Hindi ako pinatulog ng kaganapang iyon kaya kinabukasan ay muli nanaman akong nasita ng Donya dahil sa aking mga kapalpakan.
"Hindi ko alam kung paanong napunta ka rito kung wala ka namang alam." Inis na sita niya sa akin.
"Paumanhin po." Labas sa ilong na tugon ko.
"Leonor! Turuan mong maghalo ng mga sangkap ang estupidang ito!"
Padabog na umalis ang Donya sa kusina at tanging ako at si Leonor na lamang ang natitira. Dumako ang maamong mga mata niya sa akin at binigyan ako ng tipid na ngiti.
"Unahin muna natin ang paghihiwa."
Ilang beses akong tumikhim habang iniinda ang paulit ulit na hapdi sa aking kamay dulot ng mga pagkakamali ko.
"Ulitin natin." Mahinang sambit ni Leonor. Mahaba ang kaniyang pasensya at kailanman ay hindi ako nakatanggap ng masamang salita mula sa kaniya.
Inulit namin ng inulit ang paghiwa at parami ng parami ang sugat ko sa kamay. Nang medyo maayos na ang pagkakahiwa ko ay dumako naman kami sa pagluluto gamit ang mantika. Nagkaroon pa ako ng pula sa mukha dahil sa talsik ng mainit na mantika.
Muntik na akong mapatalon nang makuha ko na ang lahat at medyo marunong na ako. Niyakap ko si Leonor at nagpasalamat sa kaniya.
Kakatapos lamang namin sa kusina at ngayo'y nakakulong nanaman kami sa apat na sulok ng silid na ito. Ibinagsak ko ang aking sarili sa medyo matigas na kama. Hindi ko alam kung matatagalan ko pa ba ang ganito.
Habang nakapikit ay dinig ko ang maingay na pagbukas ng pintuan. Mabibigat ang yabag ng pumasok at tumunog ang nasa tabi kong kama.
"Bakit ka raw ipinatawag?" Dinig kong tanong ng kung sino sa kanila.
"Nagpasa kami ng kasulatan ukol sa pagkakaroon natin ng kaunting kalayaan makalibot sa buong palasyo."
"Talaga? Sana ay matanggap iyon dahil nakakalungkot ang buhay kung nakakulong lamang tayo sa silid na ito at hindi nasisikatan ng araw."
"Ipanalangin na lamang natin."
Hindi ko alam na nakatulog ako noong hapong iyon. Nagising lamang ako nang sumabog ang pinto at pagkadilat ko'y nakita ko ang kakapasok lamang na si Donya Loriaga.
"May dala akong isang magandang balita!"
Agad na nabuhayan ang mga kasama ko dahil sa positibong dala ng Donya.
"Napirmahan na ang kasulatan at sumasaatin ang pagsang-ayon ng Prinsipe. Makinig kayong mabuti at babanggitin ko ang mga nararapat at hindi nararapat ninyong gawin. Malaya lamang kayong makalilibot sa oras na tapos na ang inyong gawain. Hindi maaaring pumasok sa mga pribadong lugar na binabantayan ng mga kawal. Sa pagpatak ng alas-otso ay kinakailangan na kayo'y nakarating na sa inyong silid dahil kung hindi, kayo'y may haharapin na parusa."
Umaasa ako ng matinding tilian ngunit tanging munting hagikgik lamang ang nakita ko sa kanila. Ngumiwi ako dahil napagtanto kong ganito nga pala ang mga kababaihan sa panahong ito.
"Tashiana.." nilingon ko si Leonor nang lumapit siya akin.
"Bakit?"
"Nais mo bang kumain muna? Hindi ka pa nanananghalian." Dahil sa sinabi niya ay napagtanto kong di pa nga pala ako nakain dahil sa mga ginawa namin kanina.
"Pagtapos mo kumain ay nais kong mamasyal sa malawak na lupain ng palasyo." Mahina at masaya niyang sambit habang naglalakad kami patungong kusina.
BINABASA MO ANG
The Lost Prince Of Spain
Historical FictionShe's Leign Sevilla, an Archeology student who is very eager to know the history of some things. Ngunit anong mangyayari kung sa sobrang kagustuhan niyang matuklasan ang kasaysayan ay mapunta siya sa panahong nais niyang pag-aralan. Ang panahon kun...