Kabanata 31

12K 381 427
                                    

Sa paglipas ng araw ng pananatili ko rito ay nasilayan ko kung gaano kalaki ang naging epekto ng mahalagang anunsyo sa bawat taong naninirahan sa buong bayan ng San Felipe. Dahil dito mismo iyon inanunsyo. Ang masayang bayan na ito ay tila nabalutan ng takot, pangangamba, haka haka at iba't iba pang opinyon.

Mas madami ang tao sa simbahang katoliko ngayong linggo, tahimik ang lahat habang nakikinig sa homilya ng pari tungkol sa pagtanggap at pagpapatawad.

"May dahilan ang lahat ng nangyayari sa ating buhay.. kung iniisip mong tinalikuran ka ng Diyos sapagkat hawak mo ang pinakamabigat na kapalaran.. sasabihin ko sa iyo kapatid, ikaw ang napili ng Diyos dahil sa'yo niya nakita ang lakas upang malagpasan ito." Napayuko ako sa sinabi ng pari at tila tumama ito diretso sa aking puso.

Is that why you chose me? 'Cause you find me strong to handle this kind of fate? situation?

Back when I was in my real generation, I grew up with a strong mindset na tanging ang sarili ko lamang ang lumikha. Lumaki ako ng walang Ina at kulang sa pagkalinga ng isang Ama, probaby the reason why I classified myself as a strong person.

Hindi ba gano'n naman iyon? Kung kulang ka sa pagmamahal ng iyong mga magulang ay kailangan manatili ka paring malakas sa lahat ng bagay. Dahil sa huli, baka ikaw lamang ang aangat sa sarili mo. Ikaw lang 'yung tutulong at makakaintindi sa sarili mo. Lalong lalo na sa sitwasyon ko ngayon.

"Kung totoong narito nga ang Prinsipe, hindi ba't dapat ay mahahalata natin iyon?"

Pikit na pikit akong dinidinig ang magandang balita ngayong araw habang napukaw naman ng atensyon ko ang mga bulong-bulungan sa aking bandang likuran. Dumilat ako upang lumingon sa mga kumpol ng matatandang kakabaihan na animo'y walang nakakarinig sa pinag-uusapan nila.

"Walang sinuman ang nakakaalam sa kaniyang katauhan. Kung hindi lamang babanggitin ang kaniyang pangalan ng Heneral ay tiyak wala ring nakakaalam ng kaniyang pangalan.." sabi ng matandang naka kulay puting belo.

"Nakakatakot dahil hindi natin alam kung minsan ay nakaharap na pala natin ang Prinsipe ng hindi natin namamalayan.." dagdag pa nung isang katabi nito.

Napayuko ako habang nakikinig sa kanila. The lost Prince has been the talk of the town. Walang lumipas na araw na hindi 'yon ang laman ng usap-usapan. Kung maaari ngang narito ang Prinsipe ay ano namang pakay niya rito sa bansang Pilipinas?

"Naimbitahan tayo sa tahanan ng Conception para sa pagdiriwang sa nai-panalong kaso. Naroon na marahil si Ama ngayon." Napalingon ako kay Tres nang banggitin niya 'yon habang naglalakad kami patungo sa aming kalesa matapos ang misa.

Nahihunuha ko nang malaki ang ngiti sa labi ni Dazzel at ng kasabwat niya tungkol sa nangyari. Walang nakakakilanlan sa pagkatao nila. Malamang ay ibabasura nalang ang trahedyang nangyari, at hahayaan nalang mabulok sa nakaraan.

Sabier. Kamusta na kaya siya? Isang araw matapos ang anunsyo ay pinayagan na siya ni Ama na lumipat sa kanilang tahanan. Medyo humupa na ang ilang mga sugat niya. Sabi niya naman na ayos naman na rin ang kanyang pakiramdam kaya maluwag na iyon sa loob ko.

Tunay na nabawi na ng mga Conception ang kanilang tahanan. Isang masayang bagay iyon ngunit kapalit ng hustisyang nakuha nila ay ang patuloy na pagbatikos ng mga tao.

Hindi na tulad ng dati ang tingin ng mga tao sa kanila. Wala nang sumubok pang magtrabaho sa kanilang pamilya dahil sa takot na ipinaramdam sa kanila ng pagsabog.

The Lost Prince Of SpainWhere stories live. Discover now