Kabanata 1

29.9K 970 172
                                    

I started the engine of my car upang magtungo sa Bosque de la Felicidad.

My phone suddenly rang and Adrianna's name appeared. I confirmed her call.

"Leign! Where are you?! Male-late ka na!" Sigaw niya sa kabilang linya.

"I'm skipping class for the whole day, Adri." I answered.

"What?! Alam kong nahirapan ka sa research pero wag ka naman mag suicide dahil lamang doon!" She shouted.

Narinig ko pa siyang sinisigaw sa buong klase na magpapakamatay na raw ako.

"Suicide my ass, Adri! Call you later." Sisigaw pa sana siya ngunit pinatay ko na ang call.

Lagpas dalawang oras ang biyahe ko patungong Bosque de la Felicidad. Hindi ko pa mahanap ang lugar na iyon noong una but thank the google at nahanap ko.

Batid kong malapit na akong makarating sa tinuturo ng mapa dahil nagiging makipot na ang daan at wala na akong nakikitang mga tao o bahay man lang. Tanging mga puno sa magkabilang gilid at marupok na daanan sa gitna ang tangi kong nakikita.

Napamura ako nang biglang bumuhos ang malakas na ulan.

Damn hindi ko na makita ang dinadaanan ko!

Nagdidilim na ang buong paligid dahil sa lakas ng ulan. Hindi ko na rin kayang mag drive dahil malabo na ang nakikita ko.

Tinignan ko ang mapa at nakitang tamang tama ang pwesto ko sa lugar kung nasaan ang Bosque de la Felicidad. Lalakarin ko na lamang patungo sa forest dahil ang museum ay nasa kalagitnaan nito.

Kinuha ko ang emergency flashlight ko pati payong at lumabas na sa sasakyan patungo sa museum.

Unang tapak ko pa lamang ay lumubog na sa putik ang heels ko at batid kong mahihirapan akong makapaglakad patungo roon kung ito ang susuotin ko, kaya hinubad ko na lamang ito at nagyapak habang naglalakad.

"Fuck!" I screamed nang lumubog ang paa ko sa malalim na parte ng kagubatan kasabay ng pagka sira ng payong ko.

Iniangat ko ito at nagtamo ng sugat at pilay. Hindi na ako makapaglakad ng maayos.

Hirap akong naglakad habang iniinda ang sakit ng binti. Ang mga dugo ay patuloy pa ring umaagos dito habang pumapatak ang napakalakas na ulan.

Lumiwanag ang mukha ko nang masilayan ko na ang napakalaking museyong yari sa kahoy!

Sa sobrang tuwa ko ay tumakbo ako papunta doon.

"Ah!" napatili ako nang sa hindi inaasahan ay nahulog ako sa napakalaking butas ng kagubatan at tumama ang ulo ko sa bato..

Hindi ako makalagaw sa sobrang sakit na nararamdaman ko. My body turned numb.

Gusto kong manghingi ng tulong. Gusto kong sumigaw ng sumigaw upang may makarinig sa akin at matulungan ako, but words couldn't escape through my mouth now that I'm laying here hopelessly.

Kumawala ang luha sa mata ko at sa pagkakataong ito.. alam kong hindi na ako muling makakabalik pa sa amin.

"Dad.."

Ipinikit ko na ang mga mata ko at hinayaang magpalamon sa dilim.

Filipinas, 1882

Napamulat ako sa tumamang sinag ng araw sa mata ko. Hindi ako makagalaw at tanging mga mata ko lamang ang kaya kong ilibot.

The Lost Prince Of SpainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon