Chapter 4: Save by Her..

5K 108 1
                                    

YASMIN'S POV

Napadilat ako ng mabuhusan ako ng malamig na tubig.

"Miss gising na" nakangising sabi nito. Pilit akong nagpumiglas pero mahigpit ang pagkakatali nila sakin.

"Hayop kayo, pagnakawala ako dito papatayin ko kayo" galit na sabi ko.

"Talaga ba? bago mo magawa yun patay kana hahahah!" Tumawa ito na parang baliw kaya dinuran ko ito sa muka..

"Talagang gusto mong masaktan ah" nakangising sabi nito at sinuntok ako sa muka.

"Tsk! Ang hina naman!" Pangaasar ko rito.

"Maghintay ka lang" ngumisi ang isa sa kanila..

"Lalamugin ka muna namin at si boss na ang papatay sayo" napatawa ako sa sinabi niya.

"H-Hindi niyo k-kaya" Pangaasar ko at dumura ng dugo, sinutok niya ako sikmura na sinundan pa sa binti kaya napahiyaw ako sa sakit.

"Wag mo akong susubukan" galit na sabi nito at malakas akong sinampal.

Galit na hinatak niya ako patayo at malakas na itinulak..

Tumama ang likod ko sa pader ngunit hindi ko pinahalata na napuruhan ako, saka sanay na ako sa ganito.

"Y-Yan lang ba ang kaya niyo ha!" Sambit ko sa kanila kaya agad akong sinugod ng isa ay pinaulanan ng suntok at sipa.

"Matapang ka ha!" Mayabang na sabi ng isa.

"Lamog kana pagdating nila" tumawa ito ng tawang demonyo at tinuhuran ako.

Napadura na ako dugo at mas dumami ang pasa.

Narinig kong ang tunog ng bakal at napagtantong tubo iyon. Napangiti ako, ilang beses na ba akong nalagay sa ganitong posisyon? Maraming beses na!

"Argghhhh!" Napahiyaw na ako sakit ng ihampas nila ito sa akin ngunit nauwi parin sa ngisi ang labi ko.

"Matapang ka talaga ha!" Sabi ng isa at hinampas ako ng tubo.

"Arghhhhh!"

Napayuko ako at tuluyan ng napaluhod.

Hindi na kaya ng katawan ko, anumang oras ay bibigay na ako, baka mamaya ay matigok na ako, sa buong buhay ko lahat ay dinaan ko sa biro, sa saya kasi ayaw ko ng malungkot na buhay. Palaging nakangiti pero ngayon hindi ko na magawa.. Dahil sa panghihina ngunit gayon pa man ay pinilit ko parin na ngumiti at humarap ako sa kanila.

Taas noong ngumiti ako sa kanila, akmang hahampasin ako nito ngunit may humawak sa braso niya kaya nanlaki ang mata ko.

Babae ito, nakahood na jacket. Hindi ko makita ang muka niya sa sobrang bilis niyang gumalaw, sino sya?

"Sugurin sya!" Sigaw ng isang lalaki.

Napakabilis ng galaw niya, tila alam na niya ang susunod na atake ng kalaban. Sa hubog ng katawan niya ay makikita mo na ang napakagandang katawan nito na halatang alagang alaga.

Akmang sasaksakin sya ng lalaki ngunit sinipa niya ang kamay nito dahilan para tumilapon sakin ang kutsilyo, kinuha ko ang pagkakataon at inabot ang kutsilyo.

Pinilit kong abutin ito sa kabila ng sakit ng aking katawan. Nang makuha ko ito gamit ang mga paa ko ay agad kong inabot ito ng aking kamay.

Shit! Kailangan kong maputol to ng mabilisan.

Pinaglatuloy ko lang ang pagabot sa lubid at nang maabot ito ay pinutol ko agad ang lubid at sinunod ang lubid sa aking mga paa.

Sa wakas makakaalis na ako pero pano ang babaeng ito, hindi ko na sya kayang tulungan dahil anumang oras ay tutumba na ako..

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now