~✿*5*✿~

1.8K 66 112
                                    

Finally, here's the edited and corrected version of chapter 5. Ngayon ko lang nai-post kasi nilamay ko last night yung pag-input ng grades ng mga estudyante ko sa excel until 7AM. Baligtad talaga yung time differences ng Philippines and France na nalagay ko sa update so I sincerely apologize for that.

Most of the details na pinalitan ko ay nandun sa part na nag-usap si Katie at Rachelle saka yung tinawagan niya si Mommy Zanny.

itsmehanzkie, thank you very much for correcting my mistake. I really appreciate it. Alam mo naman kung bakit. Hahaha! Dumadami na utang ko sa 'yo. Hihi! Thank you sa lahat ng help mo sa 'kin para sa stories ko. Don't worry, nandiyan pa rin yung precious comments mo. Haha!

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

My first month here in Paris had been very difficult for me. Sobrang hirap na hirap akong mag-adjust. Mahirap pala yung lumaki ka sa isang malaking pamilya at nasanay ka na halos oras-oras mo silang nakikita at nakakasama. I learned to value my family more noong hindi ko na sila nakakasama.

Tuwing aalis ako ng bahay, parang parati kong naririnig yung boses ni Mommy at Daddy na sinasabi sa akin na mag-iingat ako sa pagmamaneho. Palagi rin akong naka-jeans kasi alam kong ayaw ni Daddy na lumalabas akong naka-short dress or shorts lang. Kaya kahit hindi niya nakikita, gusto ko pa rin na sundin siya. Kahit dun man lang ay mawala yung guilt ko sa pagdedesisyon ko na lumayo sa kanila para mag-aral. Nakaka-miss din pala yung mga paghihigpit niya sa akin and it made me realized how much he was concerned about me and how much he loved me.

Kailangan ko nang gumising palagi nang mas maaga dahil wala nang Mommy na magluluto ng breakfast para sa akin. Unlike before na kapag may kasambahay na tumawag sa akin para sa mag-breakfast, bababa na lang ako sa dining room para kumain. Kahit may mga kasambahay kami, si Mommy pa rin ang palaging nagluluto ng breakfast namin. Mommy taught us not to be dependent on our househelps kaya kapag kaya naman namin ay kami na ang pinagagawa niya. Ngayon ko lang na-realized kung gaano kaimportente na matuto kaming gumawa ng mga bagay para sa mga sarili namin dahil nagagamit ko lahat ng mga itinuro niya ngayon na mag-isa na lang ako rito. They offered to get a helper for me pero tumanggi na lang ako dahil may caretaker naman na nagme-maintain dito sa bahay every twice a week.

For the past month, walang oras na hindi ako umiiyak tuwing kumakain mag-isa sa dining table. Nakaka-miss kumain na palagi kong kasama yung pamilya ko habang nagkukwentuhan ng kung minsan ay wala naman kakwenta-kwentang mga bagay pero palaging napupuno ng mga tawanan yung dining room namin kapag bumanat na ng mga jokes sina Daddy at Zailey. Kaya tuloy madalas ay kumakain na lang ako sa labas para naiiwasan kong nalulungkot sa bahay. Pero kahit kumakain ako sa labas ay si Kuya Jemie naman yung nami-miss ko dahil siya yung palaging kong ka-date kapag gusto kong mag-food trip.

Tahimik masyado sa bahay. Nakakabaliw kasi wala akong makausap. Hinahanap-hanap ko yung matutulog kaming magkakatabi sa family bedroom. Hinahanap-hanap ko yung palaging pang-aasar ni Zail. Hinahanap-hanap ko yung mga luto ni Zend na sa akin niya palagi unang pinatitikim. Hinahanap-hanap ko yung pagpasok ni Zean sa kwarto ko tuwing gabi para tumabing matulog sa akin. Hinahanap-hanap ko yung palaging pangangaral ni Mommy sa amin, yung palaging pagre-remind nila ni Daddy sa amin ng mga bagay na dapat at di dapat namin ginagawa.

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now