🏵Chapter 25🏵

92K 3.8K 573
                                    

Snow's POV

I started my day as a normal one. Wala kamig klase dahil may departmental meeting na nangyari kaya free kami buong araw. Agad naman akong sinugod ni Yuki dito sa Dorm, but if I know ginagawa lang talaga akong rason nito para makita ang sinisinta niyang si Jin na sobrang pananahimik na ngayon. Halos ayaw ng kumibo o baka naman nakalimutan na kung paanong magsalita. At least dati medyo madaldal pa ito pero ngayon grabe parang kung magsalita ito eh magpapatirik na ako ng kandila.

Pansamantala ko rin munang kinalimutan ang mga natuklasan ko dahil nga sabi ni Yuan kahit problemahin ko pa raw yun eh problema pa rin yun kaya hayaan ko na lang muna daw para naman marelax yung hypothalamus ko.

"Luna! Ang tagal mo, ranking na tayo!" Sigaw naman ni Yuki dahil excited ng magpa-rank sa mobile legends. Medyo matagal din kaming hindi nakalaro rito dahil nga sa mga pangyayari.

"Teka ano gagamitin mo?" Tanong ko naman kay Yuki.

"Susubukan ko si Argus, maganda yung skill niya eh." Sagot naman ni Yuki.

"Siguruhin mo lang ah. Rank to, hindi match up. Baka matalo pa tayo at mabawasan itong stars ko." Nakangusong saad ko naman rito.

"Okay lang, malakas naman yung level ng emblem ko sa physical attack eh." Saad naman ni Yuki. "Ikaw ano gagamitin mo?"

"Cyclops forever to." Sagot ko naman.

"Grabe ka di ka ba nagsasawa sa bulinggit na yan?" Nagtatakang tanong nito. Ayaw kasi nito kay cyclops kasi mabagal daw tumakbo, naaabot ng kalaban kaagad hahaha.

"Hoy, ang galing kaya ni Cyclops kahit babagal bagal siya ang lakas kaya ng skills niya." Depensa ko naman. Natural, kabisado ko na si Cyclops tsaka lakas na rin yung magic assasin ko.

"Uy sorry, chinacharge ko pa kasi. Teka, open lang ako." Saad nito at binuksan na ang app. "Shit, may update pa pala?" Naisaad ni Luna.

"Yeah, may new hero kasi, si Argus." Sagot ko naman rito.

"Ano ba yan, mas matatagalan tayo. Update muna ako." Saad nito at tsaka matyagang nag-update sa app store.

"Ano gagamitin mo? Rank tayo." Tanong naman ni Yuki kay Luna.

"Layla na ako." Sagot naman ni Luna.

A/N: naka-iphone sila mga bess hahaha. Yaan niyo ba. Igaya na lang sila sa cellphone ni Author.

Ilang sandali lang ay natapos na rin sa update itong si Luna at tsaka nagrank na kami.

Pilian na kami ng heroes at pasalamat ko lang dahil ako ang nakauna kay Cyclops at nakuha naman ni Yuki si Argus pero si Luna naunahan may Layla kasi may kumuha na.

"Aaaahhhhh!! Kinuha niya si Layla!" Nainis na reklamo ni Luna.

"Teka, mag tank ka na lang Luna, wala tayong tank oh." Saad ko naman kay Luna.

"Oo na, Franco o Minotaur?" Tanong pa nito.

"Franco Luna, hook master yun bagay partner kay Cyclops." Sagot ko naman. Hehehe sa totoo lang either Zilong or Franco ang gusto ko kasama kasi mas madali silang pakisamahan at compatible team up kasi yun.

"Geh." Sagot nito.

"Bottom tayo." Saad ko kay Luna.

"Sige, top ako, isasama ko itong si estes." Saad naman ni Yuki.

Yun nagsimula na nga yung rank gaming namin at medyo naaasar pa ako kasi biglang tumataas ang ping at pumupula na. Kaloka to, nakakainis pa naman yung ganun kasi parang ang lagkit ng galaw ng hero.

FURY ||Universe of Four Gods Series|| Book 3 (Soon to be Published)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon