🏵Chapter 35🏵

84.1K 3.9K 557
                                    

Snow's POV

The sky is darker today than the usual. Hindi ko alam kung uulan ba o talagang madilim lang. Nakakatamad din lumabas sa dorm. Suspendido din kasi ang klase dahil may nagaganap na naman na meeting ang faculty. Hindi namin alam kung bakit napapadalas na ang meeting nila. Hindi naman kasi sinasabi kung ano ang dahilan kasi wala naman din result or announcement for activities.

Nandito na lang ako sa kuwarto ko at nag-eensayo ng aking kapangyarihan. I can now grasp all the power. It is just unbelievable, isa na lang ang hindi ko kayang gawin, ang magpalabas ng kapangyarihan ng dilim. I don't know how to do it, di ko rin kayang palabasin kahit anong gawing isip ko. Kaya naisip ko na baka hindi ko talaga kayang gawin yun dahil mga demons lang ang kayang magpalabas ng itim na kapangyarihan.

Tok tok tok

Dinig ko na lang ng may kumatok sa pintuan. I wave my hand and the door opened itself. Ang cool ng kapangyarihan ko di ba? Tinuturaan akong maging tamad hahaha. But there I saw Yuan standing and he entered without waiting for my response at isinarado naman nito ang pintuan. Lumapit naman kaagad ito sa akin at hinalikan ako ng magaan sa aking mga labi.

"I miss you." Saad nito.

Napangiti naman ako. Ang korni pakinggan pero basta mahal mo pala ang tao, kahit ilang minuto lang di mo ito makita, namimiss mo pala talaga. Akala ko exaggeration lang ang mga ganito dati pero talagang totoo pala.

"I miss you too." Sagot ko naman rito at gumanti ako ng yakap.

"What are you doing? Why are you caging yourself here?" Tanong naman nito sa akin at tumabi na ito sa akin sa pagkakaupo.

"I am just training myself. Wala kasing klase sayang din naman." Sagot ko naman rito.

Tumalon naman si Silvan at tsaka kumandongsa aming dalawa ni Yuan. This wolf likes Yuan as well, hindi nga lang ito naiintindihan ni Yuan.

"Silvan, you're getting heavy." Puna naman ni Yuan. Malaki na kasi ito, like as in. Simula ng magsalita ito ang bilis na ng paglaki nito parang araw araw lumalaki ito. Ni hindi ko na ito matawag na tuta, he is already a giant wolf.

I am not. Sagot pa talaga nito.

"You are a big boy now, Silvan. My cutest big boy." Saad ko naman habang pinepet ko ito.

I love you mommy. Sagot naman ni Silvan na ikinangiti ko.

"You already can talk to him?" Tanong naman ni Yuan.

Tama hindi ko pa nga nasasabi rito na nakakausap ko na ito. Nakakaligtaan ko lang din sabihin dahil nga sa dami ng ginagawa namin.

"Yeah. Sorry I forgot to tell. He started to talk few weeks ago." Sagot ko naman rito at nginitian ko pa si Yuan.

Ngumiti naman ito. Alam mo yung ngiti nito, nakakaadik, kasi miminsan ko lang kasi ito makita. Hindi kasi ito ngumingiti kung kasama namin ang iba. Parang may nakapaskil sa mukha nito ang bawal ngumiti. Kaloka nga eh, kala mo kasi laging galit  pero kung kami lang dalawa, galante naman ito sa ngiti.

"I am happy that now our baby can talk." Saad naman nito.

Namula naman ako sa sinabi nito. Parang anak lang namin di ba? Hehehe syet, hindi ako komportable sa mga ganitong usapin.

"O-of course." Nautal pa talaga na sabi ko di ba? Jusko, bakit nagiging tanga ako sa harapan ng lalaking ito.

Daddy! Daddy! Biglang tawag naman ni Silvan.

Pero laking pasalamat ko lang na hindi ito naririnig ni Yuan dahil kung oo ewan ko na lang talaga.

"Silvan, sleep now." Utos ko rito. Makulit eh, baka kung ano pa ang gawin nito dahil syempre hindi ito naririnig ni Yuan, baka mangulit pa.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon