Part 6

25.5K 863 27
                                    


BAKIT suot pa niya ang bracelet na 'yon? naguguluhang tanong ni Katrina sa isip habang palakad-lakad siya sa loob ng silid na pinagdalhan sa kanya ni Jared. Talagang nagulat siya nang makita na suot nito ang bracelet.

Malinaw pa sa isip niya ang pangakong binitiwan ni Jared nang ibigay niya rito ang bracelet. Ang sabi ng binata, hanggang mahal daw siya nito ay mananatiling suot nito ang bracelet. Pero hindi lamang ang bracelet ang nagpagulat sa kanya. Patikim lamang pala iyon dahil kanina lamang ay tumambad sa kanyang mga mata ang dream house niya. Ang bahay na malinaw na nakaguhit sa puso at isip niya ay naging totoo.

Mula sa napakalawak na bakuran hanggang sa man-made lagoon na punong-puno ng makukulay na koi ay nakakatawag ng pansin. Hindi rin nawala sa isang sulok ang garden. Everything and every corner of the house was exactly what she pictured in her mind. Iyon nga lang, hindi kanya ang bahay na iyon kundi kay Jared.

Of course, alam ng binata ang tungkol sa dream house niya. Parati nitong ipinapakuwento sa kanya noon ang mga bagay na gustong-gusto niya.

Ah, marahil ay nagustuhan din ni Jared ang kanyang imahinasyon. Magaling na arkitekto ang binata at maayos nitong nabigyan ng buhay ang kombinasyong western at eastern style. Matinding pagpipigil nga ang ginawa niya kanina upang hindi mapasinghap at hindi magpakita ng anumang emosyon.

Nakakatawa lamang isipin na ang bahay na kasalukuyan pa lamang niyang ipinapatayo sa Seattle ay may kakambal pala sa Pilipinas.

Napabuntong-hininga si Kristina. Binibigyan siya ni Jared ng palaisipan—napakalaking palaisipan. His actions puzzled her. Mabuti na lang at tapos na ang kabanatang iyon ng kanyang buhay. She was so over him. Sigurado siya roon.



NAKAALIS na si Jared nang magising si Kristina kinabukasan. Paggising niya ay may cart na ng pagkain sa labas ng pinto ng kuwarto niya kasama ang isang maikling note na nag-iimpormang may importanteng meeting na pupuntahan ang binata. Pero hindi niya maiwasang magtaas ng mga kilay nang makita ang tatlong pulang rosas na kasama ng pagkain.

Sino kaya ang nagluto? Wala namang katulong dito.

Natakam si Kristina sa mga pagkaing nakahain. Pulos pagkaing Pinoy at mga paborito niya ang mga iyon. Iyon nga lang, kahit natatakam siya, hindi agad niya makakain ang mga iyon. Hindi na siya naghe-heavy meal sa umaga katulad ng dati. Kapag ginawa kasi niya iyon, siguradong sasama ang kanyang tiyan. Maghapon na naman siyang kakabagan at didighay nang didighay. Kape at sandwich lang ang nakasanayan niyang kainin sa umaga.

Ipinasya muna niyang maligo bago magtungo sa kusina. naghanap siya ng tinapay na puwedeng gawing sandwich o kaya ay i-toast. Tumaas pa ang isang kilay niya nang madiskubreng kompleto ang supply ng binata, maging ang dalawang refrigerator ay puno rin.

Pinahiran lamang niya ng butter ang tinapay, pagkatapos ay nagtimpla na ng kape. Magsisimula na siyang kumain nang biglang sumulpot si Jared.

"Nakakagulat ka naman," sabi niya.

"Ayaw mo ng luto ko?" nakakunot-noong tanong nito habang nakatingin sa kape at tinapay sa harap niya.

So, siya pala ang nagluto. Bakit parang kinilig yata ang puso niya sa kaalamang pinagkaabalahan ni Jared na ipagluto siya ng pagkain?

"No, okay lang, mukhang masasarap naman. Mamayang lunch ko na lang siguro kakainin ang mga 'yon."

"Bakit mamaya pa?"

"Hindi na kasi ako naghe-heavy breakfast sa umaga."

"Bakit?"

Bakit ba kailangan ko pang magpaliwanag? Puwede namang ayaw ko lang kumain sa umaga, tapos.

Huminga nang malalim si Kristina. "Ilang beses din kasi akong nalipasan ng gutom sa Seattle noong pumunta ako ro'n kaya nagka-ulcer ako. After that, maghapon na akong kakabagan kapag nag-full meal ako sa umaga. So now, I settle for a cup of coffee and bread."

Nagka-ulcer ako dahil ayaw kong kumain at wala akong ginawa kundi iyakan ka, gusto sana niyang sabihin.

"At bakit ka nagpapalipas ng gutom?" tanong ni Jared na lalong lumalim ang pagkakakunot ng noo na parang hindi nagustuhan ang narinig.

"Nahirapan akong mag-adjust sa Seattle, eh," tugon ni Kristina. Hindi niya gusto ang nababasa sa mga mata ng binata kaya nag-iwas siya ng tingin. He was acting as if he really cared.

"I'm sorry," anito pagkaraan ng ilang sandali.

Alam ni Jared na hindi niya gustong manirahan sa Seattle kahit nandoon ang mga magulang at mga kapatid niya. Kaya nga mas pinili niyang magpaiwan sa lolo at lola niya.

"For what?"

"For—"

"Ah, gusto mo ng kape? Bakit nga pala nandito ka? Akala ko may meeting ka?" putol niya sa sasabihin ni Jared. May palagay kasi siyang ang nakaraan ang inihihingi nito ng tawad. She didn't want the awkwardness it would bring. Isa pa, matagal na iyon. Napaghilom na ng panahon ang sugat. Hindi nga lang siya komportableng pag-usapan ang nakaraan.

Ilang saglit siyang tinitigan ni Jared bago nagsalita. "I cancelled my meeting." Umupo ito sa silya sa harap niya. Agad na tumayo si Kristina at ipinagtimpla ng kape ang binata. Kape at creamer lang ang timplang gusto nito sa pagkakatanda niya ngunit nilagyan niya iyon ng asukal. She wanted to see how he would react.

Humigop agad si Jared pagkalapag niya sa tasa ng kape at hindi naman siya nabigo sa gustong makita dahil hindi nakaligtas sa kanyang paningin nang matigilan ito. Gayunman, hindi rin ito nagkomento at ipinagpatuloy ang pag-inom ng kape na parang ninanamnam ang bawat patak niyon.

Ipinilig ni Kristina ang ulo at lihim na kinastigo ang sarili sa ginagawang pagmamasid kay Jared. Kung ano-ano ang napapansin niya. Malay ba niya kung nagbago na pala si Jared ng gustong timpla ng kape; na gusto na nito ang kapeng may asukal.

"How do you find the house?" mayamaya ay tanong nito habang deretsong nakatingin sa kanya.

She knew he was fishing for comments, but no, she wouldn't give him what he wanted. Hindi niya hahayaang makita nito na talagang nagustuhan niya ang bahay na iyon. At aminin man niya o hindi, lumalabas na mas maganda pa nga iyon kaysa sa bahay na nasa Seattle. Siguro dahil talagang magaling na arkitekto si Jared.

"Ahm, maganda," kunwari ay bale-walang tugon niya. Ano kaya ang magiging reaksiyon nito kapag sinabi niyang ganoon din ang ang hitsura ng ipinapatayo niyang bahay sa Seattle?

"Nagustuhan mo ba?" muling tanong ni Jared na tila naghahanap pa ng ibang reaksiyon mula sa kanya.

"Y-yeah. I mean, of course."

Tumango-tango ito. He seemed distracted. "Okay lang ba kung dito tayo titira? Feel free to change anything in the house."

"Ha?"

"We'll get married and—"

Itinaas ni Kristina ang isang kamay para patigilin ito sa pagsasalita. "Ahm, wait a second, Jared. Gusto kong pag-usapan natin 'yan ngayon, if you don't mind."

"Of course. Kailan mo gustong magpakasal tayo?"

Ilang beses na kumurap-kurap si Kristina. Dinadaya ba siya ng kanyang paningin? Bakit parang excited si Jared? Nagniningning ang mga mata nito. Sa tingin niya, bahagya pa ngang lumambot ang mukha nito.

Tumikhim siya. "We're not getting married, Jared. We're not doing it."


Yay! Bitter pa ang lola n'yo. :) Vote, vote, vote!

You Had Me At Hello (Completed)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora