~✿*19*✿~

2.6K 88 33
                                    

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

"RYDEEEEER!!!" sigaw ko habang umiiyak at sinisisi sa isip ko yung sarili ko. Ang lakas ng loob kong di sumunod kay Ryder pero takot naman pala akong mag-isa lalo na kapag hinahabol pa ng kung anong hayop.

"Katheryne! Where are you? Katheryne!"

"RYDEEEEEEEEEER!" Nagpatuloy ako sa pagtakbo. "AAAAAAAAH!!!" sigaw ko nung parang nakarinig ako ng tumatakbo sa likod ko. Mas malakas iyon kaysa kanina kaya naisip ko na baka grupo na ng mga hayop yung humahabol sa akin. "

"AAAAAAAAAHHHHH!!!" patuloy na sigaw ko nang mabangga ako sa kung ano. "AAAAH!" Nanlaki yung mga mata ko nang makita ko kung saan ako bumangga.

"Katie!"

Relief immediately engulfed me as soon as I saw where I bumped into. Napayakap ako agad kay Ryder habang umiiyak. "May humahabol sa 'kin! May humahabol sa akin!" Kumalas ako at tumingin sa kanya. "Tara na! Umalis na tayo rito!"

Naalerto kami pareho nang marinig namin yung kaluskos sa likod ko. I felt his arm quickly wrapped around my back and he pulled out a gun from his belt. Napapikit na lang ako at yumakap nang mahigpit sa kanya habang patuloy na umiiyak.

"Dāmn! Those are just rabbits, princess."

Natigilan ako saka lumingon sa likod ko. May kumpol ng rabbits nga na nakatingin sa amin. I started sobbing again in relief. Akala ko talaga tigre o leon na yung humahabol sa akin at katapusan na ng buhay ko at wala na talaga akong pag-asang makita pa ulit yung pamilya ko.

Pinahid ko yung mga luha ko ng kamay then Ryder suddenly pulled my arm and pushed me against the trunk of a big tree. He bent his head down and quickly claimed my lips into a fervent kiss. It was as if he was mad at me and punishing me with his kiss.

He snaked his arm around my back and I gasped when he suddenly pulled me against his body. "You scared the hell out of me! Fūck, I thought I already lost you," he hissed between his teeth. "Sobrang tigas ng ulo mo. Para kang batang nagmamaktol dahil di napagbigyan sa gusto niya. Wag mo na ulit gagawin yun. Just stay beside me all the time." He gripped my wrist tightly and pulled me with him.

Naglakad kami nang tahimik na tahimik. Hindi talaga niya ako kinakausap. Siguro galit pa rin siya sa akin dahil ang higpit ng pagkakahawak niya sa kamay ko.

"Ryder," tawag ko sa kanya pero di ako pinansin. I called his name two more times but he didn't even glance at me. Huminto na ako sa paglakad kaya sa wakas ay lumingon din siya sa akin. He stared at me very seriously, still looking mad.

"Sorry na. Wag mo naman akong bigyan ng silent treatment. Hindi ako sanay na di ako kinakausap."

I saw his face softened. "Bawasan mo kasi yung kakulitan mo. Naiinis ako dahil parang di mo ginagamit yang utak mo. Tama bang hindi mo 'ko sundan? Paano kung nawala ka nga at di na kita nakita?"

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now