"Sinasabi mo bang mamamatay tao ang ama ko, Isidro?" Madiin kong tanong.
Nag-angat ako ng tingin kay Isidro, nanginginig na ang buong sistema ko.
Hindi man ako tunay na anak ni Senyor ay natunghayan ko ang kabutihan at kalinisan ng pagkatao niya. Saksi ako kung paano niya pahalagahan ang kaniyang pamilya at kung paano niya mabuting nahawakan sa kaniyang palad ang bayan ng San Felipe.
"Huminahon ka binibini, pakiusap.. hindi ito makabubuti sa iyong lagay. Kailangan na nating lisanin ang lugar na 'to bago pa tayo matunton ng mga kawal." Pagmamakaawa ni Isidro.
"Paano ko magagawang huminahon sa ganitong sitwasyon?! Hindi ko alam ang nangyayari sa paligid ko!" Sigaw ko.
Alam kong malapit nang maubos ang pasensya ni Isidro at nais niya na akong hatakin palayo ngunit hindi ako aalis dito nang mangmang at hindi alam ang tunay na nangyayari.
"Sinabi ko na sa'yo. Kinitil ng iyong ama ang buhay ng hari! Kaya ngayo'y gumagawa na ng hakbang ang palasyo upang maparusahan ang pamilya ninyo, binibini! Kung hindi pa tayo aalis dito'y mahuhuli nila tayo!"
"Isidro naririnig mo ba ang sinasabi mo?! Hindi iyon magagawa ni ama! Alam mo yan!" Inis na sigaw ko.
"Kaniya nang nagawa, binibini! O kung marahil ay hindi siya ang nasa likod nito'y wala na rin tayong magagawa pa.. Walang makikinig sa atin. Walang tainga ang magbubukas para lamang pakinggan ang hinaing natin."
Umiling ako na tila hindi makapaniwala sa sinabi niya.
"At pati ikaw naniwalang siya ang may pakana sa nangyari? Hindi, Isidro. Kakausapin ko si Javier! Alam niyang hindi iyon magagawa ni ama!"
Malakas kong tinulak si Isidro at nagbadyang tumakbo pabalik sa mansyon ngunit agad niyang nahuli ang braso ko.
"Ang prinsipe ang siyang nag-utos sa mga kawal na ipadakip kayo kaya hindi mo maaring gawin 'yan. Kasalukuyan siyang naghihinagpis sa pagkawala ng kaniyang ama. Dugo kapalit ng dugo, binibini. Walang sinuman ang makapagbabago sa kaniyang isipan... kahit ikaw." Madiin at nauubusang pasensya na saad ni Isidro.
Hindi ko alam kung bakit nanigas ako sa simabi niya. Si Javier.. kilala ko siya.. matayog ang kaniyang prinsipyo at hindi siya basta-basta mananalig sa mga bagay na walang katunayan.
Hindi ko alam kung magagalit ako dahil naniwala siya sa paratang o maniniwala akong si ama ang tunay na may pakana dahil kilala ko si Javier, alam ko ang tuwid na paninindigan niya.
"Bakit?" Bulong ko sa hangin.
Nagsimulang tumulo ang mga luha ko. Bakit ganito kasama sa akin ang kapalaran? God, you've been so hard to me. Ang akala ko'y tuluyan mo na akong pinatakas sa lahat ng problemang dulot ng San Felipe mula noong pinili kong lisanin ang bayang iyon.
Bakit ngayo'y tila binabalik mo pa rin ako roon?
Mabigat ang damdamin kong sinundan si Isidro. Siya na lamang ang makakapitan ko sa mga oras na ito. Hindi ko alam kung anong mangyayari sa akin kung pati siya'y mawala na rin ng tuluyan sa tabi ko.
Tinahak namin ang kahabaan ng gubat. Sa halos tatlong minuto naming paglalakad ay agad akong nakaramdam ng pagod.
"Limang minuto pa, binibini.. malapit na tayong makarating sa dulo ng dalampasigan." Sambit niya.
Sa kabila ng pagod ay sinikap kong maglakad. Natatanaw ko na ang liwanag kaya siguradong malapit na kami.
"Bakit ka huminto?"
Huminto rin ako nang huminto si Isidro. Nasa likod niya ako kaya hindi ko tuluyang nakikita ang anumang nasa harapan niya ngunit nakasisigurado akong narating na namin ang dulo ng dalampasigan.
BINABASA MO ANG
The Lost Prince Of Spain
Historical FictionShe's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kun...