CHAPTER 6: 'Peculiar Like Us'

1.4K 58 2
                                    

CHAPTER 6
'PECULIAR LIKE US'

----

TEMER's POV.

"Sceven Halder Wilkinson.."

Pagpapakilalang muli ni Cent doon sa lalaking si Sceven. I thought his name was Sced?

"We can also call him Sced---Hald---Ven---Kev--- but mostly we called him Sced.."

Dugtong pa ni Cent. Tahimik lang yung lalaking si Sced na nasa tabi niya ngayon at tila walang balak magsalita. Taimtim kong tinitigan si Sced, natatandaan ko parin ang ginawa niyang paglaho kagabi and I wonder how can he do that?

I suddenly gulped when his eyes mets mine. Wala akong mabasa sa mga mata niya ngayon maliban nalang sa pagiging boring niya kung makatingin. I can really remember Aris from him.

Andito kami ngayon sa library lima dahil wala lang----gusto lang namin. Ako lang sana ang tatambay dito pero sumama sila sa akin ganoon din itong si Camille.

Kanina ko pa ito napapansin. Camille's behaviour becoming strange. Hindi sya mapakali simula pa kanina kapag andito ang tatlo, hmm? Somethings not right here.

"So ngayon? Kaibigan ka na ba namin?"

Agaw atensyon sa akin ni Cent sa akin. I hissed. Pagkatapos ay nanghalumbaba ako sa mesa habang nakapikit ang aking mata na tila ba iniisip ko pa kung Ou-o ba ako o hindi. Sinabihan ko kasi sila na hindi ako mahilig makipagkaibigan kung hindi ko kilala.

Pero tumango nalang ako sa tanong niyang iyon hindi dahil sa gusto ko nga talaga silang maging kaibigan kundi dahil gusto kong malaman ang mga alam nila tungkol sa akin, sa tunay kong pagkatao.

"Alright! Walang bawian."

Nakangiting sambit ni Cent sabay lahad niya sa akin ng palad kaya tiningnan ko siya ng nakakunot ang nuo. Sinamaan ko muna siya ng tingin pagkatapos ay tinapik ang kamay niyang nakalahad.

"Sungit!"

Cent murmured.

"Pasensiya na kayo kay Temer. Mabait naman talaga to eh, sa una lang to gaganyan-ganya."

Paghingi ng paumanhin ni Camille kina Cent. I frown, finally nagsalita din ito, tahimik kasi sya simula pa kanina.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at walang pasabi-sabing lumabas ng library. Susunod pa sana si Camille pero seninyasan ko itong huwag kaya hindi na siya nagpumilit pa.

Naglakad ako papunta sa lugar ng dormitoryo. Gusto kong maglibot-libot muna. Nakahiwalay ang dormitoryo sa university at nasa bandang likuran ito.

Alam kong may secret garden itong university pero maraming estudyante ang pumupunta roon kaya hindi ko alam kung secret garden pa ba ang tawag doon dahil halos lahat ng mga nag-aaral dito eh alam yun.

Nadaanan ko ang lumang theater dito sa likod ng unibersidad. Malaki rin naman ito at masasabi kong maganda sana kaso nagiging bodiga nalang ito. Wala ring halos pumupunta rito dahil bali-balitang nagiging pugadan na daw ito ng Gang nina Janric, ang Remorseless gang.

Well, kung takot sila pwes ako hindi.

Pinasok ko ang loob ng theater at may kadiliman ito ng kaunti. Marami paring upuan sa loob at nagkakatumbalilong na ang iilan sakanila. Pinagpatuloy ko lang ang aking paglalakad, bawat madaanan kong bagay ay aking hinihipo. Marami ring nakasulat sa dingding tulad ng-

Misia ❤️ Low

Efren ❤️ Gee = EfGee

EfGee Forever and Ever...

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now