CHAPTER 1: Harrington Family

3.9K 90 3
                                    

CHAPTER ONE:
HARRINGTON FAMILY

-----
TEMER'S POV.

Napangisi ako nang masilayan ko nanaman ang kanyang paghihirap dahil sa ginagawa namin ngayon.

Maganda ang sikat ng buwan at maliwanag ito kaya kitang kita ko ang pagtitiis niya sa hirap. Tss! I already told her NOT ME!

Kahit saan man ako magpunta siya palagi ang bumabangga sa akin. I didn't even knew what I have done to her. Kahit na alam pa niyang kahit kailan hinding hindi niya ako matatalo.

Alas dose na ng gabi at heto parin kami sa gitna ng daan.

Pinilit niyang tumayo at sumugod muli sa akin. Agad ko namang binunot muli ang aking sailing knife na nakasukbit sa aking tagiliran upang sanggalangin ang atake niya gamit ang hawak hawak niyang katana.

"I hate you Temer! Since you came in the campus, you already got my throne there as a queen!"

Nanggigigil niyang sambit habang magkatagpo parin ang aming mga sandata. Muli nanamang akong napangisi at buong lakas siyang itinulak kaya bahagya nanaman siyang natumba.

"I don't know what are you saying miss Abi! Ni hindi ko nga alam na reyna pala ako doon! Kailan pa?"

Natatawang sambit ko. Mas lalo pang nalukot ang pagmumukha niya dahil sa mga sinabi ko kaya sumugod siyang muli. Tumalon ako pataas at tumuntong sa isang kotse dito na nakaparada sa daan.

Pero agad rin naman akong tumalon pababa noong umalingawngaw ng napakalakas ang kotse at nag-ingay sa tahimik na paligid.

Napatingin ako sa bahay na nasa tapat ng kotse na ito nang biglang bumukas ang ilaw doon. Okey! I'm out of here. Kumaripas na ako ng takbo papalayo doon.

"See you tomorrow Abigail!"

Sigaw ko habang kumakaway sa babaeng tulala doon pero bumalik rin naman sa ulirat noong magsalita ako. Kumaripas rin ito ng takbo papaalis nang biglang bumukas ang gate ng bahay at lumabas ata doon ang may-ari ng kotse na hanggang ngayon wala pa ring tigil sa pag-alingaw-ngaw.

Bahagya akong natawa dahil sa reaksiyon ng may-ari.

Pagkadating ko sa tapat ng gate ng aming bahay ay sumilip silip ako doon kung may nagbabantay ba. Lagot nanaman ako nito kapag mahuhuli nila akong andito sa labas sa dis-oras ng gabi.

I snap my fingers as I saw the guard is sleeping inside his guard house. I grin.

Dahan dahan akong naglakad at kumaripas muli ng takbo noong nadaanan ko ang guard house.

Pumunta ako sa likuran ng bahay at hinila ang lubid na nakabitin simula doon sa ikatlong palapag sa terrace ng aking kwarto.

Sinuot ko muna ang sumbrero ng aking jacket bago umakyat gamit ang lubid. (Wall climbing)

Pagkarating ko sa terrace ay agad kong binuksan ang sliding door ng aking kwarto at binuksan ang ilaw doon. Napasinghap ako nang makita ang taong prenteng nakaupo sa aking sofa habang nakadekwatro at nakahukimkim ang mga braso.

"Where have you been young lady?"

Ma-awtoridad niyang tanong sa akin pero dumeretso lang ako ng lakad papunta sa aking kama at nahiga.

"Temer Mioney Harrington. Be careful from your moves! You're not just Temer Mioney. You're-"

"You're Harrington so you should act like Harrington so other people will respect you, and it is also for the sake of Family!"

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now