Chapter 16: Saving Ayako

4.1K 83 0
                                    

AYAKO's pov

Nakatali lang ako dito habang nakatingin sa kanila... Bugbog na bugbog na ako, rinig ko na rin ang pagsabog sa labas ng building..

Sino naman kaya ang kalaban nila?

"ANO KAYA PA! HAHAH! MAMATAY KANA!"

Sinampal ako nito ng dalawang beses at saka sinuntok.. Tumulo ang dugo ko sa sahig..

Sinubukan kong tanggalin ang lubid sa kamay ko, natagalan ako bago ito tuluyang matanggal..

Bigla akong tumumba ng sipain nila ako.. Tumama ang likod ko sa pader kaya napadaing ako. Nanatili parin ang mga kamay ko sa likod ko para di sila makahalata..

Bakit nga ba hindi ako lumalaban? Dahil ba natatakot ako na makahalata sila? Haha! Sa pagkakaalam ko wala akong kinatatakutan! Saka ano naman kung makahalata sila?

"Napakaswerte mo kasi buhay ka pa! Ano kayang magiging reaksyon ng señorita kapag nalaman niyang ang babaeng mahal ng mahal niya ay mamatay na!" Dinuraan ko ito sa muka at ngumisi..

Napaatras ito at nanlaki ang mata..

"Hayop ka!" Sinampal ako nito..

Napangiwi ako sa sakit..

"Matagal na!" Nagulat ito ng tumayo ako..

"Next time kapag igagapos niyo ako dapat pati sa paa" sabi ko sa kabila ng panghihina..

Sinugod ako nito at pinaulanan ng suntok na nailagan ko, maya maya pa ay dinampot niya ang tubo at inihampas sakin ngunit nahawakan ko ito..

Inikot ko ang tubo kaya namilipit ito sa sakit ng napilipit ang braso niya, tinadyakan ko ito dahilan para matumba sya.

Kinuha ko ang bangko na kinalalagyan ko kanina saka sya hinampas..

Biglang namang bumukas ang pinto at dumating ang dalawang lalaki na malalaki ang katawan..

"Hindi ka makakatakas!" Sigaw ng nakashades at sabay nila akong sinugod.

Tuloy lang ako sa pikikipaglaban.. Kinuha ko ang tubo kanina saka hinampas sa ulo niya kaya nakatulog ito..

Sinipa ako ng isa kaya napaubo ako ng dugo.. Inayos ko ang tayo ko at saka ko sya sinuntok ng malakas.

Nakatulog ito pati ang kasama niya kanina, habang ang isa ay namimilipit parin sa sakit.. Kinuha ko ang dagger ko sa sapatos ko at nilaro ito sa mga daliri ko..

"Kasasabi ko lang kanina. Matagal na akong hayop, mas masahol pa sa hayop" namutla ito at tuluyang nawalan ng buhay ng ihagis ko ang dagger ko..

Agad akong lumabas at nagmasid sa paligid.. Kailangan kong makaalis dito..

Pinagpatuloy ko lang ang paglakad, nanlalambot na ang tuhod ko at ano mang oras ay tutumba na..

Agad akong nagtago sa gilid ng makarinig ako ng yabag ng mga paa.

Dalawang lalaki ang humahangos ang dumating.. Hindi sinasadyang narinig ko ang usapan nila..

'Napakalakas talaga ng batang Anderson

'Sinabi mo pa, maging ang kapatid niyang babae.

'Ang buong white flower kamo..

'Pero sino yung dalawa pa nilang kasama..

'Yung lalaki at babae ba? Hindi ko alam

'Hay! Sinabihan na kasi si boss na umatras na muna pero pinagpilitan parin..

Her Secrets [COMPLETED]Where stories live. Discover now