Part 4

27.3K 993 21
                                    


PALAKAD-LAKAD si Kristina sa loob ng kanyang kuwarto. Hindi niya lubos-maisip na magagawa iyon sa kanya ng lolo niya. Paano nito naisip ang ideyang ipakasal siya kay Jared kapalit ng mga institusyong binuo ng lola niya? Hindi nga ba at sa lolo niya siya noon tumakbo nang saktan siya nang labis ni Jared? Hindi ba at alam nito kung ilang balde ang iniluha niya noon at kung paano siya naghirap?

Napabuga ng hangin si Kristina. Mabigat ang desisyong iniwan sa kanya ng lolo niya. If she could only decide for herself, if she could only be selfish like she used to be, she preferred not to set foot in the Philippines again and be married to the same guy who broke her heart.

Ngunit hindi lamang ang sarili ang kailangan niyang ikonsidera kundi higit ang kinabukasan ng mga batang lansangan na kinakalinga ng Carla Youth Foundation, ang mga kabataang biktima ng karahasan—pisikal man o psychological, na nasa pangangalaga ng Carla Teens Foundation, at higit sa lahat ang mga lolo at lolang walang bubong na masilungan, walang kapamilya na nag-aaruga, ngunit nakatagpo ng tahanan sa Carla Elderly Foundation. Kakayanin ba ng konsiyensiya niya na mapariwara ang mga ito at bumalik sa lansangan?

Napahilot si Kristina sa kanyang sentido. Alam niya ang sagot sa mga tanong na iyon. Hindi niya hahayaang muling mawalan ng landas ang mga nasa foundation. Hindi naman sana problema kung ibang lalaki ang pakakasalan niya, ngunit ibang usapan na kung si James Red Montecillo ang lalaking iyon.

Ah, it had been ten long years.

Sampung taon na pala ang nakalilipas mula nang umalis siya ng Pilipinas. Sa mga unang buwan niya sa Seattle ay wala siyang ginawa kundi umiyak nang umiyak. She hated Jared so much back then. Ang totoo, binalak pa niyang paghigantihan ang binata. Pero nagising na lang siya isang araw na hindi na siya umiiyak at ngumingiti na uli, na kaya na uli niyang mabuhay. Wala na ang pait at sakit, pati na rin ang galit. Nakapag-move on na siya. Napatawad na niya si Jared at tiyak niya sa sarili na ibinaon na niya sa limot ang pananakit nito sa damdamin niya noon.

Nakilala niya si Andrew. Sa unang pagtatagpo pa lang nila ay nag-click agad ang personalities nila. Maraming bagay na itinuro sa kanya ang lalaki. At siguro nga, isa si Andrew sa mga dahilan kung bakit ni-reassess niya ang sarili. Kaya naman pinagbuti niya ang pag-aaral at nagtagumpay naman siya roon dahil nagtapos siyang may mataas na karangalan.

She was now a certified public accountant by profession. Ilang malalaking kompanya na rin ang napagtrabahuhan niya kahit hindi niya kailangang gawin iyon dahil malawak ang negosyo nila bukod pa ang sa abuelo. Pero gusto niyang maging ordinaryong tao lang, isang empleyado at hindi boss.

But most of all, she was Kristina Arevalo, an internationally acclaimed writer. Maraming libro na rin siyang nai-publish, karamihan ay bestsellers at nanalo ng awards. She wrote in all genres except romance. Hindi niya alam kung bakit, ngunit hindi talaga niya kayang tumapos ng romance novel. The moment na may ideyang pumasok sa isip niya, agad niya iyong isusulat. Pero kapag itinutok na niya ang isip doon, nabablangko uli ang kanyang isip. Ngunit pagdating sa ibang paksa, mabilis siyang makatapos ng isang libro.

One of her famous books that also happened to launch her writing career was The Plight of the Homeless. Sa librong iyon, ipinakita at tinalakay niya ang iba't ibang mukha ng mga batang lansangan at mga taong grasa. Hindi lamang siya basta nag-rely sa mga research para maintindihan ang pagiging homeless, she also needed to be one.

Sa tulong ng prosthetics na inilagay ni Andrew, naging taong grasa siya at nagpalaboy-laboy sa lansangan. Naranasan niya kung paano kumalam ang sikmura, ang manginig sa lamig ng gabi na ang tanging sapin sa likod ay karton, ang pandirihan ng mga tao. At muntikan pa siyang maabuso. Mabuti na lang at lihim pala siyang pinabantayan ni Andrew. Kung wala ang mga taong inupahan ng kaibigan, baka napahamak siya nang tuluyan.

You Had Me At Hello (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon