CHAPTER 2: The Mysterious Black Van

2K 81 0
                                    

CHAPTER 2
THE MYSTERIOUS BLACK VAN

----

TEMER'S POV.

"Salamat manong."

Pagpapasalamat ko noong dumating na ang driver ko at iniabot sa akin ang isang kahon na naglalaman ng mga contactlens ko. Suot-suot ko ngayon ang aking sunglass para hindi makita ng mga estudyanteng nakakasulubong ko ang kulay ng aking mata.

Dali-dali akong pumunta ng comfort room at sinuot na ang contactlens.

Lumabas na ako doon at hinagilap si Camille pero bago paman yun ay kinuha ko ang papel na kulay bughaw sa aking bag na dala-dala ko palagi at pumunit ng maliit na parte mula doon pagkatapos binasa ko ito gamit ang aking laway.

"Hoy Temer! Anong nangyari sa iyo? Bakit ka biglang umalis at tsaka anong nangyari kanina doon sa mata mo?"

Sunod sunod na tanong sa akin ni Camille, kasama si Alexies dito sa cafeteria.

"Nothing. It was just a piece of paper. Kaya pala magaspang ang pagkurap ko kanina dahil may nakadikit palang papel." palusot ko pagkatapos ay pinakita ang bughaw na papel na pinunit ko kanina at kasing kulay ito ng aking mga mata.

"Oh? I see.." tipid niyang sagot habang patango-tango at tumingin kay Alexies na nasa tabi niya ngayon. Tumayo ako mula sa pagkakaupo.

I was about to walk to order something to eat when someone appear right in front of me. I raised my eyebrow to him.

"Where is Alexies?"

Maangas na tanong niya sa akin. Basi sa suot niya ngayon ay mukha siyang myembro ng soccer dito sa university.

Nilingon ko lang sa likod ang dalawang taong nakaupo doon sa table namin kaya bumaling ang tingin niya doon at naglakad. Binangga pa nito ang braso ko noong madaanan ako. Tss!

"Alexies! Let's got back! Ilang beses ko bang sasabihin na huwag kang makikisalamuha sa mga babae!" sigaw niya sa harapan ni Alexies pero tama lang iyon para marinig namin dito.

"Rafael! They're not different to me. They're my friends." Sagot naman ni Alexies habang tinuturo niya kami ni Camille. Sinamaan ako ng tingin ni Rafael kaya umiling lang ako.

Hinila niya ang damit ni Alexies at kinaladkad palabas dito sa cafeteria. Woah! Kung umakto tong Rafael parang bakla. Tss! Takot na maagaw si Alexies.

Bumalik ako sa table namin at nanghalumbaba sa harapan ni Camille.

"Can you order something for me?" bored na pakikiusap ko kay Camille. Tumango lang siya at naglakad na papunta doon sa bilihan.

Mabilis naman itong nakabalik agad bitbit ang isang malaking tray na punong puno ng pagkain.

"This is yours and these are mine. Hihi."

Sabay abot niya sa akin ng cokefloat na ikinakunot ng nuo.

"Bakit cokefloat?" takang tanong ko.

"Diba yan naman palagi ang ino-order mo tuwing pupunta tayo dito." sagot niya. Mariin ko na lamang naipikit ang dalawa kong mata at bumuntong hininga sabay sipsip doon sa straw.

"Btw. Gutom kaba?" Tanong ko sakanya habang nakataas ang aking kilay. Tumango ito habang walang tigil sa pagsubo ng kinakain niya. Mayaman tong babaeng ito pero bakit mukha yatang patay gutom to ngayon?

"Gutom na gutom ako Temer. Marami ngang pagkain sa amin pero halos lahat ng freezer sa bahay at cabinet nilagyan ni mommy ng kandado kasi nauubos ko daw yung mga stuck namin. Malakas kasi akong lumamon."

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now