Kabanata 41

9.3K 394 139
                                    

Malalim kong pinagmamasdan ang mga paruparong masayang lumilipad sa mga bulaklak. Ang tunog ng pagbagsak ng tubig mula sa tuktok ay siyang instrumentong lumilikha ng musika sa aking tenga.

Hindi ko mapigilang isipin ng paulit-ulit ang mga katagang binitawan niya noong araw na iyon. His words mean so much. He doesn't want me in his life, I know. I won't even dare. Kung ito ang parusa sa lahat ng mga ginawa ko noon, sa pagiging mahina ko at sa kawalan ng kakayahang lumaban ay malugod ko itong tatanggapin.

Ilang araw akong nanahimik sa mansyon at ang tanging nagawa lamang ay ang panoorin ang mga magsasakang hirap sa kanilang ginagawa. Ilang araw ko na ring sinusubaybayan ang pagsikat at paglubog ng araw.

"De puta! Tuluyan nang sinara ang daungan patungong Acapulco! Hindi ba nila inisip ang buhay ng mga Espanyol sa bayang ito? Kung ikukulong nila tayo rito ng walang kahit na ano ay bababa ang antas ng ating pamumuhay!"

"Huminahon ka, Esteban!"

"Hindi! Kung hindi natin mailalabas ang mga podukto ay magtitiis tayong makihati sa kakarampot na mamimili sa bayang ito! Maraming mayroong negosyo ng katulad sa atin." Madiing bwelta ni ama.

"Hindi ganoon kaliit ang bayang ito, Esteban! Maaari tayong makipagusap kung paano ang hatian ng baryong pagbebentahan."

Napabuntong hininga ako at bumalik na lamang sa aking silid. Ilang araw na nilang pinagtatalunan ang pagsasara ng daungan. Kahit si ama'y walang magawa.

Mabigat ang paligid ng mansyon nang pumunta akong hardin at nadatnan doon si Kassandra na malalim ang tingin sa baso na nasa kaniyang harapan. Napatalon siya nang makita ako.

"T-Tashiana." Natatarantang wika niya, kumakalap ng mga salitang sasambitin.

"May problema ba?" Tanong ko sa kaniya.

"Wala. Pagod lamang ako dahil tinulungan kong maglipat ng iilang gamit si Senyor patungo sa palasyo." Kumunot ang noo ko sa sinabi niya.

"Bakit naglipat ng mga gamit?"

"Doon na siya maninilbihan mula ngayon dahil ang palasyo na ang magiging sentro."

Oh. That explains why. Tumango ako sakaniya at ngumiti. Hinila ko ang upuan sa harapan niya at doon naupo.

"Ang ganda ng singsing mo. Ngayon ko lamang nakita 'yan" pinagmasdan ko ang kumikinang na singsing sa gitnang daliri ng kaniyang kanang kamay. Yari ito sa ginto at purong-puro ang pagkinang.

"A-Ah.. ngayon ko lamang ito sinuot muli." Kita ko ang pamumula ng pisngi niya nang sabihin niya iyon.

"Saan mo nabili 'yan?" Kuryoso kong tanong dahil for sure hindi 'yon dito nabili dahil walang ganoong klase ng ginto rito.

"B-Binigay lamang ng isang kaibigan.." tumango ako sakaniya at may pumasok na ideya sa aking utak. Kaibigan huh? Hindi magaaksaya ng pera ang isang kaibigan lamang.

"Sinong kaibigan 'yon kung ganoon? Mukhang may malalim kayong ugnayan." I don't want to sound nosy kaya umasta akong walang pakielam at nagtatanong lamang upang may mapag-usapan.

"Isidro.." napatingin ako sakaniya nang sabihin niya 'yon. Hindi ko inaakalang kukumpirmahin niya ang hinala ko.

"Bakit.. kayo naghiwalay?"

The Lost Prince Of SpainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon