Part 12

24.3K 806 18
                                    



Nunal sa dibdib?

Sabi na nga ba at pamilyar kay Kristina ang babae. It was Roxanne Juico, ang babaeng ipinagpalit sa kanya ni Jared sampung taon na ang nakararaan. Pakiramdam ni Kristina ay may kung anong mabigat na bagay na dumagan sa kanyang dibdib.

Tinaasan niya ng kilay si Jared na nakatingin pala sa kanya at mukhang nag-aalala. At dahil sa kanya nakatingin ang binata, hindi ito nakapalag nang siilin ito ng halik ng bagong dating na babae. Kristina did her best not to smirk. She had a poker-faced expression on her face.

Marahas namang binaklas ni Jared ang mga brasong nakapulupot sa leeg nito.

"What the hell was that?" iritadong tanong nito kay Roxanne.

"Well, I missed you, darling. Hindi ka na nagpapakita sa akin," sagot naman ng babae na tila bale-wala ang iritasyon sa tinig ng binata.

"Miss your ass..." bulong ni Tita A na marahil ay umabot din sa pandinig ni Roxanne.

Pinigilan ni Kristina na matawa nang balingan ni Roxanne ang matanda at panlakihan ng mga mata.

"And who are you? Isa ka ba sa mga lumalandi kay Jared, ha?" baling ni Roxanne sa kanya na nasa rooftop na yata sa taas ang isang kilay. Pinasadahan pa siya ng tingin mula ulo hanggang paa. Muntikan na siyang mapangiti nang bumakas ang insecurity sa mga mata nito.

"Roxanne!" saway ni Jared.

"Layuan mo si Jared, bitch!"

Uminit ang ulo ni Kristina nang duruin siya ni Roxanne. Malakas na tinabig niya ang daliri nito. "Kristina Arevalo here. Remember me?" aniya at pinantayan ang taas ng isang kilay nito.

Rumehistro ang pagkagulat sa mukha nito. "K-Kristina?"

Hindi niya alam kung ano ang iniisip ni Roxanne nang bigla itong ngumiti sa kanya. Pero kilala niya ang mga tulad nito. Maraming nakatago sa likod ng ngiting iyon.

"You're back! How are you?" Biglang naging friendly ang boses nito.

"I'm fine. And I'm back for good," nagkibit-balikat na tugon niya. She could play Roxanne's game, whatever it was.

Narinig niya ang pagsinghap ng mga empleyado na marahil ay nakikinig sa palitan nila ng salita ni Roxanne. Nanlaki naman ang mga mata ng babae.

"She will be my wife, Roxanne. I'm warning you, don't you ever point your finger at her again. Kung hindi, ako ang makakalaban mo," mariing banta ni Jared bago ipinulupot ang braso sa kanyang baywang at hinapit siya palapit. "Let's go, dear."

Hindi na umangal pa si Kristina nang akayin na siya ng binata dahil alam niyang nakatutok ang mga mata ni Roxanne sa kanila. Sa sulok ng kanyang mga mata, nakita niya ang pagtalim ng mga mata ng babae.

Nasa elevator na sila ni Jared nang humiwalay siya sa binata. Tahimik lang siya hanggang sa makarating sila sa parking lot. Umupo siya sa hood ng kotse ni Jared.

"Kristina, I—"

"Wala kang dapat ipaliwanag, Jared."

"But—"

Tinapunan niya ito ng malamig na tingin. "You are doing me a great favor, Jared, so don't worry because I'm going to make sure I give you back your freedom."

Hindi na ito nagsalita. Naisip tuloy niya kung may mali ba sa sinabi niya. Dapat lang naman na ibalik niya ang kalayaan nito, hindi ba? Huminga siya nang malalim at hinubad ang suot na sandalyas.

Napapiksi siya nang tumingkayad si Jared, iniangat ang kanyang mga paa at ipinatong sa mga hita nito.

"Let me," anito at sinimulang imasahe ang mga iyon bagaman seryoso pa rin ang mukha.

"N-no, Jared, ako na—"

"Huwag kang malikot."

Napatanga na lamang siya sa binata. Subalit tumatagos sa bawat himaymay ng kanyang laman ang init na dala ng mga kamay nito. It had been ten long years but it felt as is if it were only yesterday. She sighed and tried to clear her head.

Ilang sandali pa ay tuluyan na niyang binawi ang mga paa.

"Gusto mo bang dumaan muna tayo sa department store?" tanong ni Jared nang nakasakay na sila sa kotse nito. Nakatutok ang paningin nito sa labas at mukhang malalim na naman ang iniisip.

Ngunit wala na rin sa mood si Kristina. She just wanted to go home and sleep.

Home?

But where is home? Did she actually think of Jared's house as her home?

"H-huwag na lang tayong tumuloy, Jared. Gusto ko nang umuwi at sumasakit ang ulo ko. Pasensiya ka na, naabala pa kita."

"Okay ka lang? You need medicine?" nag-aalalang tanong nito.

She secretly studied him. Sometimes, he was so transparent that she could actually tell what he was thinking. Pero mas maraming pagkakataon na guarded ang ekspresyon ng binata at hindi niya mahulaan kung ano ang nararamdaman o iniisip nito.

"I'm fine."

"Are you sure? Wait, may drugstore malapit dito, puwede tayong dumaan doon."

"Okay lang ako, Jared."

Sa pagkagulat ni Kristina ay bigla nitong ikinulong ang magkabilang pisngi niya sa mga kamay nito at mataman siyang tinitigan. Tila hinihigop ang kaluluwa niya sa paraan ng pagkakatitig nito sa kanya habang hinahaplos ng isang kamay ang kanyang pisngi.

Mayamaya lang ay unti-unti na nitong tinawid ang distansiya sa pagitan ng kanilang mga mukha. She knew what was going to happen next. He was going to kiss her. Ano ba ang dapat niyang maging reaksiyon? Palapit na nang palapit ang mukha nito sa kanyang mukha. At bago pa man siya makapagdesisyon ay sakop na ng mga labi ng binata ang kanyang mga labi.

Nanigas ang katawan ni Kristina sa umpisa, ngunit bago pa makatutol ang kanyang isip ay kumilos na ang kanyang katawan. She opened her mouth and welcomed his invading tongue. Tumaas ang kanyang mga kamay at ikinawit ang mga iyon sa batok nito upang paglapitin pa lalo ang kanilang mga labi. Pakiramdam kasi niya ay natagpuan na niya ang kasagutan sa mga tanong na ayaw magpatahimik sa kanya. She still loved Jared. Iyon ang sagot kung bakit kumakabog pa rin ang kanyang dibdib kapag nasa malapit ito. kung bakit pamilyar pa rin ang init na dala ng bawat paghawak nito sa kaya, at kung bakit unti-unting bumabalik ang mga alaala nila na akala niya ay matagal na niyang kinalimutan.

Naramdaman niya nang saglit na matigilan si Jared dahil sa ginawa niya, kapagkuwan ay mahina itong umungol at tila sabik na sabik na itinuloy ang pag-angkin sa kanyang mga labi. Marahan lamang iyon sa umpisa; padampi-dampi, nananantiya, at ninanamnam ang bawat pagdidikit ng kanilang mga labi. Until they both tasted the sweetness of each other's lips. Lumalim ang halik na para bang sa pamamagitan niyon ay lalo nilang nalalasahan ang sarap at tamis na dulot ng panahon.

Kristina knew that after that kiss, everything would change between them. She would be putting her heart on the line once again. Well, who knows? They say love is sweeter the second time around.



Autor's note: Nakapost po ang complete story since 2017. Pero dahil nakakontrata na po ito sa Dreame ay kailangan ko nang burahin ang ibang parts. Sa Dreame na po ninyo mababasa ito mababasa nang buo. Salamat. :)

You Had Me At Hello (Completed)Kde žijí příběhy. Začni objevovat