CHAPTER 5: New Classmates

1.5K 68 6
                                    

CHAPTER 5
NEW CLASSMATES

~~~

*TEMER's Pov*

Pababa na ako ng hagdan nang tawagin ako ng aking lola.

"Can you give this papers to my secretary?"

She said sabay abot niya sa akin ng isang folder na naglalaman ng mga papelis. Huminga ako ng malalim pagkatapos ay tumango sa sinabi niyang yun at kinuha ang folder na ini-aabot niya sa akin.

"Manong daan muna tayo sa kompanya namin bago tayo tumuloy ng unibersidad."

Walang ganang pagsalita ko noong nakapasok na ako sa loob ng kotse. Tumango lang sa akin si manong Men at pinatakbo na ang kotse.

Nang marating namin ang kompanya ay agad akong pumasok doon. Panay bati lang ang ginagawa ng mga empleyadong andito ngayon habang yumuyuko kapag nadadaanan ko sila. Hays! Ito ang ayaw ko sa lahat. Masyado silang pormal kapag andito ako, kahit na palagi nilang ginagawa ito kapag nakikita ako ay hindi parin ako sanay, naiilang pa rin ako.

Pumasok ako sa isang kwarto kung saan hinahabilin sa mga empleyado ang papelis upang sila na lang mismo ang aakyat para ihatid ito sa secretary.

"Good morning ma'am Temer."

Bati sa akin ni Siena nang makita ako. Napaismid ako sa aking kinauupuan dahil masyadong pormal ang tono niya.

"Bring this papers to miss Farrel."

"Yes Ma'am Temer.."

"Thank you Siena. I won't stay long here. I gotta go.."

Pagpaalam ko sabay labas ng kwartong iyon. Dumiretso agad ako sa kotse upang pumunta na ng school.

Pabagsak kong sinarado ang pinto ng kotse nang marating ko na ang university. Tumingala ako sa langit habang nakapikit ang aking mga mata. Sininghot ko ang malamig na simoy ng hangin sa umaga sabay pasok na sa loob ng gate.

Sinalubong akong muli ni Camille kung saan palagi siyang naghihintay sa akin.

"Ang bad mo Temer. Hindi ka manlang pumasok kahapon.."

Pananampong sabi niya sa akin habang napapa-iling. Tiningnan ko siya at sinamaan ng tingin.

"Ang aga-aga ang bad mood. Tara na nga.."

Sabay kapit niya sa aking braso at hinila ako sa paglalakad. Pasimple akong napairap dahil doon. Hindi ko alam kung bakit ang dali-dali kong naging kaibigan si Camille. Sa katotohanan kasi ako yung taong hindi mahilig sa kaibigan, hindi ko alam kung bakit.

Naglalakad na kami ngayon sa hallway nang may tumawag sa akin.

"Miss Climbert."

Sabay kaming lumingon ni Camille sakanya. Napataas ako ng isang kilay nang makilala ko siya. She's grinning at mababasa mo sa mukha niya na tila may mangyayaring hindi kaibig-ibig. Pinapaikot niya sakanyang daliri ang dulo ng kanyang buhok.

"My dad--I mean the Principal calls you in his office."

She said while the grinning on her lips cannot be remove. Napangisi ako nang marinig ang sinabi niya.

"Looks like he's mad because of what you've done.."

She whispered as I passed her standpoint. I just flip my hair para tumama ito sa mukha niya at nagawa ko nga. Rinig ko ang pagtawa ni Camille dahil sa aking ginawa.

"Gusto mo bang samahan na kita doon Temer?" Camille asked.

"Nope. I can walk by my own."

Behind Those BLUE EYES (ONGOING) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon