🏵Chapter 26🏵

88.3K 3.5K 711
                                    

Snow's POV

Kasalukuyan akong nag-eempaki ng aking nga damit at mga gamit na dapat dalhin para sa gagawin na camp. Yeah, you read it right. Magcacamping kami ng Weaponry Class including the Elites. Hindi ko talaga inasahan na uso pa pala dito ang camping camping na ito. Dati nga noong grade schooler ako eh hindi ako sumali sa mga girl's scout girl's scout na yan dahil wala akong kahilig hilig sa mga camping camping. But now what? Eto, nag-eempake dahil magcacamping lang naman doon sa mount Vernecore.

Sa totoo lang, lahat naman excited ako lang itong hindi dahil nga mas prefer ko pa ang magklase na lang kesa mamundok. Ewan ko ba at anong nakain ni Prof Claw at naisipan ng masungit na yun ang magcamping.

"Snow! Come on! We are riding the school bus!" Excited na saad ni Luna.

Napabuntong hininga naman ako. God, bigyan niyo ako ng lakas dito. Kinuha ko na ang camping bag ko na malaki at bumaba na ako. Nakita ko naman doon na naghihintay si Luna, pati si Yuki nandito rin at bitbit ang malaking bag nito. Ang lapad lapad pa ng ngiti nito.

"Bes! For the first time, magcacamping tayo!" Excited na saad ni Yuki sa akin.

Tabingi naman akong ngumiti. Alam nito na ayoko sa mga camping, ni hindi ako marunong magtayo ng tent at magsiga. But wait, no need na pala kasi pwede naman ang kapangyarihan ko magsiga pero ang tent, kahit anong gawing magic ko wala talaga akong talent doon.

"Ay, bakit parang hindi excited?" Nagtatakang tanong naman ni Luna at napatingin kay Yuki.

"Hayaan mo yan. Ayaw kasi niyan ng mga ganito." Sagot naman ni Yuki.

Hindi ko naman nakita yung iba, malamang ay nasa labas na ang mga ito.

"Tara na." Yaya ko na lang sa mga ito at yun nga lumabas na kami ng dorm at pumunta na kami sa clock tower dahil doon naghihintay ang school bus. By the way first time pala namin sumakay sa school bus dahil nga hindi naman ito gaanong ginagamit. Tahimik lang akong naglalakad habang ang dalawa naman ay busy sa kadaldalan. Hindi ko na rin sinama si Silvan dahil baka maglilikot pa yun at mawala sa gubat. Nakarating na kami sa clock tower at nandoon na nga ang karamihan. Nakita ko na nakatayo si Yuan doon na halatang hinihintay kami at yung iba naman ay kanya-kanyang pasok sa mga kagamitan sa compartment ng school bus.

"What took you so long?" Tanong naman ni Violet sa amin.

"Ito kasing si Snow, tagal mag-impake." Sagot naman ni Luna. Ako pa talaga sinisi, pwede naman silang mauna na kanina pa. "Mukhang ayaw kasi niya sa camping kaya hindi ginaganahan."

"Camping is love." Komento naman ni Avis.

"Tss." Saad lang ni Jin.

Walang sabi-sabi ay lumapit si Yuan sa akin at kinuha niya ang dala ko na bag at dinala niya yun at ipinasok sa compartment. Hindi nakaligtas sa aking mga mata ang mga mapanuksong ngiti ni Luna and even Violet and Yuki. I just wanna roll my eyes. I did not make any comment, ayoko ng humaba pa ang diskusyon.

"Snoooooooww!" Biglang saad ng kilala kong boses.

Napalingon naman ako para tingnan kung sino yun. "Beberlyn?" Hala anong ginagawa nito dito? Napatingin pa ako sa likod at nakita ko rin na nakasunod si Fevelyn at Mikaella.

"Hi Snow!" Sabay na bati naman ng dalawa sa akin.

"Hello, but what are you doing here?" Nagtatakang tanong ko rito sa mga ito.

"Kasi po, kasama po kami sa camping niyo. We will be assisting the whole class." Nakangiting saad ni Mikaella.

Ah. Ganun naman pala. Malamang pakana na naman ito ni Headmaster dahil sa itsura pa lang ni Prof Claw ng makita ang tatlo na dumating eh umasim na ang mukha nito.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon