Kabatana 32

9.9K 344 112
                                    

Nananaginip ako. Nananaginip ako na nasa isang 'Time Machine' ako. Pabalik-balik na tila hindi ko na maunawaan ang lahat ng nangyayari. Ibinabalik ako nito sa makabagong panahon ngunit kalaunan ay hihigupin nanaman muli at iluluwa sa makalumang panahon kung saan, tingin ko, ay naroon na ang puso ko.

Nananaginip ako na animo'y naglalakbay ako ng paulit-ulit sa iba't-ibang punto ng panahon. Am I destined to be a time traveler? In which I am moving between certain points in time, analogous to movement between diferrent points in space?

Sa pagtigil ng pag-ikot ng panahon, pagpalit ng buwan sa araw, pagiging mainit na dati'y malamig na klima, at paglagas ng mga dahon sa puno, bumungad sa harapan ko ngayon ang babaeng kamukhang kamukha ko. Umiiyak, nakaluhod at nagmamakaawa..

"Ibalik mo ang katawan ko, binibini! Pakiusap!"

Walang tigil ang pagragasa ng mga luha sakanyang mata. Kita ko ang mga putik at mantsa na nakadikit sa laylayan ng kanyang puting bestida. At, doon ko lang din natanto na nasa isang kagubatan kami, mga naglalakihan na puno, nagtataasang damo, at huni ng mga ibon ang siyang tanging maliwanag sa akin sa oras na ito.

"Ibalik mo! Ibalik mo!" pagsusumamo niya habang kinikiskis pa ang mga palad na tanda ng pagmamakaawa nito.

Umiling ako at nagsimula nang mag-unahan tumulo ang mga luha sa aking pisngi.

"Hi-hindi.." halos wala nang maisatinig na boses ang lumabas sa aking bibig sa unang salitang binitiwan ko.

Hindi. Hindi ko alam kung papaano.

Hindi ko kaya..

"Ang katauhang iyan ay hindi sa iyong pagmamay-ari. Ibalik mo kung ano ang nararapat!"

"Hindi ko alam kung papaano!" iling ko.

Umiling iling rin siya habang patuloy sa paghagulgol. Totoong hindi ko alam kung papaano ang gusto niyang mangyari. Maski ako, hindi alam ang sagot. May isang parte sa akin na parang gusto nalang gumuho kapag iniisip kong ibabalik ko na 'tong pagkatao na ito sa sariling nagmamay-ari. Ngunit sa isang banda, handa naman akong tanggapin kung ano man talaga 'yong kapalaran ko. Masyado na kong maraming naiwan sa makabagong mundo.

Napatalon ako sa gulat nang marahas niyang hinawakan ang kamay ko. Nakaluhod parin siya sa harapan ko dala ang pagsusumamo at galit sakanyang mga matang nakatingin sakin.

"Ibabalik mo ang aking katauhan sa ayaw at sa gusto mo!" Sigaw niyang nagpagulat sa akin.

At ilang sandali pa ay naramdaman ko nalang na unti-unting nagbabago ang paligid muli. Mabilis ang pagdaan ng panahon at tila malabo. Animo'y hinihigop muli ako upang makarating sa iba't ibang dimensyon.

Napapikit ako nang makaramdam ako ng matinding pagsakit ng ulo. Hinawakan ko ang sentido ko at unti unting dinilat ang mga mata. At kasabay noon ang pag guho ng mundo ko at pag-ugat ng aking mga paa sa kinatatayuan ko..

Mula sa kinatatayuan ko, kita ko ang pag galaw ng panga ni Sabier at unti-unting sumilay ang kaniyang ngisi.

"Patayin mo.." kumpyansa niyang sagot habang nananatiling nakatutok ang baril sa direksyon niya..

At doon, naramdaman ko nalang ang panginginig ko. Ang matinding kaba at takot ay bumabalot sa buong sistema ko. At pakiramdam ko, nanlalamig at namamanhid ang buong katawan ko dahil mula sa kinatatayuan ko kitang kita ko ang galit na Sabier na mariing nakatingin ngayon sa babaeng hawak ngayon ng isang lalaki at nakatutok pa ang bibig ng baril sa sentido nito.

Si Tashiana.. kita ngayon ang pagtataka sa mukha niya.

Isang malakas na putok na baril ang namutawi. Naulit ang lahat.. Hindi si Tashiana ang bumagsak sa kinatatayuan niya.. kundi, Ako. Naramdaman ko mismo ang sakit ng pagbagsak sa lupa. Malayo sakanila, hindi kilala o nakikita manlang. Bumagsak ako hindi dahil natamaan ako ng baril, kung hindi dahil nanghihina na ako.

The Lost Prince Of SpainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon