🏵Chapter 11🏵

89.3K 3.8K 1K
                                    

Snow's POV

Halos nangawit na ang leeg ko sa kakatingala sa kisame. The structure is totally different from Jin's abode. Jin's mansion is really big, pero itong kina Avis ay parang secondary palace na rin. Siguro dahil maraming resources ang mapagkukuhanan kaya natural talaga na makakapagpatayo sila ng ganito kalaking palasyo.

The palace is made of solid granite stones with a roof of scales like dragon's pero alam ko naman na hindi. Malamang bato lang din iyon na nililok. But the inside is 10 times way better. If the main palace ay galit sa Gold, dito naman galit na galit sa kulay brown at green. Hindi talaga maipagkakaila na Tierra City ang aming pinuntahan, their palace is the epitome of their city. Beautifully structured and best with interior design. Hindi ko naman sinabi na mas maganda pa ito sa palasyo. Sobrang ganda ng palasyo pero nakakatakot ng gumalaw doon dahil pakiramdam mo kahit yung inaapakan mo ay mamahalin at kung magagasgasan mo ito ay pagbabayarin ka.

Natanaw namin na may dalawang medyo may edad na babae at lalaki. Basi sa facial features at pangangatawan ng mga ito ay magulang ito no Avis dahil hawig na hawig niya ang lalaki pero nakuha naman ni Avis ang buhok ng babae.

"Mother! Father!" Agad na tumakbo si Avis at niyakap ang dalawang may edad.

Kita sa mukha ng mga ito ang labis na saya ng makita ang kanilang anak. Meron din isang dumating na medyo bata pero halata na mas matanda ito kesa kay Avis na hawig din nito. Kapatid kaya niya ito o pinsan?

"Cousin!" Masayang bati naman ni Avis at nagtapikan ang dalawa.

Ah, pinsan pala talaga. Hindi naman kasi nila naikiwento tungkol sa pamilya nila. Kaya wala akong alam kung may kapatid ba o wala ang mga ito.

"Come! Meet my greatest parents!" Excited naman na tawag sa amin ni Avis.

Nangingiming lumapit naman ako pero parang wala naman din kina Yuan dahil malamang eh nagkakilala na sila noon pa man. Eh kami na mga bago, nganga?

Napasulyap ako kay Clad. He looks cool at parang balewala lang din dito na makikala ang mga magulang ni Clad. He looks so used to it or maybe wala lang din siyang pakialam. I glanced with Hera na para itong di mapakali at panay hawak nito sa kanyang mga daliri at pinapatunog yun. Tinatablan naman pala ng hiya ang impaktang ito, akala ko talaga wala ng kahihiyang itinatago ito.

"Welcome your highness. We are very sorry, we received the short notice but we aren't able to prepare the grandest welcome because of the short preparation." Hinging paumanhin naman ng ama ni Avis na hindi ko pa alam kung ano ang pangalan.

"Its fine Lord Rigor, we prefer a smaller feast." Sagot naman nito na malamig pa rin ang pakikitungo.

"Thank you, your highness." Pasalamat naman ni Lord Rigor kay Yuan. Yung mga mata naman niya ay bumaling sa amin. "I can see new faces here." Nakangiting saad nito.

"Yes father! She is Snow." Pakilala kaagad ni Avis sa akin.

"Snow Brielle Sylveria, Your grace." Pakilala ko naman rito.

"Clandestine Drone, your grace." Pakilala naman ni Clad.

"Hera Calypso Freed, your grace." Pakilala din naman ni Hera.

"Nice to meet you. It is a good thing that Elites was added." Nakangiting saad naman nito. "Luna, Jin and Violet, nice to see you again, how's your parents?" Pangungumusta naman nito sa mga magulang nila.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon