Part 3

25.7K 860 14
                                    


BIGLANG tumahimik ang maingay na opisina pagpasok ni Architect James Red Montecillo. Batid ni Jared na maraming empleyado ang nangingilag sa kanya, lalo at masyado siyang seryoso at bihirang-bihirang ngumiti. He talked little and seldom smiled, but he was a figure of authority. Walang nagtatangkang lumapit o humarang sa daraanan niya. He never cared to explain himself to them. At tulad ng ibang mga araw, bale-walang nilampasan lamang niya ang mga empleyado at tinungo ang opisina niya.

Dinampot niya ang maliit na picture frame sa gilid ng kanyang desk. Iyon ang unang-una niyang ginagawa pagkaupong-pagkaupo sa likod ng kanyang mesa: ang titigan ang maliit na litrato at okay na ang araw niya. Puwede na niyang simulan ang santambak na trabaho.

Ngumiti si Jared at alam niyang hindi iyon nakaligtas sa paningin ng sekretarya niyang si Anna Pen. Sanay na si Anna Pen na nakikita siya sa ganoong pagkakataon. Bagaman hindi nagkokomento, batid niyang malamang ay naku-curious ito kung sino ang dalagita sa litrato.

"Here's your coffee," ani Anna Pen pagkatapos ibaba sa harap niya ang umuusok na mug ng kape. Papasa nang tiyahin niya si Anna Pen. Bagaman may-edad na, wala naman siyang maipipintas sa pagiging competent at reliability nito. Nadala na siya sa mga babaeng kaedad niya na hindi magawa nang maayos ang trabaho sapagkat laging nasa kanya ang paningin.

"Thanks," ani Jared. Nagsimula na siyang magbuklat ng mga file folder na nasa ibabaw ng mesa, gayundin ng mga sobreng naka-address sa kanya. Muntikan na niyang maibuga ang hinigop na kape nang mabasa ang isang sobre na may return address na Rosales Law Firm.

Nanginginig ang kamay na pinakatitigan iyon ni Jared dahil baka dinadaya lamang siya ng kanyang paningin. Ang Rosales Law Firm ang may hawak ng accounts ng pamilya Arevalo—ang pamilya ni Kristina; ang babaeng may-ari ng kanyang puso na sinaktan niya sampung taon na ang nakararaan.

Tinitigan niya ang envelope, hindi malaman kung bubuksan iyon.

Sa bandang huli, ipinasya niyang buksan ang envelope para alamin kung ano ang nilalaman niyon. Isa pa, hindi rin siya matatahimik kapag binale-wala niya iyon.

Nanginginig ang kamay na binuksan ni Jared ang liham. Awang ang bibig na halos inulit-ulit niya ang pagbabasa niyon. Gusto niyang makasiguro sa nilalaman ng liham, baka kasi dinadaya lamang siya ng kanyang mga mata; na baka iyon ang nababasa niya dahil iyon ang nais niyang mabasa. Nakailang pasada na siya sa liham, ngunit iyon pa rin ang nilalaman niyon.

Galing iyon sa namayapang lolo ni Kristina.

Tumayo siya at saka lumapit sa glass window. Natatanaw mula roon ang napakagulong kalsada ng Mandaluyong. Hindi niya napaghandaan ang sandaling iyon na bigla na lang may matatanggap siyang sulat na alam niyang magpapabago ng takbo ng kanyang buhay. Oo nga at araw-araw niyang hinihiling na bumalik na sa kanya si Kristina pero hindi naman sa ganoong sirkumstansiya na may kinalaman ang huling habilin ng lolo nito.

Ayon sa sulat ay babalik na diumano sa Pilipinas si Kristina at kailangang magpapakasal silang dalawa. Aaminin niyang masaya siya sa ideyang iyon dahil sa paglipas ng mga taon ay wala siyang ibang hiniling sa Diyos kundi ang bumalik ang dalaga. Matagal din siyang naghintay at siguro ay iyon na ang pagkakataon para tuluyang maghilom ang kanilang mga puso. Gayunman ay kinatatakutan niya ang magiging reaksiyon ni Kristina sapagkat nang umalis ito ay halos isumpa siya sa sobrang galit.



Seattle, Washington

"WHAT?!" Halos malaglag si Kristina mula sa kinauupuang sofa nang marinig ang sinabi ng abogado ng kanyang Lolo Felipe.

"Attorney!" sambit naman ng daddy niya. Maging ang ama ay halatang hindi rin makapaniwala sa narinig.

Inilibot ni Kristina ang paningin. Lahat ng naroon sa silid na iyon ay kababakasan ng pagkagulat sa narinig.

"You all heard it right," pagkumpirma ni Atty. Dela Paz—ang abogado ng lolo niya—bago bumaling uli sa kanya. "Kristina, huling hiling ng lolo mo na makasal ka kay James Red Montecillo."

"That's rediculous! How could Lolo—"

"Kristina!"

Napatigil siya sa pagpoprotesta nang marinig ang nananaway na tinig ng mommy niya. Ayaw nitong nagsasalita ang sinuman sa kanila ng hindi maganda sa matatanda, lalo na at wala na ang taong iyon sa mundo.

Huminga nang malalim si Kristina at kinalma ang sarili. "Paano kung ayaw ko?" aniyang naghahamon ang tinging ipinukol sa abogado.

Ibinalik ni Atty. Dela Paz ang tingin sa last will and testament, inayos ang suot na salamin sa mga mata, at ipinagpatuloy ang pagbabasa. "Sa huli, walang sinuman ang dapat na magpasya tungkol sa bagay na ito kundi si Kristina lamang. Walang sinuman ang dapat na mamilit sa kanya..."

Nakahinga nang maluwag si Kristina. Ngunit hindi pa pala tapos ang habilin.

"Kung sakaling piliin ng aking apo na hindi sundin ang aking kahilingan, mapupunta pa rin sa kanya ang parte niya sa lahat ng ari-ariang aking iniwan. Subalit kailangang buwagin ang tatlong institusyong itinatag ng aking asawa—ang Carla Youth Foundation, Carla Teen Foundation, at ang Carla Elderly Foundation."

"N-no, hindi iyan magagawa ni Papa, Attorney. Alam mong mahalaga kay Mama ang mga foundation na iyon," sabi ng daddy niya.

"I'm sorry, Phillip, but that's what your father said."

"Dissolve the foundations?" hindi makapaniwalang sabi ni Kristina.

"That's ridiculous. Hindi lamang basta itinayo ang mga foundation na iyon. Bawat isa sa amin ay may papel na ginagampanan doon at mahalaga iyon sa pamilya. That is our legacy! What about the people under the foundations' care? Hindi matatahimik si Lola Carla kapag nawala ang alinman sa mga iyon," wika ng kuya niya.

"Attorney, kung hindi na susuportahan ng mga kompanya ni Lolo ang mga foundation, puwede namang kami na lang ang sumuporta sa mga iyon. I can look for sponsors, marami akong puwedeng lapitan," sabad ng ate niya na hawak ang kanyang kamay.

"I'm sorry, but your grandfather firmly stated that the three institutions shall be dissolved if Kristina says no to her grandfather's wishes."

Hindi napigilan ni Kristina na ibulalas ang nasa isip. "A-alam na ba ni J-Jared ito? Malamang ay may pamilya na 'yong tao." Knowing Jared, he would find the idea absurb.

Ngumiti si Atty. Dela Paz. "Binata pa si Jared at alam na rin niya ang bagay na ito."

"And what did he say?"

"Nabigla rin siya. As we all know, katulong ng Lola Carla ninyo ang lola ni Jared sa pagtatayo ng mga foundation na iyon. Jared is willing to help."

"He is?" hindi makapaniwalang sabi ni Kristina. "And what will he get in return?"

Nagkibit-balikat ang abogado. "Well, I really don't know. Sa tingin ko, katulad mo rin lang siya na pinahahalagahan ang mga iniwan ng matatanda."



Thank you for reading. Vote, vote, vote! :)

You Had Me At Hello (Completed)Where stories live. Discover now