🏵Chapter 38🏵

76.5K 2.9K 475
                                    

Snow's POV

"Wow, this barrier is really strong." Komento ni Avis na nakatingala. We can see the fragment of the energy moving from the inside.

"Because it is smaller. The smaller is the stronger." Sagot naman ni Yuan.

I was silently staring at the demons who are still growling and they don't even know what to do dahil nga sa barrier. They are here to get the Core pero hindi man lang sila makatawid. Parang kaluluwa lang di ba? Pero ang mga ito, buhay pa nga parang mga ligaw na kaluluwa na ang mga itsura.

I wonder what will happen with their souls when they die. Di ba demonyo na sila and they are literally living in hell? So if they die they will go to hell? Parang home coming lang yun ah. Ang unfair naman di ba? Kasi ako nga takot akong mapunta doon pero sila doon pa rin ang punta, e di enjoy na enjoy sila nun.😑

"Hoy Snow, ano na naman yang iniisip mo?" Biglang tanong sa akin ni Yuki na ngayon ay katabi ko. Sandaling kausap kasi ni Headmaster si Yuan. Malamang dahil sa secret mission ang pinag-uusapan ng dalawa.

"Yuki, I was wondering kung saan mapupunta ang kaluluwa ng mga demonyo pag namatay sila." Saad ko rito. Hindi kasi ako mapakali sa thought na ito.

Yuki was giving me an incredulous look. "Naging concern mo pa talaga yan? Syempre saan pa kundi sa impyerno kung saan sila nanggaling." Sagot kaagad nito.

Napanguso naman ako. May mas worst dapat sa pupuntahan ng mga maluluwa ng mga ito para pagbayaran ang kasamaan nila.

"Ang unfair di ba? Tayo gusto natin sa langit mapunta kung mamamatay man tayo. Pero kung makasalanan tayo, sa impyerno bagsak natin. Eh sila sa impyerno pa rin. Parang hindi man lang sila naparusahan dahil babalik lang sila sa tahanan nila, baka nga may banner pa na sasalubong sa kanila na welcome home." Naisaad ko. Hindi ko talaga like ang idea ng naiisip ko.

Napaisip naman ito. "Well may punto ka nga diyan, pero kailangan pa ba natin yun na pakialaman? Like the most important is, wala na sila. Hindi na sila makakapanggulo, forever jailed na sila sa impyerno." Sagot naman ni Luna.

May punto siya pero para sa akin, kulang pa yun na kabayaran. "Sa lahat ng kasamaang ginawa nila. After life is not even worth." Saad ko. Dapat na lang kasi pati kaluluwa mamamatay din para talagang wala na silang trace dito sa mundo o kahit saang impyerno pa sila.

"Well, wala tayong mababago. Its the law of the human nature. Kaya tayo pakabait tayo para sa langit ang punta natin." Nakangiting saad naman ni Yuki.

"Of course, ayoko kaya dun sa impyerno." Natatawang saad ko naman rito.

"Wow your topic seems like fun." Sali naman kaagad ni Luna na hindi namin napansin kaagad.

"Hay naku, ito kasing si Snow kung anu-ano ang iniisip." Saad nito at ikinuwento nito ang concern ko sa mga kaluluwa ng mga demonyo. Yung reaksyon ni Luna ay gaya din ni Yuki.

"Wala tayong magagawa, impyerno na kasi ang pinakamatindi, kaya dun parin ang punta nila." Saad na lang ni Luna. "But seriously Snow, you should not give a damn with those small things."

Oo na hindi na nga ako magsasalita. Grabe itong mga ito, naisip ko nga lang na unfair kung anu-ano na mga sinabi ng mga ito.

Bigla na lang akong naging alerto ng maramdaman namin ang simulang pag-atake ng mga demon sa barrier. Nayayanig ang barrier pero hindi naman ito napapano. Naningkit ang mga mata ko dahil sa lakas ng loob ng mga ito. Harap harapan talaga eh.

"We should kill them all." Then I teleported out side and I unsheathed the sword and lash away a demon who wasn't able to catch me during my teleportation.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon