🏵Chapter 23🏵

84.7K 4.1K 616
                                    

Mikaella's POV (pagbigyan ang request)

Napatulala na lang ako habang nakatingin sa labas. Nandito ako ngayon nakaupo sa balcony habang si Yuki naman ay busy sa kuwarto nito, nag-aaral daw siya kasi malapit na daw ang exam. Hindi naman kasi kami kasali sa exam kasi preparatory pa lang kami.

Hindi ko alam pero hindi ko talaga maalis sa isip ko si Clad. May isang bagay akong hindi masabi sabi kina Bebelyn, Fhevy at Snow. I can see Clad was surrounded by darkness and I can't even see a soul. Noong una talaga natakot ako sa kanya kaya napatulala ako. He is scary kahit may gwapo itong mukha pero nakakatakot siya. Hindi ko alam kung nararamdaman ba nila pero sobrang lakas ng kapangyarihan niya.

Siguro nagtataka kayo kung bakit ko alam. Bahagi lang yung ng kapangyarihan ko dahil nga purification yung kaya ko, hindi niya matatago sa akin ang mga sekreto niya. He has a dark heart and I can even feel his selfishness. I know na may gusto siya kay Snow. Hindi lang pagkagusto pero mukhang obsession na. Mukhang hindi naman ito napapansin ni Snow. But I always see Clad staring at Snow at kung kasama ni Snow si Yuan ay mas lalong umiitim lang ang aura nito like he is about to kill a person. Pero yung mas nakakatakot ay kahit murderous na yung buo niyang pagkatao ay sobrang ngiti pa rin ang pinapakita nito. Kung hindi lang ito ang kapangyarihan ko, iisipin ko rin talaga na wala lang kay Clad ang mga nangyayari.

His darkness is eating him away. But still there is something in him that is pulling me closer to him. Seems like there is some kind of invisible thread tied between the two of us. Aaminin ko crush ko siya, syempre sino ba naman ang hindi magkakacrush sa kanya eh talagang saksakan naman siya ng gwapo.

But all I can say for now, Clad is a guy that cannot be trusted.

"Hoy, bakit seryosong seryoso ka dyan?" Biglang tanong naman ni Yuki sa akin.

Masaya akong si Yuki ang roommate ko dahil kalog din ang babaeng to kagaya ko. Kahit masama ang loob ko dahil hindi ko karoommate yung kambal at least binigyan din naman ako ng cool na room mate.

"Ah, iniisip ko lang kung ano na ako sa hinaharap." Sagot ko naman rito.

Wala pa akong balak sabihin ang mga nakikita ko. It is not time yet, ayoko naman na magfreakout sila or worse mapagkamalan akong sinisiraan ko si Clad. I must find a way.

"Grabe ang lalim naman ng iniisip mo. Akala ko naman iniisip mo kung anong kakainin mamaya." Batatawang saad ni Yuki.

"Ay grabe naman siya. Hindi naman puro pagkain ang iniisip ko." Natatawang sagot ko naman sa kanya. "Hhmmm... By the way, matagal na ba kayong magkaibigan ni Snow?" Tanong ko rito.

"Yes." Agad na tumango ito. "Semilya pa lang kami eh best friends na kami lalo ng ipinanganak kami." Loka-lokang sagot nito.

Pero naiintindihan ko naman kung ano ang ibig niyang iparating. She know Snow from the very beginning. Nagtataka din ako kay Snow, I can sense her but it was all purity, walang negativity kaya siguro parang attaracted si Clad kay Snow dahil nga opposite attracts. Parang sa magnet lang, positive and negative swak na swak.

"Snow is very kind." Totoong sabi ko. She is really kind.

"Naku sinabi mo pa pero minsan nagiging bruha din yun kahit papaano." Sagot naman nito.

Well, no human is perfect ika nga. But still it doesn't erase the fact that she is pure. "Lahat naman ata tayo may itinatagong bruha mode." Saad ko naman.

"Hahahaha oo nga. Sino ba naman kasi ang hindi nagiging bruha pag galit?" Natatawang saad pa nito.

Napatanaw naman ako sa ibaba at biglang nakita ko si Beberlyn at Fhevy na naglalakad palabas sa dorm. "Oi! San kayo?" Biglang tawag ko sa dalawa. Grabe hindi man lang kami isinama.

"Sa pantry lang kami!" Sigaw naman ni Beberlyn.

Ah, pagkain na naman. Di ako interesado dahil busog pa naman ako. "Yuki, gutom ka? Punta sila sa pantry." Yaya ko rito.

"Nah. Diet ako ngayon, ayokong madagdagan timbang ko." Sagot naman nito. Sobrang conscious naman nito sa katawan eh ang payat payat na nga nito. "Paano ako mapapansin ng lovenof my life ko kung multi layers na itong bilbil ko."

Natawa naman ako rito. Grabe multi layers kaagad, di ba pwedeng first layer muna? Pero maganda din naman si Yuki, alam ko na kung sino man ang gusto nito ay magkakagusto din sa kanya.

•••

Snow's POV

Hinihingal akong napabangon ng dis-oras ng gabi. Ang sama ng panaginip ko pero hindi ko man lang maalala ang lahat pero yung alam ko. Nagkakagulo ang lahat, may maraming patay at sunog pero bukod doon ang wala na akong maalala. Ni hindi ko nga alam bakit may sunog at maraming patay.

Napatayo na lang ako dahil natatakot ako na baka dumugtong yung panaginip ko. Napainom naman ako ng tubig. May nakahanda kasing tubig lagi sa kuwarto ko dahil bigla-biglang nauuhaw kasi ako tuwing gabi at tinatamad akong bumaba kaya nagdadala talaga ako bago matulog.

Kinuha ko na lang din yung libro na nakalimutan ko ng basahin dahil sa mga pangyayari. Buti na lang talaga meron akong nailagay na bookmark dahil lung wala aba baka magsimula na naman ako sa simula dahil hindi ko maalala kung hanggang saan ako sa pagbabasa.

Pinagpatuloy ko na lang ang pagbabasa. Hindi ko alam kung balit pero natutuwa ako sa libro. Kung tutuusin eh parang boring lang naman kasi anv story na ito dahil nga nakafocus lang ito sa isang babae. Nalaman ko rin na si Aria pala ang magiging ina ng tagapagligtas kaya mas lalong naging interesado na ako dahil related na ito sa mga nangyayari ngayon. Nandito na ako ngayon kung saan ay natulog na si Aria ng 500 years. Sa dimension niya ay parang ilang buwan lang ang tagal while sa outside world ay ilang daan taon na ang lumipas. Nagising na si Aria sa nakatakdang panahon at nakalabas na ito sa dimension pero nanibago naman ito dahil ibang iba na ang lahat. The place 500 yeas ago and 500 years later is 360 degrees different. Pero napansin ko na lang na parang malapit na matapos ang kuwento dahil hindi ko sinasadyang mabuklat ang ibang pahina at wala na itong laman. Mga dalawang pahina na lang ang natira sa storya. Kaya pinagpatuloy ko ulit ang pagbabasa.

Naglakad ito sa kalsada ng kamuntikan na itong mabangga ng isang mayamang babae na ang pangalan ag pearl at sakto naman na manganganak naman si Aria kaya isinugod na ito sa ospital. Habang nagbabasa ako ay kinakabahan ako sa mga susunod na magmngyayari. Pero sobrang nalungkot ko dahil namatay si Aria sa panganganak, pero feeling ko rin destiny na niya yun dahil 500 years ba naman siyanv natulog, dapat nga eh matagal na siyang patay.

Pero laking gulat ko na lang dahil sa may pinakahuling pahina ng libro ay nakasulat doon ang pangalan ng bata at mga magulang. Halos mabitawan ko pa nga ang libro at kinusot ko pa ang mga mata ko kung totoo ba itong nababasa ko. Napalunok ako at halos parang panawan na ako ng ulirat. Parang nakapa-impossible. Impossible talaga. Parang pinagdidiskitahan lang ako ng tadhana. Sa huling pahina kasi nakalagay.

The baby was adopted to the family who saved Aria named Pearl and Drego Sylveria and they named the baby as Snow Brielle Sylveria.

What the F? Is this book is the story of my beginning? Is this for real? Si Aria ba ang tunay na ina ko? The last remaining healer and I was the seed the was being conceived to save the world?

"Oh my god. This is not happening." Nakatulalang saad ko na lang.
〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰〰

Short-update lang po tayo dahil ang haba ng nauna hahaha.

Vote and comment.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon