Chapter 28: Everything has changed

3.7K 86 1
                                    

RECCA's pov

2 years later ....

Nakaupo ako ngayon sa swivel chair ko at iniinom ang alak ko habang inaalala ang lahat..

Flashback...

"Ayako, nasan si Ayako?" Galit na sigaw ko sa kanila..

"Patay na sya hahaha-- akkkk"

Hindi ko na ito pinatapos at pinatay na sya..

"Patay kana Tanda!" Galit na sambit ko.

Inilibot ko ang tingin ko sa paligid, mamaya ay sasabog na ang building na to, kailangan kong mahanap si Ayako..

Napadako ang tingin ko sa babaeng nakaupo at may kausap.. Napaigting ang bagang ko ng mapagtanto kong si Ayako ito at si Bianca.. Hayop wag na wag lang niyang mahawakan si Ayako kahit isang dampi..

Pupunta na dapat ako don pero hindi natuloy dahil sa paggbasak ng mga biyak na bato. Napamura ako at agad na naghanap ng daan, nang makahanap ay agad akong tumakbo don..

Lahat kami ay natumba ng sumabog ang kalahating parte ng gymnasium.

"Recca! Umalis na tayo!" Sigaw ni Reiner at hinatak ako ngunit tinulak ko lamang sya!

"Si Ayako! Kailangan ko syang iligtas" galit na saad ko sa kanya..

"Sasabog na ang lugar na to! Kailangan na nating umalis halika na!" Saad nito at pinigilan akong pumunta kay Ayako..

"Kung si Ayako ang tatanungin, mas pipiliin niyang ikaw ang maligtas kesa sya! Parang awa mo na, umalis na tayo dito!"

"AYAKO!" Sigaw ko at nagpumiglas pero hindi ko kaya dahil narin sa sobrang panghihina..

"Umalis na tayo!" Saad nito tuluyan na akong nahatak!

"Bitawan moko!" Tumulo ang luha ko sa mata at tuluyan ng nakalabas ng Gymnasium.

Boom!

Nanghina ang tuhod ko at tuluyan ng napaluhod ng sumabog ang Building..

Ayako! Mahal ko patawad kung di kita naligtas.. Mahal na mahal kita..

"Argghhhhhhhhhhhhh!" Sigaw ko sa sobrang galit sa sarili! Hindi ko dapat sya iniwan don! Dapat ay sinamahan ko sya, dapat hindi ko sya hinayaang magisa!

"R-recca" tawag sakin ni Bianca.. Traydor sya! pero alam kong hindi gugustuhin ni Ayako na magalit ako sa kanya...

"Pinapasabi n-ni Ate na.. Mahal na mahal ka niya!" Umiiyak na sabi nito..

"Patawarin niyo ako! Hindi dapat ako naniwala sa matanda na yon! Patawad, sana mapatawad niyo ako! Ta-tanggapin ko kahit anong iparusa niyo, kahit ano!" Pagmamakaawa nito..

Tumayo ako tinignan sila isa isa.. Wala na ang mahal ko, wala na ang babaeng pakakasalan ko, wala na ang babaeng dapat ay ina ng mga anak ko, wala na ang babaeng dapat ay makakasama ko habang buhay at kasalanan ko yun, dahil hindi ko sya nailigtas!

"H-hindi gugustuhin ni Ayako ang magalit kami sayo, magpasalamat ka at mabuti syang tao" Monize at umalis na.

"Ka-kasakanan ko, kasalanan ko" wala sa sariling sabi ko at napaiyak nanaman..

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now