~✿*9*✿~

1.4K 63 35
                                    

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Pagkatapos kumain ay hindi ko na nakita ulit si Ryder. I saw him entered one of the rooms downstairs with his laptop at nagkulong na doon. Mukhang busy nga sa inaayos niyang problema sa airline nila.

Nagbihis ako at isinuot ko ulit yung mga panloob at blouse ko kahit medyo basa-basa pa iyon. Bumaba ako sa kitchen at uminom ng tubig habang nagmamanman sa bahay. Hindi naman nila nilo-lock yung pinto sa kwarto ko kaya nakakalabas ako. But they're making sure to lock every possible passages downstairs para hindi ako makatakas.

Pabalik na sana ako sa kwarto ko nang makita kong pumasok si Trevor sa kwarto kung saan naroon yung kuya niya. Hinihintay ko lang talaga siyang umalis para sundin yung utos ni Ryder na bilhan ako ng mga gamit. Busy si Ryder kaya hindi niya mapapansin kung susundan ko si Trevor palabas sa gubat na ito. Natatakot ako sa gagawin ko dahil baka mahuli nila ako pero hindi naman masamang subukan. I'd rather try than to rot in this hell with them. Hindi naman siguro totoo yung banta nila na papatayin nila ako. They need me for their vengeance. Pero may takot pa rin sa loob ko dahil alam kong mawala man ako ay baka si Zean naman yung dukutin nila para ipalit sa akin.

Naghintay ako sa may dulo ng hagdan dito sa taas para sa paglabas ni Trevor doon sa kwarto sa baba. Naalerto ako agad nang lumabas na siya.

"Check Katheryne first before you go."

Nanlaki yung mga mata ko nang marinig ko yung sinabi ni Ryder. Dali-dali kong hinubad yung suot kong wedges at maingat na nagtatakbo pabalik sa kwarto ko. I jumped on the bed and went inside the comforter. Inilabas ko yung ulo ko at nagkunwaring tulog.

Narinig ko pang bumukas at sumara ulit yung pinto. Naghintay lang ako ng ilang saglit at lumapit doon sa pinto. Kabang-kaba ako habang dahan-dahang binubuksan iyon. Nang makita kong clear yung hallway ay lumabas na ako at tahimik na tahimik na naglakad. Nakita kong palabas na ng front door si Trevor.

Kailangan ko siyang mahabol!

Kahit kabang-kaba ay bumaba ako ng hagdan. Paglabas niya ay sinubukan kong buksan yung pinto.

Shīt, ni-lock niya ulit!

I immediately ran to the kitchen and took a chair. Nilagay ko iyon dun sa baba ng countertop at umakyat doon. Kailangan kong subukan! This might be my only chance to escape!

Inikot ko ulit yung lock nung bintana kagabi at bumukas. Mukhang sira yung lock nung bintana na yun kaya bumubukas talaga yung lock. Itinulak ko yung salamin at sumuot doon kahit na medyo makipot yung bintana. Takot na takot ako pero dahil sa kagustuhan kong makaalis sa lugar na yun para makita yung pamilya ko ay nilakasan ko yung loob ko.

Hindi ko alam kung paano ko nagawang makababa mula sa bintana na iyon. Nagasgas pa yung palad ko dahil sa pagkakakapit ko sa gilid ng bintana pero hindi ko na inalintana yun. Maingat kong sinundan si Trevor habang naglalakad sa gubat. He didn't use the helicopter that Ryder used yesterday. Sa palagay ko ay yung yate na pinagsakyan nila sa akin noong dinala nila ako rito ang gagamitin niya ngayon.

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now