Part 2

29.4K 851 44
                                    



"HOW WAS your day?" agad na tanong ni Jared kay Kristina nang pauwi na sila lulan ng kanyang kotse. Sa kanya laging sumasabay ang dalaga papasok sa eskuwelahan at pauwi sa bahay. On the way naman ang bahay nina Kristina sa bahay nila kaya hindi siya maaabala kung ihahatid at susunduin man niya ang dalaga araw-araw.

Si Kristina ang pinakamakulit at pinakamalambing na taong nakilala ni Jared. Natutuwa siya na siya ang napili nitong kulitin at hindi ang kapatid niyang si Milo na ubod ng charming.

Jerry Maguire nga ang drama niya sa dalaga: "You had me at hello" dahil literal na na-starstruck siya kay Kristina noong unang magkrus ang kanilang mga landas.

Matagal nang magkaibigan ang kanilang mga pamilya pero nasa high school na siya nang magkakilala sila ni Kristina dahil sa Cavite nakatira ang pamilya niya at sina Kristina naman ay sa Mandaluyong. Hindi rin niya alam kung bakit hindi agad sila nagkakilala gayong madalas ay isinasama siya ng kanyang mama kapag dumadalaw sa pamilya ni Kristina. Naging mas malapit lamang sila ni Kristina sa isa't isa nang ipasya ng kanyang mama na bumili ng bahay sa subdivision na kinaroroonan ng bahay nina Kristina.

"Fine. Ikaw, how was the game?" tanong ni Kristina. Sumimangot ito nang marahil ay maalala ang game na hindi natapos panoorin.

"Okay lang din. We won by a point."

"Jared..."

Napangiti siya sa biglang paglambing ng tono ni Kristina. "My answer is 'no.'" Base sa tono ng dalaga, alam niyang magyayaya na naman itong manood ng sine o kaya ay gumala. Kilalang-kilala niya ang dalaga para mahulaan ang iniisip nito.

"Grabe ka. Wala pa nga akong sinasabi, 'no' na agad ang sagot mo?" bulalas ni Kristina na hinampas pa siya sa balikat.

Pinigilan ni Jared na matawa. "Kasi po, Miss Arevalo, gasgas na 'yang tonong ginagamit mo. Alam ko na ang ibig sabihin niyan. So my answer is 'no.'"

Kumapit si Kristina sa braso niya. "Maganda raw 'yong movie, eh."

"See? I was right, after all," natatawang sabi niya.

"Sige na," pangungulit pa nito.

"No. Deretso tayo ngayon sa inyo at ire-review kita sa lessons mo."

Agad na nagprotesta si Kristina. "Naman!"

"Sorry, dear."

"Whoa!" biglang bulalas nito.

"What?"

"You called me 'dear'?"

"Of course. Bakit, mali bang tawagin kong dear ang girlfriend— Hey, don't cry!" gulat na reaksiyon niya nang makita ang pagkislap ng mga luha sa mga mata ni Kristina. Itinabi niya ang sasakyan at ikinulong ang makinis na pisngi ng dalaga sa kanyang mga kamay.

"Y-you love me?"

Nangingiting pinisil niya ang ilong nito. "Silly girl, of course I love you!"

"Cross your heart?"

Muli na namang natawa si Jared. Kakaiba talaga si Kristina. "Yeah, cross my heart and hope to die."

"Oh, Jared!" Tuluyan nang tumulo ang mga luha ng dalaga.

Agad niyang pinahid ang mga luha dahil ayaw na ayaw niyang nakikita itong umiiyak. Madali kasing mamaga ang mga mata nito kahit kaunting iyak lamang. Hindi rin niya gusto ang tanawin ng babaeng umiiyak. "Hey..."

Yumakap si Kristina sa kanya. "Akala ko, nakukulitan ka lang sa akin kaya pinagtitiyagaan mo ako. I love you, Jared."

Hinaplos niya ang buhok nito. "So do I, Kristina."

You Had Me At Hello (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon