Kabanata 14

13.6K 461 48
                                    

Nakapangalumbaba ako habang tinatanaw ang malawak na karagatan sa paanan ng bundok. Nasa tabi ko ang tahimik na si Isidro habang pinagmamasdan ako.

Gabi na at ang tanging liwanag ng buwan na lamang ang umiilaw sa buong paligid. Mga kuliglig naman ang nag bibigay ng ingay.

Napakiusapan ko si Isidro na huwag munang umuwi sa amin. Baka masiraan lamang ako ng ulo pag mag isa akong nagmukmok sa kwarto ko. Mabuti na ngayong may kasama ako.

Sa ilalim ng buwan at sa gitna ng malamig na gabi, napagtanto kong nang mapadpad ako rito ay puro na lamang hindi maganda ang nararamdaman ko.

Nakakalungkot isipin na kahit isa ay wala akong kadamay dito dahil kahit isa ay hindi alam ang totoong pagkatao ko kaya hindi nila kayang intindihin ang nararamdaman ko.

If this is just a bad dream.. please wake me up now..

"Alam kong hindi magandang manghimasok ngunit kahit ngayon lamang.. maaari mo ba akong ituring bilang isang kaibigan? Ilabas mo sa akin ang lahat ng kinikimkim mo at pangako.. gagawin ko ang lahat upang matulungan ka." Marahang wika niya. Napabuntong hininga ako.

"Hindi ko alam kung maiintindihan mo ako."

"Kung gayon, bakit hindi mo subukan ipaintindi sa akin?.. bakit pakiramdam ko'y iniisip mong mag isa ka? na walang nakakaintindi sa'yo rito kundi ang sarili mo lamang? binibini narito kami, narito ako.. hindi mo kami nakikita kasi binulag ka ng takot mo." Napalingon ako sa kaniya at nakitang malalim siyang nakatingin sa dagat.

Ngumiti ako ng mapait. Natamaan ako ng husto sa sinabi niya. Siguro nga kaya puro pait ang nararamdaman ko dahil hindi ko kayang buksan ang puso ko para sa kanila.

"May mga bagay na hindi kayang ipaliwanag ng puso ko kaya ako nagkakaganito.. pasensya na at ako 'yong tipo ng babaeng maarte.. masungit.. at madaling mairita ngunit ang puso ko.. parang unan sa lambot." Napalingon siya akin at tipid akong ngumiti. "Pag nasasaktan ako.. nasasaktan ako. Hindi ko kaya iyong itago at balewalain."

"Minsan hindi mo naman kailangan pigilan ang sakit dahil ang pagharap sa bawat sakit ang nakapagpapatunay kung gaano tayo kalakas.."

And then it strikes me again.

"Tama ka.. siguro nga'y masyado akong makimkimin kaya nagiging madrama ang takbo ng buhay ko rito." Ngayon ay mas naging lively ako. Probably because of what I've learned from him.

"Natutuwa akong may natutunan ka." Mahina siyang tumawa.

"Maraming salamat Isidro.. mula ngayon ay matalik na kaibigan na ang turing ko sa iyo." Napalingon siya akin at malungkot na ngumiti.

"Kahit gusto ko ng higit pa riyan ay masaya na akong unti unting napapalapit sa iyo.." Napawi ang ngiti ko dahil sa sinabi niya. This man.. Is he really inlove with me? "Tayo na't umuwi binibini.. malamang ay galit na ang iyong mga kapatid." Tumayo na siya mula sa pagkakaupo at inilahad ang kamay niya sa akin. Nakangiti kong tinaggap iyon.

"Dibale nang mapagalitan atleast I became happy." Tugon ko habang umaakyat sa Kalesa.

"Gumamit ka nanaman ng wikang hindi ko alam." Aniya. Humagikgik ako sa sinabi niya.

Magdamag akong nakangiti habang kausap si Isidro. Ang witty rin pala ng isang 'to.

Nang makapasok na kami sa Hacienda ay huminto na ang kalesa sa tapat ng gate ng mansyon. Naunang bumaba si Isidro at naglahad sa akin ng kamay. Nakangisi kong tinanggap ang kamay niya at nang tatanggalin ko na ay hindi niya binitiwan.

The Lost Prince Of SpainTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon