Salamat sa paghihintay! Natutuwa ako sa inyong suporta at hindi ninyo sinukuan ang storya ko <3
-Sev*****
Tahimik at walang imik si Victor kinabukasan. Ilang beses niya akong sinubukang kausapin ngunit pinipigilan niya ang kaniyang sarili.
Without words, alam kong naiintindihan niya ang gusto kong mangyari. I need time to heal. I need time to think properly. I need time to regain myself because I'd lost more than half of it.
Time heals, maybe.. for some. Dahil ako, matapos nang lahat ng pinagdaanan ko.. sumugal na rin ako sa kapangyarihan ng oras. but does it really healed me? I wanted to say yes to prove time's power but my feelings say otherwise. Dahil kahit gaano na katagal, nandito pa rin ang lahat. Sariwa pa rin ang lahat. Siguro hindi pa sapat ang oras upang maghilom ngunit isa lamang ang alam ko ngayon. Time won't heal, time will just make you used to the pain that you thought you stopped hurting.
"Kung hindi alam ng lahat ang pagkatao mo, paano nalaman ni Javier na ikaw si Deckard Valentino?"
Matapos niyang sabihin sa akin noong isang linggo na tanging ang pamilya lamang ni Cardovia ang nakakakilala sa kaniyang pagkatao'y naging palaisipan na sa akin kung paano nalaman ni Javier ang tungkol sa kaniya.
Bata pa siya simula ng lisanin niya ang Espanya. Kaya hindi kataka-taka kung malilimutan na siya ng lahat.
"Nasa kamay niya si Dazzel. Noong araw ng paglisan namin sa San Felipe ay nadakip ang kaniyang pamilya. Wala siyang nagawa kung hindi ang magpaiwan."
"Kung gayon, alam niyang isa ka sa nasa likod ng mga kaguluhang nangyari sa San Felipe."
"Tama ka."
"Bakit hindi ka niya pinapadakip?"
"Dahil natatakot siyang malaman ng lahat ang tunay kong pagkatao. Ako ang nagiisang tao na siyang may kapangyarihan upang ibaba siya sa trono. Maaaring hindi na ako nabubuhay sa kanilang isipan ngunit sa oras na marinig nila ang aking ngalan, tiyak na mauungkat ang nangyari ilang taon na ang nakalilipas.."
"Papaanong ikaw dapat ang nasa pwesto niya? Sa pagkakaalam ko'y ang lolo ninyo ang nagpasiya na ang ama ni Javier ang tatanghaling hari."
"Tama ka riyan. Subalit walang naitalang tipan ang yumaong hari. Walang naiwang katunayan upang pormal na ilipat sa ama ni Javier ang kapangyarihan."
Tumango ako sa kaniya.
"Bukas ay kaarawan ng hari."
"At gusto mong pumunta kami.." pagpatuloy ko. Natigilan siya at nangapa ng sasabihin. Hindi niya inaasahan ang tugon ko.
Tinignan ko ang inosente kong anak na tahimik sa tabi ko habang naghihintay na subuan ng serbidora. I don't think I'm ready.
"Tashiana, batid kong napagisipan mo na din ang lahat. Nararamdaman kong naniniwala ka sa akin dahil kahit kailan, hindi ko pinaramdam sa'yo na nanganganib ka sa puder ko... Ang tunay na mapanganib dito ay si Javier. Kaya kailangan natin dumalo sa kaarawan niya upang ipaalam na nasa ilalim ka ng proteccion ko."
"Hindi na natin kailangan pang gawin 'yon. Ang katotohanang naririto ako sa mansyon mo ay magpapakita nang nasa ilalim mo ako, Victor."
BINABASA MO ANG
The Lost Prince Of Spain
Historical FictionShe's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kun...