Part 11

22.9K 583 10
                                    



"Hi. Ipinapatanong ni Boss kung may kailangan ka, juice or anything," wika ng babaeng lumapit sa kanya na marahil ay nasa forties na ang edad. Marahil ay sekretarya ito ni Jared. At aaminin niyang ikinatuwa niyang malaman na hindi bata at sexy ang sekretarya ng binata.

Ngumiti siya. "Ako po si Kristina. Huwag na po kayong mag-abala, okay—"

"I-it's you!" bulalas nito nang matitigan siya.

"M-me?"

"You're the teenager in the photograph!" tila hindi makapaniwalang wika nito.

Nagtatanong ang tinging ipinukol niya sa babae. "What photograph?"

"Ang misteryosong larawan sa desk ni Boss. No, wala akong aaminin sa 'yo. But I must say, the photo doesn't do you justice. Maamo ang mukha mo, samantalang ang nasa larawan ay mataray ang dating."

"Ah, mataray at spoiled brat po talaga ako noon," aniya at napahagikgik. "Kapag may nagsabing mabait po ako, siguradong nagsisinungaling ang taong 'yon."

Natawa ito sa tinuran niya.

"Hey, what did I miss?" tanong ni Jared nang maabutan ang pagtatawanan nila ng babae. Bumaling ito sa babae. "I hope nasa akin pa rin ang loyalty mo at hindi mo ako sinisiraan sa magandang babae rito," pabirong wika nito.

"Oh, my God, Boss. Nagbibiro ka na ngayon?" nangingiting wika ng babae. "Huwag kang mag-alala, nasa iyo pa rin ang loyalty ko."

"Thank God! By the way, Tita A, meet Kristina Arevalo." Lumapit sa kanya si Jared at hinapit siya sa baywang. "She will be my wife soon."

Nanlaki ang mga mata ng babae at nakaawang ang bibig na bumaling sa kanya.

"Kristina, dear, meet my ever-efficient secretary."

"K-Kristina Arevalo... Your name rings a bell. I'm not sure kung nabasa o narinig ko ba ang pangalan mo, hija, pero familiar talaga," ani Tita A na tila hindi pa rin makabawi sa pagkabigla.

"Ah, common name po kasi ang pangalan ko," aniya. Marahil ay may nabasa itong libro niya.

"Well anyway, it's nice to meet you, hija. Finally, ngumingiti na ang boss ko. I wonder kung mawawala na rin ang pagkabugnutin niyan."

"Ako bugnutin?" eksaheradong sabi ni Jared.

Hindi mapigilang ngumiti ni Kristina. It was obvious na maganda ang working relationship nina Jared at Tita A.

"Aw! Come on, Boss, you—"

"Oops, hold it, Tita A. Baka kung ano pa'ng sabihin mo. Akala ko ba, nasa akin ang loyalty mo? 'Pag na-turn off sa akin si Kristina, lagot ka." Jared was obviously in a light mood.

Tumawa si Tita A. "Ikaw talagang bata ka. O, paano. You go ahead. Congratulations and— Oh, no! The devil is here." Nanlaki ang singkit na mga mata ni Tita A. Nag-aalalang sumulyap ito sa kanya.

Sinundan ni Kristina ng tingin ang nakita ni Tita A.

Isang babaeng naka-miniskirt at red stilettos ang nakita niya. Pamilyar sa kanya ang babae. Maganda, kulot ang buhok, at maputi. Kapansin-pansin ang nunal sa itaas ng dibdib.

Nunal sa dibdib?

Sabi na nga ba at pamilyar sa kanya ang babae. It was Roxanne Juico, ang babaeng ipinagpalit sa kanya ni Jared sampung taon na ang nakararaan. Pakiramdam ni Kristina ay may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa kanyang dibdib.

You Had Me At Hello (Completed)Waar verhalen tot leven komen. Ontdek het nu