to be late for work,” aniya.

Pero imbes ay pumuwesto ako sa likuran niya, humawak sa mga balikat niya, at saka marahang minasahe. Inabot naman niya ang mga kamay ko at marahang pinisil.

“Do not worry about me, Lorin. Daddy is fit as a fiddle,” he reassured me with a forced chuckle, then, his gaze returned to the folder in his hands.

“But Daddy,” I protested, unconvinced by his words, and the bags under his eyes told a different story.

Nitong mga nakaraang linggo ay may naririnig ako na hindi raw maganda ang lagay ng kumpanya na dumaragdag pa sa mga problema.

“Please, Dad, kumain ka na po muna. Napapabayaan mo na ang sarili mo,” giit ko.

Ibinaba niya ang binabasa at saka humawak sa kaniyang sintido. Dumiin naman ang hawak ko sa mga balikat niya nang mapahilamos na siya sa mukha.

And it was nothing but a painful and heartbreaking sight.

“May balita ka na ba sa kapatid mo?” tanong niya.

Umupo ako sa silya sa kanan niya at hinawi ang mga papel sa harapan niya.

“Wala pa po,” pagtatapat ko.

Inilagay ko ang isang plato sa harapan niya at saka ipinagsandok siya ng makakain. Pumisil naman siya sa buto sa pagitan ng mga mata, senyales na tumitindi na talaga ang sakit ng ulo niya.

Fit Her Shoe [Gottfred & Lorin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon