Chapter 42: Party

3.1K 70 0
                                    

CELINE's pov

Lumabas na ako ng banyo matapos maligo at nagtungong Makeup Vanity Table at naupo, light makeup lang ang nilagay ko sa muka ko at tumayo na para isuot na ang gown ko.. Nagsuot nalang ako ng Black pumps high heels..

Nagtali na ako ng messy bun at sinuot na ang maskara kong black and sliver na hanggang ilong.

Kinuha ang clutch bag kong itim at bumaba na, marami ng tao.. Karamihan ay mga negosyante at kaibigan ni Angela.. Napansin ko naman ang lalaking may kausap.. I think its Recca pero wala akong balak na magpakita dahil sa suot ko.. Maraming salamat sa Mask na binigay ni Angela.. Sabi niya isuot ko lang raw to at wag na wag huhubarin.. Espesyal raw ito at regalo niya sakin.

Napansin kong lahat sila ay sakin binaling ang tingin at sa di malamang dahilan ay nakaramdam ako ng inis dahil na sa akin ang lahat ng atensyon nila at para mawala yun ay umalis na ako roon at nagtungong Bar counter..

"One whiskey" sabi ko sa bartender

"Ok ma'am" sagot nito at sinalinan ang isang baso at inabot sakin..

Agad ko itong ininom at ramdam ko ang padaloy nito sa lalamunan ko, nilibot ko ang paningin ko at parami ng parami ang tao..

Silver ang kulay ng lahat.. Tanging mga bisita lang ang nakaitim kasama na ako roon.. Ang debut na to ay hindi gaya ng ibang debut na may 18 roses ay kung ano ano pa na kabalbalan, ayaw ni Angela ng ganon, gusto niya ay Club party..

"One more" saad ko sa bartender at agad naman niya akong binigyan. Walang ano ano ay ininom kong muli ito..

"One more" saad ko sa bartender..

"Ma'am baka po--"

"One more" pagulit ko sa sinabi ko kaya wala itong nagawa kundi ang bigyan ako.. Muli ay nilagok ko ito at humingi pa ng isa.. Hanggang sa nakaapat pa ako na inom..

Tumayo na ako ng magstart na ang music.. Kita ko si Angela na bumababa sa Hagdan at naka Crystal ball gown.. Napangiti naman ako dahil sa ganda ng kapatid ko. Nangingibabaw sya sa lahat.

Ngayong gabi, sya ang prinsesa sa isang Fairytale story..

"Sis" tawag ko ng makalapit ako sa kanya.. Gaya ko ay nakamask rin ito ngunit Silver lang ito na napapalibutan ng glitters ang gilid.

"Ate.. Ang ganda mo" bati nito at niyakap ako..

"Ikaw kaya yun, nangingibabaw ka sa lahat.." Pagkontra ko sa sinabi niya..

"Haha! Sige pareho nalang tayo" sabi nito at natawa naman kami.

"Hindi ko akalaing magkakausap tayo ng hindi nagaaway.." Sabi ko at napailing

"Ako rin.." Sabi nito at ngumiti

"Hays! Malaki kana, 18 kana. Alam mo na ang tama sa mali Angela. Gusto kong magaral ka ng mabuti, tuparin ang pangarap mo. Mahal kita and i'm proud of you" sabi ko at ngumiti. Tumulo naman ang luha niya na agad kong pinunas gamit ang kamay ko..

"Salamat ate" saad nito at niyakap ako at niyakap ko rin sya pabalik..

"Pano, puntahan mo na sila" sabi ko rito at tumango naman ito at umalis na..

Her Secrets [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon