Part 10

25.1K 634 5
                                    


"GET SOME sleep, Kristina. Mukhang mahaba-habang oras ang gugugulin natin sa traffic," wika ni Jared nang maipit sila sa mabigat na trapiko. Dadaan muna sila sa opisina ng binata dahil may aayusin pa diumano itong mahalagang papeles bago sila mamasyal. Wala siyang ideya kung saan siya dadalhin ng binata, basta ito na raw ang bahala.

"Okay, thanks. Nag-a-adjust pa nga ang katawan ko sa time difference. Pasensiya ka na kung tutulugan na naman kita, Jared." Mas mabuting matulog na lang siya para makaiwas sa binata at sa mga sulyap nito. Hindi pa rin kasi mawala sa isip niya ang nangyari kaninang umaga. He acted as if he still loved her. Pero ang higit na gumugulo sa isip niya ay ang sariling damdamin. Nalilito siya dahil parang gusto niyang umasa na talagang mahal nga siya ni Jared. Hindi mawaglit sa isip niya ang nakangiting mukha nito. At bakit ganoon ang reaksiyon ng kanyang katawan sa binata? Like she was home...

"Walang problema," nakangiting wika nito na nakatitig pala sa kanya. Bahagya pa nitong in-adjust ang backrest ng upuan niya.

Hayun na naman ang titig na iyon. Pinili na lang ni Kristina na bale-walain iyon at pilit naghagilap ng tulog.

Hindi niya alam kung gaano katagal siyang nakatulog dahil nagising na lang siya sa pakiramdam na nangangawit na ang kanyang batok. Bago pa man siya magmulat ng mga mata ay nanunuot na sa kanyang ilong ang isang pamilyar na amoy.

There was a time when she loved to sniff that particular smell.

Dahan-dahan siyang dumilat at nagulat nang matantong nakasandig siya sa balikat ni Jared. Ang isang kamay niya ay nakahawak pa sa braso nito. Parang napapasong inalis niya ang kamay sa braso ng binata ngunit hindi niya alam kung paano babawiin ang ulo sa balikat nito.

Pamilyar ang pakiramdam na iyon; pakiramdam na kay Jared lang niya naranasan. Hindi niya alam kung paano napunta sa balikat nito ang kanyang ulo. Ang natatandaan lang niya ay nakasandig siya sa kinauupuan bago nakatulog.

Dahan-dahang inalis niya ang pagkakasandal ng ulo sa balikat ni Jared.

Nakahinga siya nang maluwag nang makitang payapa itong natutulog. Tumingin siya sa labas ng bintana ng kotse. Parking lot ang kinaroroonan nila. Muli siyang tumingin sa binata. Suddenly, all the good memories she'd had with him filled her head.

Malungkot siyang ngumiti. It's so sad our relationship ended that way, Jared.

A long time ago, kay Jared lamang umiikot ang kanyang mundo. She was a stubborn young girl who always got what she wanted. Halos napabayaan niya ang pag-aaral dahil gusto niyang sundan-sundan ito. Looking back now, naisip niyang baka hindi naman talaga siya minahal ng binata at nakulitan lamang ito sa kanya noon. Pero kahit gaano kahaba ang pasensiya ng isang tao ay may hangganan din. Napuno na marahil si Jared sa katigasan ng kanyang ulo kaya nakipaghiwalay ito sa kanya.

Maingat na pinahid ni Kristina ang mga luhang naglandas sa kanyang mga pisngi. She thought she was completely over Jared. Ngunit bakit pakiramdam niya ay isang nahihimbing na damdamin ang unti-unting nagigising sa pagkatao niya? After all those years, why did she still feel at home with him? As if she still knew him and—

"Gising ka na— Hey, are you crying?"

Napaigtad si Kristina nang marinig ang boses ni Jared. Naaktuhan siya nitong nagpapahid ng mga luha. And, oh, God! Parang hinaplos ang kanyang puso ng pag-aalala sa tinig nito.

She forced a smile. "Ahm, m-may pumasok na pilik sa mata ko, na-irritate kaya naluha ako." Gusto niyang palakpakan ang sarili sa maayos na pagkakabitiw ng linyang iyon.

"Let me see," ani Jared at inilapit ang mukha sa kanya upang matingnan ang kanyang mata. Napakalapit ng mukha nito sa kanya at nagdudulot sa kanya ng kakaibang pakiramdam ang mainit na hininga nitong tumatama sa balat niya. She suddenly wished he would kiss her.

"I-I'm okay, Jared. Don't—"

"Sshh... Huwag kang gumalaw," anito at may kinuha sa gilid ng kanyang mata. "There!"

"Muta?" biro niya upang pagaanin ang sitwasyon.

Natawa ang binata. Tuwina ay namamangha siya sa tawang pinakakawalan nito. Parang bumabata ito kapag ganoong tumatawa. "Silly," anito at ipinakita sa kanya ang isang piraso ng pilik-mata sa dulo ng hinlalaki nito.

"Jared!" bulalas ni Kristina nang bigla siyang kabigin nito at yakapin nang mahigpit, na para bang gustong iparamdam sa kanya ang mahabang taon ng pangungulila sa kanya. At nagtagumpay ang binata dahil tila tumatagos sa puso niya ang pagyakap nito sa kanya.

"Please... let me hold you, Kristina, my dear," wika nito sa basag na tinig.

She sighed. Hinayaan na lamang niya si Jared. Nagtatalo ang loob niya kung yayakap din ba siya rito. Sa huli ay pinili niyang huwag na lang. Mabuti na iyong naguguwardiyahan niya ang sarili.

"Jared..."

"Yes, dear?"

Dear. Iyon ang tawag niya sa akin noon. Bagaman nagulat sa endearment na ginamit ng binata, pinili ni Kristina na bale-walain na lamang iyon. "Baka mapisa na ako sa higpit ng yakap mo. Para kang sawa kung makalingkis, eh."

Malutong na tawa ang pinakawalan ni Jared. She couldn't help but stare at him as he laughed mirthfully. Punong-puno ng buhay ang tawang iyon.

"It feels so good to laugh again, Kristina," wika nito nang humupa ang damdamin.

Ano ang ibig nitong sabihin? Ngayon lamang ba uli ito tumawa nang ganoon? What happened when she left?

"Kristina..." Hinagilap ni Jared ang kanyang kamay at tinitigan siya.

"W-where are we?" Ibinaling niya ang tingin sa labas ng kotse upang makaiwas sa matamang pagtitig nito sa kanya. Nang mga sandaling iyon ay napakalakas ng pagtambol ng kanyang dibdib.

Nagpakawala ito ng buntong-hininga. "Nandito na tayo sa office."

Mabilis na nakalabas ito ng sasakyan at ipinag-bukas siya ng pinto. He offered his hand to her and she accepted it. Akala niya ay aalalayan lamang siya ni Jared na bumaba ngunit hindi na nito binitiwan ang kanyang kamay hanggang sa makapasok sila sa building. Bahagya pa nitong idinuduyan ang magkasalikop nilang mga kamay. Hindi nakaligtas sa kanya ang namamanghang tingin ng mga empleyado nito.

"Dito na lang ako, Jared. You go to your office, I'll wait here," ani Kristina nang mapansin ang makatawag-pansing gallery sa dulo ng lobby. Maraming naka-display na modelo at designs ng bahay roon. Gusto niyang makita ang mga iyon sa malapitan.

"No, dear. It will be more comfortable in my off—"

"You go ahead. I'll keep myself busy," aniya na itinuro ang nakita.

"Okay. It won't take long." Binitiwan na ni Jared ang kanyang kamay kaya ang akala niya ay aalis na ito. Ngunit nanatili ito sa harap niya at unti-unting itinaas ang isang kamay papunta sa kanyang pisngi. Nailang siya nang hawiin nito ang ilang hibla ng buhok niya roon at iipit iyon sa likod ng kanyang tainga, pagkatapos ay dinampian ng halik ang kanyang pisngi. Sa sulok ng kanyang mga mata, hindi nakaligtas sa kanya ang kinikilig na mga empleyado nito. Pinisil na lang niya ang ilong ng binata bilang ganti sa pagkapahiyang naramdaman. Pero aminin man niya o hindi ay kinilig siya sa iginawi nito.

Sisipol-sipol na pumasok na si Jared sa opisina nito na animo may isang napakalaking business deal na naisara.

Nagkibit-balikat si Kristina at saka tinungo ang gallery. Mas magaganda nga sa malapitan ang mga modelo ng bahay na naroroon. May European style, Asian, Western, Spanish, Italian ang mga naroon. At sa bawat modelo ay makikita pa rin ang tatak Pinoy. Hindi nawawala ang mga kahoy at native crafts na tanging sa Pilipinas lamang makikita.

Maganda ang bawat isa at wala siyang itulak-kabigin kung disenyo ang pag-uusapan. At lalo siyang namangha nang makita ang pirma sa karamihan sa mga iyon: JRMontecillo. Hindi na siya magugulat kung isa na si Jared sa mga kinikilala sa larangan ng arkitektura sa bansa. Kunsabagay, noon pa man ay nakita na niya ang potensiyal nito. Masipag at may dedikasyon ito kaya hindi nakapagtatakang matagumpay na ngayon.


:D

You Had Me At Hello (Completed)Where stories live. Discover now