Chapter 8: Cold as Ice

4.4K 113 0
                                    

AYAKO'S POV

Nagising ako sa puting kwarto, nasa hospital ako ng university.

"Lady Ayako gising kana pala" nakangiting sabi ng nurse.

"Dalawang araw kana dito, ang tagal mong matulog" dagdag pa nito. Dalawang araw?

"G-ganun ba" sagot ko at ngumiti..

Si Yasmin, kailangan kong syang puntahan.

"Aalis na ako" dahan dahan akong tumayo ngunit pinigilan ako ng nurse..

"Hindi pa po pwede, sariwa pa ang mga sugat niyo" nagaalalang sabi nito.. Nginitian ko lamang sya..

"Aalis na ako, thanks for your concern.." Tuluyan na akong nakatayo at lumabas na. Rinig kong sumigaw pa ito.

Iika ikang naglakad ako palabas ng hospital, lahat sila nakatingin sakin. Ang iba ay galit, natutuwa, naaawa, nalulungkot, well i dont care!

Nang makarating akong dorm ko ay naligo agad ako at nang matapos maligo ay nagsuot lang ako ng sando at Jacket na may hood, ang pang ibaba naman ay legins saka ako nagsuot ng highcut rubber shoes. Ok na to para hindi makita ang mga sugat at pasa ko although its still hurts because i'm moving at dahil narin nakadikit ang suot kong damit sa mga sugat at pasa ko.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na. Agad akong tumungo sa Parking lot at sumakay sa kotse ko.

Pinaharurot ko ito patungong hospital, hindi na ako nagpaalam kay headmaster dahil alam kong hindi sya papayag.

Wala pang limang minuto ay nakarating nako, agad akong nagpark at pumasok sa loob ng Hospital.

Tinungo ko ang kwarto ni Yasmin, dahan dahan ko itong binuksan. Tulog na ito at nasa gilid niya si kirth na tulog na rin at halata ang pagod sa muka. Si Reiner at Monize ay ganun din. Hanga rin ako kay kirth at natitiis niya to.

Napatingin ako sa Mini drawer na nasa gilid ng kama niya, mukang kinain nga niya lahat ng prutas at crackers o baka naman sila ang kumain -_-

Hindi na ako nagabalang gisingin pa sya bagkus ay nagsulat ako sa isang papel at dahan dahan itong inilagay sa Ilalim ng unan niya.

Matapos nun ay tumalikod na ako. Ang sakit sobra, parang nauulit yung nangyari noon eh, that's why i hate love. Maraming nasasaktan sa Love!

Lumabas na ako at nagkasalubong naman kami ni Recca na nagtataka sa suot ko.. Kapag minamalas ka nga naman oh! Tsk!

---

RECCA'S POV

Nakatingin lang ako sa suot suot ni Ayako, bukod pa don ay iika ika rin itong maglakad, may nangyari ba sa kanya? Sa university na hindi ko alam?

"Ayos ka lang? Bakit balot na balot ka? Bakit iika ika ka? Di kaba muna mananatili dito?" Sunod sunod kong tanong sa kanya.. Nakayuko lang ito..

"Ayos lang ako, at wala kang pake kung balot na balot ako" malamig na sabi nito na ikinagulat ko. Bakit ganyan sya? Bakit ang cold niya?

"At....."

"Bakit pa ako mananatili dito? Wala namang importante dito!" Naginit ang ulo ko sa sinabi niya..

Hinawakan ko ng mahigpit ang braso niya, napansin kong napadaing ito ngunit hindi ko yun pinansin dahil sa galit ko..

"Walang importante! Anong tawag mo kay Yasmin ha! Hindi ba sya importante sayo!?" Napasigaw na ako kaya napatingin lahat samin ang nagdadaan..

"Ano sumagot ka! Bakit hindi ka makasagot! Totoo nga! Yan talaga siguro ang totoong ikaw! Plastik!" Galit na sabi ko rito..

"Oo, kahit kelan hindi ko sya i-itinuring na kaibigan" malamig na sabi nito, napahigpit naman ang hawak ko sa braso niya dahilan para mapaawang ang bibig nito..

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now