Part 7

24K 1.1K 63
                                    


"WHAT?" bulalas ni Jared. Halos mabingi si Kristina sa lakas ng boses ng binata.

"Jared, listen. Hindi natin kailangang matali sa isa't isa." Huminga siya nang malalim bago nagpatuloy. "May sarili kang buhay at may sarili rin akong buhay. Huwag nating ilagay ang mga sarili natin sa sitwasyong baka hindi natin mahanap ang daan palabas."

Hindi rin maintindihan ni Kristina ang sarili dahil bago siya bumalik sa Pilipinas ay buo na ang pasya niyang magpakasal kay Jared alang-alang sa mga foundation ng lola niya. Ano ang silbi ng pagsasakripisyo niya kung maraming buhay naman ang kapalit niyon? Pero nang nagdaang gabi ay biglang nagbago ang pasya niya. Hindi pala ganoon kadali iyon.

Na-realize niya na hindi pala madaling magpakasal sa lalaking nanakit ng kanyang damdamin. Akala kasi niya ay naibaon na niya sa limot ang mga alaala ng kahapon, ngunit hindi pa pala. Bawat kilos ni Jared at bawat bagay na makita niya sa bahay na iyon ay nagpapaalala ng mga nangyari noon. Katulad na lang ng mga litrato nila noon ni Jared na tila naging center display sa sala. May mga nakita rin siyang naka-display na kung ano-anong bagay na alam niyang sa kanya nanggaling. He was really confusing her.

"Ano ang ibig mong sabihin?" nakakunot-noong tanong ni Jared, bumalik na naman ang seryosong anyo. Kaunting kunot pa ng noo at magiging mabalasik na ang hitsura nito.

"Jared, we're both aware that don't love each other. Paano kung dumating 'yong oras na makita na ng bawat isa sa atin ang taong mamahalin natin at siyang nais makasama?"

Bahagya itong umiling. "You've changed a lot, Kristina," halos pabulong na wika nito na hindi niya maunawaan kung ano ang nais ipakahulugan.

"Hindi kailangang magulo ang buhay mo, Jared."

"Paano ang mga foundation?"

"Makukuha ko pa rin ang mana ko. Iyon ang gagamitin ko para buuin uli ang mga foundation kung sakaling i-dissolve nga ang mga iyon. Isa pa, nakausap ko na si Andrew. Willing din siyang maghanap ng sponsors."

Nagtiim-bagang si Jared, dumilim ang mukha. "Mas gusto mong ang Andrew na 'yon ang tumulong sa 'yo?"

"Of course, he's a friend."

"At ako? ano ako, Kristina?"

"Ano nga ba, Jared? As far as I can remember, wala tayong obligasyon sa isa't isa. We're not even friends. After so many years na walang komunikasyon, heto tayo ngayon at naiipit sa isang last will," sabi niya. "Jared, hinahanapan ko ng solusyon ang problema natin, can't you understand?"

"Galit ka pa ba sa akin, Kristina?"

Kumunot ang kanyang noo. "Of course not! Alam kong ang tinutukoy mo ay ang nangyari noon. Believe me, wala na sa akin iyon. I was so young then... so careless. Ang dami kong kabaliwan noon dahil bata pa ako at immature. Pakiramdam ko nga, I owe you an apology."

"Stop it, Kristina! We're getting married and that's final!" Padabog na tumayo ito at naglakad palabas ng kusina.

Maang na hinabol niya ng tingin si Jared. He wasacting weird. Kunsabagay, wala siya sa posisyon para sabihing umaakto ito nangkakaiba. Paano niya masasabi iyon kung wala naman na siyang alam tungkol sabinata sa nakalipas na sampung taon. Nang mahimasmasan siya noon, tumanggi nasiyang makarinig ng kahit anong balita tungkol dito. Tila naging silent rule narin sa loob ng bahay nila na walang magbabanggit sa pangalang James RedMontecillo.



"Get ready, Kristina. Ngayon na tayo magpapa-civil wedding."

Muntik nang malaglag si Kristina sa kinauupuan nang marinig ang dumadagundong na boses ni Jared. Hindi pa niya nauubos ang kape ay nakabalik agad ito at ngayon ay bigla siyang sinabihan na magbihis dahil civil wedding na raw nila. Wala pa siyang beinte-kuwatro oras sa Pilipinas at binabalak na nga niyang bumalik sa Seattle, pero hayun ngayon ang binata at nagsabing magpapakasal na sila. Kung hindi lamang sa boses at sa seryosong anyo ay iisipin niyang nagbibiro lang ito.

"H-hindi yata tayo nagkaintindihan, Jared. Kasasabi ko lang na hindi tayo magpapakasal," alanganing sabi niya.

"Oh, yes we are. Huwag mong pairalin ang katigasan ng ulo mo, Kristina," mariing wika nito, saka sumulyap sa suot na relo. "I'm giving you ten minutes to change or else I will dress you up myself." Pagkasabi niyon ay lumabas na si Jared ng kusina.



Hala s'ya!

Nagustuhan n'yo ba? Vote na! :D

You Had Me At Hello (Completed)Where stories live. Discover now