🏵Chapter 15🏵

84.5K 4K 1K
                                    

Snow's POV

Biglang nag-iba yung pakiramdam ko sa paligid. May isang malakas at mabigat na pwersa kahit saan. Hindi ko matukoy kung saan talaga dahil kalat ito. Napasok na kami sa teritoryo ng three headed lions. Iniwan naman namin ang mga kabayo namin sa labasan dahil ayaw na ng mga itong magpatuloy papasok. Alam din ng mga ito na delikado ang pumasok sa teritoryong ito.

Naramdaman ko na lang na may paparating at natanaw ko kaagad ito. Napakunot naman ang noo ko dahil pamilyar sa akin ang mukha nito.

"Avis, is that your cousin?" Tanong ko bigla.

"Where?" Nagtatakang tanong ni Avis sa akin dahil wala pa itong nakikita.

Well I can already see it dahil mas matalas ang pandama ko sa kanila at paningin.

"There." Turo ko at sinundan naman nila ang kamay ko.

"Dimitri?" Naitanong na lang ni Avis pero mukhang ang sarili nito ang kausap.

"Avis?" Usal din ng nasa malayo. Agad itong tumakbo papalapit sa amin at kita ko na maraming punit ang damit nito at may mga mantsa pa ng dugo. Hindi ko lang alam kung kanya yun o hindi.

"Dimitri, why are you here? You are not suppose to be here." Madilim na saad ni Avis.

This is the second time na nakita ko si Avis na galit.

"Avis, I am the squad leader of the hunt team. I went earlier today in the palace to report and then left." Sagot nito.

Kaya naman pala hindi namin ito nakita sa banquet dahil nagreport lang pala ito. Akala ko pa kasama ito sa welcome committee dahil sumalubong din ito sa amin, yun pala napadaan lang haha.

"But you know how hard is this mission. You are not yet a knight." Nagbabagang turan ni Avis.

"Hey enough. It's not his fault. It's his responsibility as the squad leader, Avis." Harang naman ni Luna.

"She's right Avis. It would be questionable if he did not do his job." Segunda naman ni Jin.

Mukhang kumalma naman si Avis at napabuntong hininga ito. It was just obvious na protective lang ito sa pinsan nito. Malamang dahil kadugo niya ito. I somehow understand his feeling pero hindi naman tama na sigaw sigawan niya ang pinsan niya. I feel it na galing pa ito sa isang matinding sagupaan dahil sa itsura nito tapos sasalubongin pa ng ganun. Kung ako siguro ang nasa katayuan ni Dimitri ay baka nasapak ko na si Avis eh.

"I'm sorry. It's just that everything worries me because of this things happening." Paliwanag naman ni Avis at halatang sorry ito dahil sa inasal.

"It's okay Avis. But I warn you. The lions are marching towards this area. Almost of our men already gone." Balita nito.

Napalunok ako. Biglang tumahimik naman ang paligid. That news is like a nuclear bomb just went explode. Nakakatakot at parang nakakamatay. Alam namin na isa sa pinakamalakas ang three headed lions sa mga mystical beast. Diyos ko, tulungan niyo kami.

"We're going to stop it." Maigting na saad ni Avis.

Ano ba ang magagawa namin? This should be work by the professional at hindi sa amin na mga estudyante. Hindi ko na talaga alam kung ano ang tumatakbo sa isip ni Headmaster at kami ang napiling ipadala sa ganito ka delikadong mission. This is no longer a Class A mission, this is already and S Class mission.

"I'll help." Saad naman nito.

I almost rolled my eyes. Injured na nga ito tapos tutulong pa? Ano ka po kuya? Pabigat? Ang hirap kayang magbuhat. Hahaha.

"No. Stay where the horse are. Do not enter whatever you hear." Habilin ni Avis dito sa pinsan.

Napatango na lang din ito dahil wala naman itong magagawa lung ayaw talagang isama ni Avis. Pabor din yun sa amin dahil wala kaming iisiping pabigat maliban sa akin at sa dalawang baguhan.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon