Chapter 10: The Twins and Confession

4.9K 130 3
                                    

AYAKO'S POV

"Ok class, Open na ang mga Club na sasalihan niyo at bawat club ay may mga booth na gagawin. Not just a normal booth, make it more exciting and unique. Next month na ito gaganapin, maraming events na magaganap" paliwanag ng prof namin.

Here we go again, Bulungan everywhere. -_-

"And also the special event" lahat sila ay natahimik nang banggitin ang special event na yun.

What's with that special event? Ang alam ko lang naman sa unibersidad na ito ay karamihan assassins, reapers, gangsters and child of mafioso't mafiosa ang nagaaral at ang pagiging maganda ng kalidad ng pagtuturo.

Matapos nun ay nag discuss pa ito at umalis na. Nagsitayuan na sila at lumabas.

Kinuha ko ang bag ko at lumabas na saka nagtungo sa Cafeteria, magaling galing na ang sugat ko kaya nakakapaglakad na akong ng maayos.

Umorder na ako at naupo sa bandang dulo. Vegetable salad lang ang inorder ko, hindi naman kasi ako malakas kumain. Maliban nalang pag gutom -_-

Naglakad lakad muna ako ng magring ang phone ko..

[Hellow lady Ayako]

Yes?

[May nagpadala po ng invitation sa inyo.. Nasa dorm niyo na po ito]

Ok thanks. By the way, magtransfer kayo ni Joshua rito. May nakapasok rito na espiya, mukang alam na nila na nandito ako.

[Masusunod po]

Toot! Toot! Toot!

Pinatay ko na ito, nitong mga nakaraan ay madalas akong nakakaramdam ng kakaiba, tila may nagmamasid sakin at tila ba pinapanuod ang bawat galaw ko at alam kong marami sila.

Bumalik na ako sa dorm ko. Nakita ko ang Invitation sa center table sa sala at kinuha ito..

Red envelope with Gold linings... If i'm not mistaken this color representing the trio. Agad ko itong binuklat.

Dear, Demon Queen

          Hinahamon ka namin sa isang labanan. Lunes ng gabi 10 pm, sa underground. Aasahan namin ang pagdating mo.

-Trio

Ngayon nalang ulit may naglakas loob na maghamon sakin, well pagbigyan natin..

Wala pang nakakakita ng muka ko, even bianca and Joshua. Nakakapagbigay sila ng sulat because of bianca, alam nilang kanang kamay ko ito ngunit hindi rin nila nakikita ang muka nito at kilala nila ito as Fiera not bianca. Its for bianca's safety.

Although may nakakita na ng muka ko pero hindi nila alam na ako ang Demon Queen.

Lumabas na ako at naglakad lakad uli, hinahayaan ko lang ang paa ko na dalin ako sa kung saan hanggang sa mapadpad ako sa isang lumang building, may ganito pala dito.

Pumasok ako sa loob, malikabok rito at gulo gulo ang bawat room. Nagpatuloy lang ako sa paglakad habang sinusuri ang kabuuan ng paligid..

Mukang matagal na ang gusaling ito. luma na ito pero maganda parin ang mga kagamitan rito at matitibay pa, maalikabok nga lang talaga at puro sapot na.

Habang naglilibot ay nakarating ako sa ikalawang palapag. Nakarinig ako ng kaluskos, kaya naman napatingin ako sa paligid.

Ramdam kong may papalapit na kung anong patalim sakin.

Imbis na saluhin ay iniwasan ko ito.. Nakarinig ako ng palakpak sa kanan ko at sa kaliwa..

"Great" boses ng lalaki.

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now