Chapter 46: Second Target

2.9K 72 0
                                    

AYAKO's pov

Naligo na ako at nagbihis, 8:30 na kailangan kong magmadali. Bumaba na ako at tinawag ang bagong maid na nakalaan para kay Angelo na ngayon ay tulog pa rin.

"Bantayan mo sya, wag palalabasin at pakainin mo sya sa tamang oras." Bilin ko at tumango naman sya.

"Baby" tawag ni Tecca.

"Nagmamadali ako, malelate na ako sa meeting ko. Hope you understand, babe" sabi ko rito..

"Its okay! Basta lunch umuwi ka, ako na ring bahala kay Angelo." tumango naman ako at bignigyan sya ng smack kiss at lumabas na para sumakay na sa sasakyan ko.

Nagkausap na kami ni Recca about sa pagampon ko kay Angelo, hindi naman sya against don kaya hindi ako nahirapan. In fact pabor pa nga sya dahil gusto na rin niyang magkaanak lalo ma ngayon na hindi ko pa sya mabibigyan dahil hindi pa kami kasal at may mga problema pa. Nangako din sya na mamahalin ay itatrato niya si Angelo na parang tunay na anak. Nakakatuwa oo, kaya laking pasasalamat ko kay Recca at naindintihan niya.

"Good morning ma'am" bati nila nang makarating ako at nginitian ko lang.

Dumiretso agad ako sa Conference room. 8:59 sakto..

"Good morning" bati ko at napahinto ng mapansing si Mr. Sandi lang ang nandito at ang secretary niya.

"Good morning Ms. Winston" bati nito pabalik.

"Good morning Mr. Sandi! Long time no see, bakit kayo lang! Nasan ang iba." Tanong ko at sisigaw na sana para ipatawag ang mga late pero nagsalita ito..

"Masaya ako at nagbalik kana Ms. Winston, alam mo na. Ikaw lang naman kasi ang totoo sakin, lahat sila ay pera ang habol sakin!" saad nito at natawa..

"Bakit Mr. Sandi, pera lang ba ang habol nila sayo! Well kung ganun. Masama na yan! Kasi lahat na pala" biro ko at bahagyang natawa.

"Haha! Tama ka, kaya nagpaset agad ako ng Meeting para sana makipagtulungan sayo Ms. Winston!" Nagtaka naman ako sa sinabi niya..

"Anong sinasabi mo?" Tanong ko

"Matanda na ako, nais kong ipamana lahat sa anak ko. Hindi ako nagpunta rito para sa negosyo. Nais kong pag namatay ako, hindi mapunta sa mga mukang pera na kamag anak ko ang lahat." sabi nito at natawa ng mapait..

"May taning na ang buhay ko Ms. Winston. Hindi ko na kayang tapatan ang mga hayop na mukang pera na yun.." Saad nito at naupo.

"Granted, makakaalis kana Mr. Sandi.." Saad ko rito at ngumiti..

"Salamat.." Sabi nito at umalis na sila..

Hays.. Bakit ba ako pumayag!? Tsk! Masyado akong mabait pagdating sa mga nangangailangan.. pero wala namang masama ron hindi ba.. Basta nakakatulong ka.

Kring..

"Atty. Acosta.. Pumunta ka rito.. Now"

[Ok ma'am]

Toot! Toot! Toot!

Lumabas na ako at nagtungong opisina ko..

"Ma'am.. Makulit po talaga si Mr. Gomez--"

"Stop talking Ms?" Saad ko rito.

"Ms. Valmadrid"

"Ms. Valmadrid tell to Mr. Gomez i dont want to have a fucking meeting with him! Understand?" Tanong ko rito at tinignan sya..

"Yes ma'am.." Sagot nito at lumabas na at ako naman ay pinagpatuloy na ang ginagawa..

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now