Chapter 14: The Headmaster

991 54 12
                                    

CHAPTER 14
"THE HEADMASTER"

•••••

Temer's POV



"Temer Climbert will still be your name. Don't trust anyone here except us."


Bulong sa akin si Sced. Tumango na lamang ako sa sinabi niyang 'yun. They changed my false name into my original name. Iyon kasi ang gusto ni mr Gorfill. Isa pa, hindi lang daw ako ang estudyanteng may ganoong pangalan, marami pa raw. Niyakap ko na lamang ang aking libro sabay ayos sa aking sling bag. Naglakad silang tatlo kaya sumunod na ako.


We're in the Desolated University now at ngayong araw ang una kong araw dito sa unibersidad. Maraming mga estudyante ang nakakasabay naming maglakad dito sa daan. Karamihan sa kanila ay napapatingin sa gawi namin. Mali, sa 'kin lang pala. Do I look like a stranger to them kaya ganoon nalamang sila kung tumitig sa akin?


Well, ou nga pala, I'm a transferee so wala dapat akong ipagtaka roon.


Pare-pareho lamang ang mga tinging pinupukol nila sa akin. Napayuko na lamang ako upang hindi sila pansinin.


Tuloy-tuloy lang ang paglalakad namin hanggang sa umabot kami sa isang corridor. We turn to the left corridor at unang tumambad sa amin ang isang hagdan, bahagya akong huminto sa paglalakad. Tinahak nila Sced ang daang iyon kaya walang gana akong sumunod sa kanila.


Nang marating namin ang ikalawang palapag ay muli nanaman kaming umakyat sa ikatlong palapag. Maraming mga estudyante dito at katulad ng kanina ay ganoon rin ang mga reaksiyon nila nang makita ako. Wala akong ingay na maririnig sa paligid, maliban nalang sa mga tunog ng sapatos at sandalyas ng mga estudyanteng palakad-lakad.


"We're here.." Said Cent habang nakapamulsa. Huminto kami sa isang malaki at matayog na pinto. Hindi two doors ang pinto kundi apat, seems like a folding doors.


Naglakad papunta sa isang gilid si Sced. Binuksan nito ang isang bagay na nakadikit sa gilid ng pinto. He swipe his one hand on it. Lumiwanag ito ng kulay pula bago naging asul.


"Prime Sceven Halder Wilkinson, come inside. Sindey is unlock."


Isang boses robot ng babaeng nasa speaker ang nagsalita. Kasabay noon ang unti-unting pagbukas ng pinto. Naunang pumasok sa loob si Sced na sinundan na rin namin.


Rinig ko ang unti-unting pagsara ulit ng pinto. Sinalubong kaming apat ng madilim na kwartong ito.


"Sindey is Lock."


Muling pagbigkas ng speaker. Tumabi sa akin ng kunti si Cent at may ibinulong.


"Sindey is the Name Of That Folding Door."


He whispered and chuckled. Bahagyang kumunot ang nuo ko dahil pati tong pinto may pangalan. Hmm. Masubukan ko nga to sa mansion namin pag nakauwi ako.


Natuon ang atensiyon ko sa taas nang unti-unting bumukas ang ilaw dito sa loob. I was on my wow stage at this time. Bakit ba hindi ko maiwasang hindi mapa wow sa lugar na ito. Naglakad na si Sced kaya muli nanaman kaming sumunod.


This room is like a laboratory. Puro puti ang nakikita ko sa paligid at ang inaapakan namin ngayon ay isang salamin. Kaya noong pagyuko ko ay nakikita ko ang aking mukha sa baba. Malinis ang buong paligid at wala akong makitang dumi dito.


Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon