Part 1

64K 800 73
                                    

Randall Clark--- At First Sight (Story Status: Completed)

Miro Lagdameo--- Written In The Stars (Story Status: Completed)

Milo Montecillo--- Love On Trial (Story Status: Completed)

Jared Montecillo--- You Had Me At Hello (Story Status: Completed)

Mike Villamor--- Dare To Love You (Story Status: Completed)

Arthur Franz de Luna--- Paint My Love (Story Status: Completed)

Lance Pierro Alvarez--- When Miss NBSB Meets Mr. Bully (Story Status: Completed)





H
INDI mapakali ang disisais anyos na si Kristina habang panay ang sulyap sa kanyang wristwatch. Alas-tres na ng hapon at sigurado siyang nagsisimula na ang annual interschool basketball competition na ang eskuwelahan nila ang nagho-host. Wala siyang hilig dati sa larong basketball pero dahil kasama sa varsity team ang pinakamamahal niyang si James Red Montecillo, ginawa niya ang lahat para mapag-aralan ang lahat ng bagay na may kinalaman sa naturang laro. Lahat ng technicalities at terms na ginagamit sa basketball ay kinabisa niya, pati na ang fouls at rules. Sa lawak ng kaalaman niya ngayon sa basketball, papasa na siyang committee niyon o kaya naman, kung tatangkain niyang kumuha ng referee license ay siguradong mabibigyan siya. Ganoon siya ka-addict sa basketball—ah, mali, ganoon siya ka-addict kay Jared. Lahat ng may kinalaman sa lalaki ay pinepersonal talaga niya.

Si James Red o Jared ay kababata niya. Magkaibigan ang kanilang mga pamilya. Crush na niya ang lalaki noon pa man at walang ibang lalaki sa paningin niya kundi si Jared lamang. Hindi niya pinapansin ang kapatid nitong si Michael Lorenzo o Milo na halata niyang nagpapapansin sa kanya. Para sa kanya, tanging si Jared lamang ang gusto niyang makasama at ang lalaki rin ang gusto niyang maging asawa.

She was Kristina Arevalo and she was a certified brat. Lagi niyang nakukuha ang lahat ng gustuhin. Kaya nang mapagdesisyunan niyang si Jared ang inilaan ng Diyos para sa kanya ay ginawa na niya ang lahat makuha lamang ang lalaki.

Pinakikialaman niya ang kuwarto ng lalaki, binibigyan ito ng chocolates, bulaklak, at kung ano-ano pa. Papasa na rin siyang bodyguard ni Jared dahil lagi siyang nakabuntot dito. Kung nasaan si Jared ay naroroon din siya.

And Jared was nice enough to tolerate her. Bumubuntong-hininga na lang ito sa mga kakulitan niya. At marahil ay nakulitan na si Jared sa kanya kaya "sinagot" din siya. Kinulit niya nang kinulit ang lalaki hanggang sa mapilitan itong ligawan siya. Hindi pa natatapos ang unang araw ng panliligaw nito ay buong ningning na ibinigay na niya ang napakatamis niyang "oo."

Pero hindi doon natapos ang lahat. Mula nang maging boyfriend niya si Jared, naging war freak naman siya. Naging sobrang selosa siya. Kapag may nababalitaan siyang babaeng nagpapakita ng interes at umaali-aligid kay Jared ay ginugulo niya nang todo. Wala siyang pakialam kung mapatawag man siya sa guidance office o kung mapagalitan man siya ng kanyang lolo dahil sa pagka-cutting classes. Wala siyang pakialam kung bumabagsak man ang grades niya at sa mga incomplete niyang subjects. She was madly in love with Jared and she didn't care about anything else.

Muling tumingin si Kristina sa suot na relo. Three fifteen na. Hinawakan niya ang bag at nang makitang nakatalikod na ang professor ay dahan-dahan siyang tumayo at tinungo ang pinto. Walang nagsalita sa mga kaklase niya. Alam ng kanyang mga kaklase kung ano ang gagawin niya sa sinumang pupuna o magsusumbong sa kanya. Mabuti na lang at sa likurang bahagi ng classroom siya nakaupo. Kunsabagay, sinasadya talaga niyang piliin ang mga likurang bahagi ng klase para sa mga pagkakataong gusto niyang tumakas. Kailangan niyang mag-cut ng klase para mapanood ang laro ni Jared.

Talo pa siguro niya si Lydia de Vega sa bilis ng pagtakbo dahil ilang minuto lang ay nakaupo na siya sa bleacher at nangingibabaw ang sigaw at tili niya.

Ah, sino ba ang hindi mababaliw sa kaguwapuhan ng boyfriend niya? Jared was tall, dark and incredibly handsome. Nakadagdag din sa appeal ng binata ang pagiging tahimik at seryoso. There was something mysterious about him that made her swoon. May-kapayatan nga lang si Jared. Lalo tuloy itong nagmumukhang matangkad dahil doon.

Agad na umahon ang inis sa dibdib ni Kristina nang makitang sinadyang sikuhin si Jared ng kalaban at mukhang hindi iyon nakita ng referee dahil wala siyang narinig na pito. "Ref, offensive foul 'yon, ah! Are you really qualified to be a mediator? Do your job, man!" nanggigigil na sigaw niya sa referee nang mapatapat sa puwesto niya.

Napatigil si Kristina sa pagtili nang sumenyas si Jared sa coach nito na ilabas ito ng court. Halatang nag-atubili ang coach dahil dikit ang laban at si Jared ang star player. Gayunman, sumenyas ang coach sa referee ng substitution.

Kinabahan si Kristina. Obviously, Jared wasn't pleased to see her there.

"Kristina, ano'ng ginagawa mo rito?" agad na tanong ng binata nang makalapit sa kanya. Tumutulo ang pawis sa buong mukha nito.

Kumuha siya ng panyo mula sa kanyang bag at iniabot iyon kay Jared. "To cheer you on," aniya at nginitian ang binata nang matamis. At para siguruhing walang babaeng magtatangkang lumapit sa 'yo.

Seryoso ang mukhang tinitigan siya ni Jared. "Bumalik ka na sa klase mo, Kristina," mahinang wika nito.

"No, dito lang ako," aniya at umayos pa ng upo sa bleacher na solong-solo niya sapagkat walang nagtatangkang tumabi sa isang Kristina Arevalo.

"For Pete's sake, Kristina, midterm exam ninyo next week. Nagre-review ang buong klase mo ngayon, pero nandito ka at nanonood lang ng basketball?" magkasalubong ang mga kilay na wika ni Jared.

"'Wag mo nang prob—"

"'Wag problemahin? My God, bumabagsak ang grades mo!"

Nagulat si Kristina sa medyo pasinghal na tono ni Jared. Kahit saksakan siya ng kulit at arte, hindi siya pinagtataasan ng boses ng binata. Agad na namuo ang mga luha sa kanyang mga mata, "D-don't shout at me," nakalabing wika niya.

"I'm not shouting at you. Be reasonable and responsible, Kristina," ani Jared na agad na nawala ang pagkunot ng noo. Nakita niya ang pagdaan ng guilt sa mga mata ng binata.

"Sinigawan mo ako!" Suminghot-singhot si Kristina dahil effective ang ganoon kay Jared. Ayaw nitong nakikita na umiiyak siya. Madalas niyang gamitin iyon na sandata sa binata, lalo na kung naiinis na ito sa kanya tulad ngayon.

Bumuntong-hininga si Jared. "Okay, I'm sorry. my mistake..." tila sumusukong sabi nito. "Sige na please, bumalik ka na sa klase mo," pakiusap uli nito sa malumanay na tinig. Hinawakan ni Jared ang kanyang kamay at marahan siyang hinila patayo mula sa bleacher.

Agad na napasunod si Kristina sa gustong mangyari ni Jared. Mahal niya si Jared at susundin niya ito kahit labag sa loob niya ang gusto nitong mangyari. "Okay."

"Huwag kang sumimangot at nababawasan ang ganda mo," ani Jared habang inihahatid siya sa pintuan ng gym.

Napangiti si Kristina. Seryosong tao si Jared kaya ikinatutuwa niya nang labis kapag nagbibiro ito o kaya ay nambobola. She could tell that he also loved her, bagaman hindi ito ang tipong ipapakita iyon sa madla. Minsan tuloy ay naiinggit siya sa mga pareha na madalas mag-public display of affection sa campus.

"That's my girl," sabi ni Jared. "Mag-aral ka nang mabuti, ha?" bilin pa nito pagkatapos siyang halikan sa pisngi.

Napatango na lang siya.



:D 

You Had Me At Hello (Completed)Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora