~✿*23*✿~

2.1K 96 24
                                    

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

"Kain ka lang nang kain. Hindi ba sumasama yung pakiramdam mo? Baka nilalagnat ka. Ganun daw kapag may infection sabi ng mga tito ko."

Napahinto sa pagsubo si Jonas at parang namamatanda na napatitig sa akin habang nasa harap kami ng mga pagkain sa mesa for our early dinner.

"Hanep ah. Ikaw ba talaga si Katheryne na kinidnap namin noon?"

"Ay grabe siya. Bakit nagbago ba yung itsura ko?"

"Hindi. Pero yung ugali mo biglang nagbago. Dapat nga ipinagdadasal mo pa na mamatay na kami ni Ryder dahil dinukot ka namin eh. Ngayon ipinagluto mo pa kami at concern na concern ka pa sa kalagayan ko."

"Siguro kasi tinuruan ako ng mga lolo at lola ko kung paano kumilatis ng mga tao. At sa nakikita ko sa 'yo, I could tell that you're a good person too."

Napaawang yung bibig niya saka nagbaling ng tingin kay Ryder sa dulo ng mesa sa tabi namin na parang walang paki sa amin dahil kain lang nang kain. Bumalik yung tingin niya sa akin. "Kaya di mo na rin inaaway 'to because you're thinking he's a good person too?"

I smiled at him. "Parang ganun na nga."

"Pucha, anong klaseng ka? Tao ka ba talaga o anghel na nahulog mula sa langit dito sa lupa?"

Nagulat pa kaming dalawa nang biglang binitiwan nang malakas ni Ryder yung mga kubyertos na hawak niya sa pinggan niya. "Mag-uusap na lang ba kayo o kakain kayo?"

Ngumisi si Jonas sa kanya.

"What?" Ryder asked him.

"Wala lang." Itinuloy ni Jonas yung pagkain. "Ang sarap talaga kapag may babae sa bahay kasi may palaging nag-aalala at nag-aasikaso sa 'yo. Nakaka-inspire pa. Di ba, Rye?"

"So may girlfriend ka na pala?" I asked him.

"Wala pa nga eh. Pero pag nagkaro'n, I'd like to have someone like you. Di ba, Rye?"

Ryder frowned at him. "Do you like, Katheryne?"

"Sino ba hindi magkakagusto sa katulad niya? She's too good to be true. Mabait, maalaga, maganda, matalino pa. Ang sarap mo siguro maging girlfriend, 'no, Katheryne?"

Bigla na lang padaskol na tumayo si Ryder kaya bumagsak sa sahig yung upuan niya. Then he suddenly left us without even saying anything.

"Ryder, di ka pa tapos kumain!" sigaw ni Jonas sa kanya pero narinig na naming kumalabog pasara yung pinto sa front door.

"Ano'ng nangyari dun?" tanong ko habang nakatingin dun sa direksiyon na dinaanan ni Ryder.

Bigla na lang humagalpak ng tawa si Jonas. "Shīt, obvious na obvious ang pucha."

"Obvious ang alin?" naguguluhang tanong ko sa kanya.

He just smiled at me meaningfully before he continued eating.

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now