Kabanata 13

102K 3K 1.4K
                                    

It was exhausting to feel pain all the time

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

It was exhausting to feel pain all the time. I wished there was a way to stop a feeling—even just for a day.

Sumampa ako sa kama niya. Inayos ko ang kamay niyang nilagyan ko ng bandage tapos ay maingat na humiga sa tabi niya at saka tumagilid paharap sa kaniya, pinagsawa ang sarili na malayang pagmasdan siya.

How could two people be so close to each other, yet felt like galaxies apart?

After some time, I kissed his forehead goodbye. Right now, I needed a space to breathe. I needed some time for myself. Kaya noong gabi ring iyon ay nagpasya akong umuwi sa bahay, at biglang-bigla na lamang sa nadatnan kong bagong bihis na kuwarto ko.

“Ano pong nangyayari?” naguguluhang tanong ko sa mga kasambahay.

Mula sa kanila ay lumipat ang tingin ko roon sa kama na doble na ang laki at iba na ang disenyo at kulay.

Kaninong kama ito?

Nasaan na ‘yong kama ko?

“Lorin, anak, anong ginagawa mo rito?” tanong ni Nanay Tonya habang sa mukha niya ay tila ba gulat na gulat akong makita.

“Po?” naguguluhang tanong ko pabalik.

Kasi bakit naman niya naitanong ‘yon?

“Tumawag dito ang asawa mo kanina. Ang sabi niya ay doon ka raw muna sa condo niya titira habang inaayos namin itong magiging kuwarto ninyong dalawa,” aniya.

All I could do was blinked at her. I was at a loss for words, unable to grasp my emotions. Taking steps further inside, I suddenly felt like a stranger in my own room. The once vibrant pink walls had now transitioned into a sophisticated combination of white and black.

So very manly.

So very much of Gottfred.

“Naayos na namin ang mga gamit mo roon sa isang tukador. Iyong kalahati naman ay sa kaniya,” ani Nanay Tonya pa.

“‘Yong guest room po?” tanong ko. “Pupuwede naman pong doon na lang siya. Bakit hindi na lang siya roon, Nanay?”

“Nasabi ko na rin sa kaniya ‘yan, Lorin. Pero ang sabi niya ay hindi naman siya bisita kundi asawa mo na,” sagot niya.

Sa huli ay doon ako natulog sa guest room dahil biglang hindi na ako kumportable roon sa sarili kong kuwarto. Parang hindi na akin ‘yon. Also that night, I made my resignation letter despite my unwillingness to do it.

Fit Her Shoe [Gottfred & Lorin]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon