🏵Chapter 14🏵

85.9K 3.9K 666
                                    

Snow's POV

I crouched on the ground as I hid behind the thick bush. Kanya kanya kami ng hunt. Iniisip ko kung ano ang huhulihin. Hhmmm, naisip ko ang Usa pero hindi kaya ng puso ko na pumatay ng kalahi niya. Kuneho naman kaya? Mas lalo na yun feeling ko parang pinatay ko yung aso namin. Gusto ko sana eh baboy ramo pero sana naman swertehen ako at makakita man lang ng isa. Medyo mailap pa naman ang mga ito.

I crawled silently. I can feel the auras from distances. Alam ko na nasa malapit lang din ang Elites. Hindi naman kami pwedeng maghiwahiwalay ng malayo dahil nandito kami sa isang hindi pamilyar na gubat. Baka mapano lang kami.

Tinalasan ko ang pakiramdam ko at naramdaman ko agad na may isang hayop sampung metro ang layo. Hindi ko matukoy kung ano ito kaya dahan dahan akong gumapang papunta sa dereksyon ng naramdaman kung hayop. Palapit ako ng palapit ay nagiging mas malinaw sa akin kung ano ito.

Perfect! Wild boar! I smiled evilly dahil hindi na ako magpapakahirap pang maghanap. I am going to do a surprise attack. Naghanda na ako and when I attempt to jump, mukhang naramdaman naman nito ang presensya ko at bigla itong nagtatakbo palayo.

Napanganga na lang ako. Sayang naman yun! Hindi ko akalain na mahihirapan ako rito. Akala ko naman ay madali lang dahil yun naman ang nakikita ko sa TV lalo na sa Nat Geo Wild. Napanguso naman ako. Maghahanap na naman ako. Kung hindi lang sana ako maawain ay kanina ko pa hinuli ang mga nadaanan kong kuneho at mga usa.

Naghanap ako ulit. Kahit nalamig ang paligid ay pinagpawisan pa rin ako dahil sa pressure na aking nararamdaman. Nakakapressure naman kasi itong ginagawa namin. Kailangan pa namin manghuli para may makain. Diyos ko po. Hindi naman ako pinalaking mangangaso at itong ginagawa ko ay base on what I saw on TV lang din naman. Hindi naman kami tinuruan na mangaso sa Academy.

Si kalayuan ay nakita ko naman si Luna na parang pusa kung makagalaw. Alam ko na may nakikita na itong target kaya ganito ang mga galaw na ito. Para itong tigre na handa ng sumugod then in a swift movement naging sobrang bilis ng galaw nito at agad nitong nakahuli ng wild boar.

Napanganga na lang ako. Bakit ba hindi ko yun naisip na gamitin ang kapangyarihan ko para manghuli? Tsk, so stupid naghirap pa akong gumapang gapang di ba tapos pwede naman pala gamitin ang kapangyarihan. Hay, Snow pairalin din minsan ang common sense mo!

Pero nawalan na ako ng ganang manghuli ng mga hayop. For sure lahat sila eh mga forest animals ang mga hinuli. Nakiramdam ako ako sa paligid and not from a far distance ay naramdaman ko ang isang ilog. I smirked. May ilog, means may pag-asang makakahuli ako ng isda or kung siswertihen baka makahuli ako ng alimango. Pero alimango sa ilog? Hahaha ang alam ko nakukuha mga yun sa dagat na may mangroves at sa maputik na parte.

Agad na tinungo ko ang dereksyon ng ilog at di naman katagalan ay nakita ko kaagad ito. Napangiti ako dahil ramdam ko na may mga isda doon. Agad na itinaas ko ang aking kanang kamay ay sumabay din sa pag-angat ang mga lumalagoy na isda na nagulat pa nga dahil wala na ang mga ito sa tubig at nakalutang na sa ere.

"Hhmmm... Sino sa inyo ang tanghalian ko?" Iba't-ibang klase kasi ng isda ang nakikita ko. May maliit may malaki may tama lang yung size pero hindi ko naman alam kung anong klaseng mga isda ito.

Ang alam ko lang kasi eh tuna at bangus, bukod pa dun wala na akong alam. Kaya pinili ko na lang yung medyo malaki na para siyang tuna pero may kaliitan ito at tsaka dilaw kasi ang fin nito. Ang alam ko sa tuna mga gigantic fishes yun.

A/N: hindi pa nakakita si Snow ng Baby Tuna kaya pagpasensyahan niyo na yung kakulangan ng kaalaman niya. 😅

Agad na ibinalik ko ang ibang isda sa tubig na nagbagsakan na akala mo ay mga naglalaro ang mga ito ng talon talon sa tubig. Napangiti naman ako sa hawak-hawak kung isda. Ang ganda kasi ng itsura at tamang tama na ihawin ito!

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon