Part 8

23.5K 827 27
                                    


"Get ready, Kristina. Ngayon na tayo magpapa-civil wedding."

Muntik nang malaglag si Kristina sa kinauupuan nang marinig ang dumadagundong na boses ni Jared. Hindi pa niya nauubos ang kape ay nakabalik agad ito at ngayon ay bigla siyang sinabihan na magbihis dahil civil wedding na raw nila. Wala pa siyang beinte-kuwatro oras sa Pilipinas at binabalak na nga niyang bumalik sa Seattle, pero hayun ngayon ang binata at nagsabing magpapakasal na sila. Kung hindi lamang sa boses at sa seryosong anyo ay iisipin niyang nagbibiro lang ito.

"H-hindi yata tayo nagkaintindihan, Jared. Kasasabi ko lang na hindi tayo magpapakasal," alanganing sabi niya.

"Oh, yes we are. Huwag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo, Kristina," mariing wika nito, saka sumulyap sa suot na relo. "I'm giving you ten minutes to change or else I will dress you up myself." Pagkasabi niyon ay lumabas na si Jared ng kusina.

Awang ang mga labi na napailing-iling si Kristina. Is this really happening?

Hindi pa tapos i-process ng isip niya ang nangyayari nang lumitaw na naman sa kusina si Jared. Kinabahan siya nang maisip na marahil ay tapos na ang ten minutes na ibinigay ng binata sa kanya para magbihis siya kaya naroroon na naman ito.

Handa na sana siyang makipag-argumento kung hindi lamang niya nakita ang emosyong nakabakas sa mukha nito. Wala na roon ang seryosong ekspresyon at hindi na rin ito nakakunot-noo. Sa katunayan ay kababakasan iyon ng guilt.

"I'm sorry, Kristina, nabigla lang ako. Hindi ganoong kasal ang gusto kong ibigay sa 'yo. You deserve more than just a civil wedding," marahang wika nito. Inokupa nito ang upuan sa harap niya.

Naguguluhang napatitig na lang siya kay Jared.

"I don't know how to begin...'Yong nangyari noon sa atin, I want to explain—"

"I told you, wala na sa akin 'yon," putol niya sa sinasabi nito. Dalawang beses na niyang narinig kay Jared ang kagustuhang magpaliwanag sa nangyari noon. Ano pa bang paliwanag ang mayroon ito? Malinaw na may kasalanan din siya sa nangyari noon dahil sa immaturity niya.

He took a deep breath and then reached for her hand. At tulad ng dati, nabigla na naman siya sa init na hatid niyon sa kanya kaya agad niyang binawi ang kamay. Hindi nakaligtas sa kanya nang dumaan ang sakit sa mga mata nito. Gusto tuloy niyang magtaas ng kilay. Bakit kung umakto si Jared ay para bang mahal pa siya nito?

Ilang sandaling natahimik ito at tila pinag-isipang mabuti ang sasabihin bago muling nagsalita. "Can we put the past behind us now, Kristina? I mean, can we start anew and be friends in the meantime? Pareho nating gusto na maisalba ang mga foundation, hindi ba? So, puwede siguro nating subukang mag-work ang mga bagay-bagay sa ating dalawa. Puwede ba 'yon, Kristina?"

Napaisip siya. Tama si Jared. Bakit nga ba hindi nila subukang magsimula uli tutal ay iisa lang ang hangarin nila? Isa pa, sa kanya na rin nagmula na dapat na nilang kalimutan ang lahat.

Natagpuan na lang ni Kristina ang sarili na tumatango at sumasang-ayon sa sinabi ni Jared.

Tumayo ang binata at lumapit sa kanya, pagkatapos ay inilahad sa kanya ang kanang kamay nito. "Hi! My name is James Red Montecillo. I'm an architect, single, and still available."

Hindi napigilan ni Kristina na mapahagikgik sa ginawi ni Jared pati na sa mga sinabi nito.

Tila lalo namang nagliwanag ang mukha nito sa pagtawa niyang iyon. "Don't laugh. Magsisimula tayong muli, hindi ba? Kaya kailangan nating magpakilala sa isa't isa," nakangiting wika nito. Inginuso nito ang kamay na nakalahad pa rin sa harap niya.

Iiling-iling na nakipagkamay siya kay Jared at muli ay naramdaman niya ang kakaibang init na hatid ng kamay nito. Naramdaman kaya iyon ng binata kaya nito hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay niya?

"Your name?"

"Huh?"

"It's your turn to introduce yourself."

Tumikhim siya. "Hello, I'm Kristina Arevalo." Ilang sandali pa ay tuluyan na siyang napangiti sa ginawa nila.

"You still had me at hello, Kristina," pabulong na sabi ni Jared na umabot naman sa pandinig niya o sadya nitong ipinarinig sa kanya.

Pero ano ba ang ibig sabihin nito roon?

"Ahm, puwede mo na sigurong bitiwan ang kamay ko," nakangiting wika niya. Ngunit nang mga sandaling iyon ay may tila kung anong naghahabulan sa dibdib niya sa lakas ng kabog niyon.

Binitiwan naman ni Jared ang kanyang kamay at bahagya pang nagkamot sa ulo na ikinatawa niya. Puwede rin palang magmukhang boyish ang isang seryosong taong tulad nito kapag umaakto nang ganoon.



  "You still had me at hello, Kristina."   Ayieeee!

You Had Me At Hello (Completed)Where stories live. Discover now