CHAPTER 11: THE HEIRESS

1.2K 57 1
                                    

CHAPTER 11
"THE HEIRESS"

-----

TEMER'S POV.

Kinaladkad ako ni Lola pababa sa hagdan ng mansion. Buong lakas niya akong hinila at tinulak ng mahina. Humakbang siya ng kaunti at dinuro ang aking pagmumukha.

"Are you insane Temer!? What if sobra pa ang nangyari sa iyo? Do you think I'm going to be happy!? Huh! I'm too old for your problems!"

Sigaw niya habang dinuduro pa rin ang pagmumukha ko. Wala akong magawa kundi ang yumuko. Ngayon ko lang ulit nakitang ganito si lola, halus matagal na panahon na rin ang nagdaan noong huli niya akong pinagalitan.

"Temer, ikaw nalang ang natitira sa 'kin, panu kung natuluyan ka sa ginawa mo kagabi!?"

Dugtong pa niya at tinalikuran ako sabay pamewang at nanghilamos ng mukha. Halata sa kilos nito ang galit pero mas umaapaw ang pag-aalala niya para sa akin.

Kasalanan to ng tatlong yun. Kung hindi lang sana nila sinabi kay lola ang tungkol sa nangyari sa akin kagabi hindi ako mapapagalitan ng ganito. Buti nalang hindi ko nasira ang kotseng pinahiram niya sakin.

"Sabi naman nila kahit na ilang beses naman daw akong-"

Di ko na natapos ang sasabihin ko ng harapin niya akong muli.

"I don't care about that Temer! Huwag mong asahan ang sinabi nilang yun dahil kahit na anong mangyari kalahating tao ka parin!"

She yelled na kulang nalang lumabas ang lalamunan nito sakanyang bunganga. Tumingin tingin ako dito sa loob ng mansion at salamat dahil wala dito ang mga maids. Ayukong makita nila kung paanu magalit si lola at mas lalong ayukong makita nila kung paanu ako pagalitan ng lola.

"Prepare yourself now, we're going to the university!"

She said before she leave me here, dinukot pa nito ang kanyang cellphone sa bulsa at may tinawagan. Naiwan akong tulala dahil sa sinabi niyang yun. Anung ibig nyang sabihin? We're going to the university? WE?

Lagot na. Mabilis akong tumakbo pabalik sa aking kwarto at inihanda ang aking mga gamit at sinuot ang uniform ko. Dali-dali ko ring isunuot ang aking contaclens pagkatapos ay tumakbong pababa sa hagdan at lumabas na ng bahay. Naabutan ko roon si lola na nakabihis ng pormal na damit habang hawak ang paborito niyang bag. Nakataas noo siyang nakatingin sa akin.

Sinenyasan niya akong sumunod sakanya papasok ng kotse kaya sumunod naman ako sakanya sa pagsakay roon. Tahimik ang buong byahe namin papunta sa university. Kinakabahan ako dahil ito ang unang beses na makikita ng lahat ang taong nagmamay-ari ng Harrington University. Hindi madalas na nagpapakita si lola sa mga tao maliban nalang sa mga taong kanyang inuutasan sa pagpapalakad ng mga kompanya namin at sa iba pang mga hanapbuhay namin.

Pagkapasok ng aming kotse sa loob ng campus ay halos mapanganga ako nang makitang busy ang lahat ng mga estudyante. Pumaikot ang kotse at pumarada malapit sa isang malaking stage ng campus kung saan maraming upuang nakahirila sa baba at mukhang pinaghandaan ang pagdating ng mga taong darating ngayong araw.

Natuon rin ang atensiyon ng ibang estudyante sa kotseng sinasakyan namin ngayon ni lola.

Hindi muna ako bumaba dahil wala pang sinasabi si lola na bumaba. Kinuha muna ni lola ang kanyang cellphone at may tinawagan.

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now