Chapter 6: Misunderstanding

4.7K 113 1
                                    

RECCA'S POV

Bumalik na ako sa Kwarto ni Yasmin, naabutan ko yung dalawang ugok na tulog. May napansin naman ako sa Mini drawer sa gilid ng kama ni Yasmin.

May nakapatong na prutas rito at may sticky note. Agad akong lumapit don at kinuha yun saka binasa..

           Umalis na ako, babalik na ako sa University.. Hindi rin kasi ako pwedeng magtagal at pakisabi kay Yasmin pagkagising niya magpagaling sya agad at kainin ang mga pagkain na binili ko. Babalik nalang siguro ako sa susunod na araw.

- Ayako :)

Hanggang dito talaga may smiling face, palangiti talaga sya. -_-

Tinago ko ang note na yun sa bulsa ko at naupo nalang.

"Oh, wala parin si Ayako?" Biglang sulpot ni Monize.

"Kakaalis lang niya" malamig na sabi ko..

"Ok, by the way! Patay na ang leader ng Armor gang" hindi na ako nagulat sa sinabi niya.

"ANO?! P-paano-- Aray! Bakit kailangang mangbatok" kanina lang tulog ang mokong na yan, Si Kirth lang naman..

"Hinaan mo boses mo" inis na sabi ni Monize..

"Wengya! Natutulog ako istorbo kayo" inaantok pa na sabi ni Reiner..

"Ano bang meron ha! At kung makatili ka dyan Kirth para kang bading" nanlaki ang mata ni kirth sa sinabi niya..

Napatawa nalang ako sa loob loob ko, kahit kailan talaga tong dalawang ugok na to. Aso't pusa.

"Ako? Bakla? Lalaking lalaki ata to!" Pagmamayabang nito at pinakita ang muscle niya sa braso..

"Wow meron ka pala niyan Kirth yieeeee" lahat kami ay napatingin sa babaeng nagsalita..

Si monize at reiner ay nagulat at ako wala lang, anong nakakagulat dun.. -_-

"Y-yasmin" seryosong sabi ni Kirth habang nakatingin kay yasmin na nagtataka sa itsura niyang paiyak na..

"Oo ako nga! Gosh! Sinaniban kaba?" Hinawakan pa nito ang noo ni Kirth. Nagulat naman ito ng yakapin sya ni kirth at nagiiyak..

"Pinagalala mo ako, akala ko di kana magigising, akala ko mamatay kana-- aray! Bakit mo ako binatukan!" Aruy! Sira ang moment tsk tsk..

"Ang drama mo hmmp.. Alam mo namang ayaw ko sa malulungkot diba at saka ang masamang damo ay matagal mamatay" nagcross arm ito at inirapan sya..

Hay nako! Nagiging story teller na ako.. Bahala na nga sila dyan..

---

KIRTH'S POV

"Ang drama mo hmmp.. Alam mo namang ayaw ko sa malulungkot diba at saka ang masamang damo ay matagal mamatay" sabi nito at nagcross arm, inirapan pa ako..

"Pero...."

"Thank you" bigla niya akong niyakap.. Napangiti ako at kinikilig haha!

"Wala yun ikaw pa! Saka sayo lang to" pinakita ko pa ang muscle ko kaya namula ito..

"Tama na yan! Ang corny niyo" biglang singit Monize..

"Bitter si ate-- aray! Kanina kapa ah" natawa naman sila maliban kay Recca, ano pa aasahan mo.. Malamig pa sa yelo yan eh..

"Di ako Bitter no!" Inirapan ako nito..

Magsasalita pa sana ako ng magsalita na si Recca..

"Enough! Uulitin ko, patay na ang leader ng Armor gang"singit ni recca, nanlaki naman ang mata ni Reiner.

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now