~✿*24*✿~

1.9K 86 34
                                    

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

﹏๑✿ ・:*:・♥ ・:*:・✿๑﹏

When I woke up the next morning ay tulog na tulog pa rin si Ryder sa ilalim ko. Napangiti ako habang kinikilig. He put me above his body again while I was sleeping. Palagi niyang ginagawa yun kasi sabi niya mas masarap daw akong yakapin kapag ganun yung position namin because he was able to feel my whole body against his at dahil kasyang-kasya yung petite size ko sa katawan niya.

I leaned my ear against his chest and listened to the beating of his heart before I turned to his handsome face. "Ako kaya yung tinitibok ng puso mo na 'to?" Dahan-dahan akong umalis sa ibabaw niya para hindi siya magising. I lightly pressed my lips against his before I immediately went out of the room.

I saw some paper bags and eco bags on the floor of the living area. I examined their contents. Puro mga damit at gamit na pambabae. My ilang sets din ng male undergarments. Tapos mga pagkain. Bumaba pala ng bundok si Ryder para mamili kagabi ng mga gamit namin kaya ang tagal bago bumalik.

Iniwan ko muna yung mga yun bago lumabas ng bahay at bumalik kung saan kami gumawa ng milagro kagabi. "Shucks! Saan na kaya napunta yun?" bulong ko sa sarili ko habang nakayuko sa lupa at hinahawi yung mga tuyong dahon.

Kagabi pagpasok namin sa kwarto ni Ryder ay napansin kong nawawala na sa kamay ko yung bracelet. Hindi na ako lumabas para hanapin yun dahil useless lang dahil sa sobrang dilim. Pero natatandaan ko pang suot ko yun habang ginagamot ko yung sugat ni Jonas kagabi. Ibig sabihin nawala yun nung lumabas ako ng bahay kagabi.

"Hey, what are you doing there?"

"Ay panget ka!" gulat na sabi ko nang marinig ko bigla yung boses ni Jonas. Napatayo tuloy ako nang tuwid at nakita ko siyang palapit sa akin.

Ngumisi siya sa akin. "Eh sino lang yung gwapo para sa 'yo? Si Ryder?"

"Bwisit ka talaga, alam mo yun? Umagang-umaga nang-aasar ka na naman." Yumuko ulit ako at ipinagpatuloy yung paghahanap ko.

"Ano ba'ng ginagawa mo?"

"Nawawala yung bracelet ko eh."

"Yung palagi mong suot na silver bracelet?"

"Oo. Nag-iisa lang naman yun eh."

"I noticed that you're still wearing it last night." Yumuko na rin siya at nakihanap sa akin.

"Oo nga. Kaso lumabas ako rito kagabi kaya tingin ko dito nalaglag."

"Gabing-gabi na lumabas ka pa? Anong ginawa mo rito eh ang dilim-dilim dito pag gabi? Wala namang ilaw dito sa lab...as-" He suddenly grinned teasingly and snapped his fingers. "Aaaaah! Alam ko na. Tingin ko may lovers na naglambingan dito sa labas last night kasi nga naman pag sa loob ng bahay nila ginawa yun eh baka magising ako at marinig ko sila," sabi niya saka tumawa nang malakas.

Lumapit ako sa kanya at pinaghahampas siya. "Bwisit! Lumayas ka na nga rito! Kukurutin ko yang sugat mo eh! Imbes na tulungan mo kong maghanap, puro pambubwisit pa ginagawa mo sa 'kin."

Heart Held CaptiveWhere stories live. Discover now