CHAPTER 13: Disguise

1.1K 47 9
                                    

CHAPTER 13
"DISGUISE'

•••••


TEMER's Pov



Huminto sa paglalakad si Sced kaya huminto rin kami sa isang tabi. Itinabi ko ang dala kong maleta habang hindi ko maiwasang hindi magtaka sa buong paligid. May mga taong nagdadaan ngunit karamihan sa kanila ay hindi manlang ngumingiti.


Bumaling ang tingin ko sa puting van na huminto sa aming harapan. Bumaba roon ang isang driver. Hindi ko alam kung siya ba talaga ang driver dahil maganda ang suot nito.


"Sire, naghihintay na po si mr.Gorfill doon sakanyang bahay."


Bati nito kay Sced sabay yukod. Sumenyas sakanya si Sced kaya lumapit sa akin ang driver at kinuha ang aking maleta at nilagay roon sa likod ng van.


Unang pumasok si Sced na sinundan naman ni Cent, at ako ang kahuli-hulihang pumasok sa loob. Nagsimula ng magdrive ang driver at hindi ko alam kung saan ito papunta.


Sumilip ako sa bintana habang tumitingin sa labas. This place seems like a subdivision. Malalaki ang mga bahay at wala akong makitang maliit. May nakikita rin akong park pero walang halus katao-tao.


"Desolated Hall.."


Pagbasa ko sa aking isipan sa pangalan ng isang building na nadaanan nitong van na sinasakyan namin ngayon. The building was big. Pitong palapag ang taas nito at may fountains sa harapan. There are plants formed in different likeness.


Tuloy-tuloy lang ang takbo ng sasakyan at hindi ko alam kung hanggang saan pa ang takbo nito. We're almost 1 hour riding in this van, masakit na sa pwet dahil kanina pa kami bumabyahe.



Isang building muli ang umagaw sa aking atensiyon. Nanlaki ang mga mata ko nang mabasa ko ang pangalan ng building.


"Desolated Vocational School-
Desolated University"


Pagbasa ko roon sa pangalan ng eskwelahan. The school is so creepy, hindi dahil sa straktura niya kundi dahil sa sobrang katahimikan mula roon. Hmm. Marami kayang mga estudyante ang nag-aaral doon? I wonder kung jan din ako, kami, papasok.


"Severen? Do you want to sleep? May isang oras pa tayong natitira sa byahe."

Nakangiting tanong sa akin ni Cent. Bahagya akong napanganga. Halus isang oras na kaming bumabyahe tapos merun pa kaming isang oras? Ghad!

Tumango na lamang ako sa sinabi ni Cent dahil inaantok na rin naman ako.



•••••



I moaned when someone tapping my cheeks. I open my eyes and I saw him smiling to me.


"Severen we're here."


Nakangiting bungad ni Cent sa akin dito sa loob ng van. Nakababa na silang lahat ng van at ako na lamang ang hindi pa nakakababa.


Lumabas ako sa loob at inayos ang aking tindig pati na rin ang aking suot. Iniabot sa akin ng driver ang aking maleta kaya kinuha ko naman ito.


Inilibot ko ang buo kong paningin at pakiramdam ko ay tila wala na kami sa Desolated town. We're in the forest at ang mga puno dito ay parang tatlong beses ang taas. Medyu makulimlim ang paligid dahil na rin sa mga mayayabong na dahon ng mga puno.


Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Where stories live. Discover now