Part 9

23.9K 745 19
                                    


"GUSTO mong sumama sa office?"

Ang nakangiting mukha ni Jared ang bumungad kay Kristina nang magmulat siya ng mga mata.

"Good morning," wika ni Jared at mula sa likuran ay inilabas ang isang tangkay ng pulang rosas. Nakangiting lumapit ito sa kanya at hinalikan siya sa pisngi. "Come on, get up. Let's have breakfast together."

Napansin ni Kristina na mula nang magkasundo silang maging magkaibigan ay lagi nang nakangiti at nawala na rin ang seryosong anyo ni Jared. Alam kaya ng binata na napaka-charming at pleasant ng hitsura nito tuwing ngumingiti ito?

Maraming bagay ring ginagawa si Jared na hindi niya alam kung normal lang iyon dito, tulad ng maya't mayang pagtawag sa kanya upang tanungin siya kung hindi ba siya naiinip o kung kumain na ba siya. Hindi rin ito pumapalya sa pagbibigay sa kanya ng kung ano-anong pasalubong pagkagaling ng opisina. At sa umaga naman ay ito pa ang gumagawa ng sandwich niya. Madalas din niyang mahuli itong nakatitig sa kanya.

Hindi ganoon katanga si Kristina para hindi mag-isip ng kakaiba sa mga ikinikilos ni Jared. May mga ideya ring pumapasok sa isip niya, iyon nga lang ay pilit niyang ipinagwawalang-bahala at ipinagkikibit-balikat ang mga iyon.

"Ano'ng gagawin ko sa opisina mo?" Umupo siya sa kama at kinuha ang tali sa buhok.

Kinuha ni Jared ang tali sa kanyang kamay at ito na ang nagtali ng magulo niyang buhok. "Actually, dadaan lang tayo sa office. Ang plano ko talaga ay mamasyal tayong dalawa. Naisip ko na hindi pa pala kita naipapasyal mula nang dumating ka."

Napaigtad si Kristina nang maramdaman ang paglapat ng kamay nito sa batok niya. Noon kasi ay gustong-gusto nitong paglaruan ang balahibong pusa niya sa batok. "O-okay." Naiilang na tumayo siya at tinungo ang banyo.

Mabilisan siyang naligo. Akala ni Kristina ay lumabas na ng silid si Jared ngunit paglabas niya ay nakadapa ito sa kama habang nakatutok ang mga mata sa TV screen at nanonood ng basketball. Nag-init ang kanyang mga pisngi nang makita itong yakap pa ang unan niya. "Ano 'yan?" tanong niya.

"FIBA Asia," sagot nito bago bumaling sa kanya. Hindi nakaligtas sa kanya ang ilang ulit na paglunok nito nang makita siya. Nakaroba pa kasi siya na hanggang kalahati lamang ng hita niya ang haba kaya kitang-kita ang mapuputing hita niya.

Pilit na lang niyang iniignora ang malagkit na tingin nito sa kanya. Sinulyapan niya ang TV screen. "Alam kong basketball 'yan, Jared. What I mean is, bakit dito ka sa kuwarto ko nanonood? At saka, 'di ba, sasama ako sa iyo sa office? Bakit hindi ka pa ready?"

"Wala lang. Come here," ani Jared na tinapik ang espasyo sa tabi nito.

Lumapit si Kristina ngunit hindi siya sa kama umupo kundi sa carpeted na sahig. Nanood na rin siya. Second round na pala iyon ng FIBA Asia Championship at kasalukuyan ay ang koponang Chinese Taipei ang kalaban ng team Philippines.

"Who's that?" tanong niya na ang tinutukoy ay ang lalaking nag-shoot ng bola.

"That's JV Casio. He's a very good outside shooter. And that man is Jimmy Alapag, a great point guard. That's Chris Tiu..."

Sinulyapan niya si Jared. Tutok na tutok ang mga mata nito sa screen. Naalala tuloy niya ang panahong naglalaro ito ng basketball.

"N-naglalaro ka pa ba?" tanong niya mayamaya.

"Minsan, pero bihira na lang. Ewan ko, mula nang mawalan ako ng cheerleader, nabawasan na rin ang gana kong maglaro."

Nahigit ni Kristina ang hininga dahil sa sinabi nito. Nagpaparinig ba ito sa kanya? Gusto bang sabihin ni Jared na mula nang umalis siya ay nawalan na rin ito ng ganang maglaro?

"Sa tingin mo, may pag-asa ang Pilipinas? 'Di ba, ang top three sa FIBA Asia ay automatic na kasama sa qualifying match para sa London Olympics ngayong twenty-twelve?" pag-iiba niya sa usapan.

Nagpakawala ng hininga si Jared, siguro dahil hindi niya pinatulan ang pagpaparinig nito. "Malaki ang chance ngayon. We have a powerhouse team, although it's true that we lack the height compared to other teams. But then it would be a great milestone for us to make it past the first round of the tournament. 'Pag natalo natin ang Chinese Taipei, pasok na tayo sa quarterfinals and then we'll face team Jordan. We rank second now, the Chinese team tops the list."

"Wow," aniyang tumango-tango.

Ilang sandali pa ay tumayo na si Kristina at tutunguhin na sana ang walk-in closet ngunit isang malakas na puwersa ang humila sa kanyang kamay dahilan para bumagsak siya sa kama at mapaibabaw sa katawan ni Jared na noon ay nakatihaya na.

"J-Jared..." Kumakabog ang dibdib na itinukod niya ang mga kamay sa dibdib nito para hindi tuluyang maglapat ang kanilang mga katawan.

Ang kamay ng binata na nakahawak sa kamay niya ay itinaas nito at marahang humaplos sa kanyang pisngi habang ang isang kamay ay pumulupot sa kanyang baywang. Matamang nakatitig sa kanya ang mga mata nito at tila tumatagos hanggang sa kanyang kaluluwa.

Nalilitong iniiwas ni Kristina ang tingin dahil pakiramdam niya, anumang sandali ay bibigay ang katatagan niya. Hindi rin niya nagugustuhan ang naging reaksiyon ng katawan sa posisyon nilang iyon ni Jared.

Inipon ni Kristina ang lahat ng lakas para makalayo sa binata. Parang hinahabol ng multo na lumabas siya ng kuwarto. Kung hindi siya lalayo kay Jared ay siguradong hindi lamang ang katatagan niya ang bibigay kundi pati ang kanyang katawan.



Thank you for reading! :D

You Had Me At Hello (Completed)Where stories live. Discover now